Masyadong nagbubunyi si Renhero at hanggang sa school, pinagkakalat niya ito at ito namang mga katabi ko, kanina pa kinikilig at halos gusto ko nang takpan yung tenga ko dahil tungkol kay Natasha at Renhero yung topic. SAWA NA KO, PLEASE LANG.
Iniwanan ko muna sa lunch table si Alice na kausap si Belle, gusto ko ng tubig ngayon. As always, maraming babae pa rin ang gustong lumapit sa 'kin. Inis na inis na talaga ako, hindi ba nila maintindihan na ayaw ko na dumidikit sila? Ayoko lang sa mga taong dikit nang dikit, brr.
Wait, is that Nick? I walked towards him at buti nalang, wala masyadong tao dito.
"Nick," Napatingin siya sa 'kin at tumango, "Kayo pa ba ni Xyrile?" Kumunot muna yung noo niya bago tumawa. Ano naman yung nakakatawa? Marami ng baliw dito sa mundo, jeez. "Hey, I'm asking you."
"Of course, not. Bakit naman kami magkakabalikan? Nililigawan ko na si Belle, hindi naman ako katulad nung iba diyan. Don't worry, hindi ko paiiyakin yung girl best friend ng best friend mo." Talaga lang ha?
"Bakit kayo magkasama nung Sabado?"
He smiled, "It's about business, nakahanap na yung dad niya ng isang business man na mayroong inrereto na lalaki. She's just asking for our company's help, no need to worry." Then, someone called him. "Mauna na ako,"
Tumango nalang ako. Something is weird, hindi naman siya ganun umakto. Parang may mali? Bawat araw na malalampasan ko, parang may mali eh.
"Huy," Eto yung may mali, may mali sa utak. Sino pa ba? "Ano ba yung problema mo, Kelvin?" Chismoso, tch.
"Wala, private 'to." Tingnan mo, susundan pa ko. Nilalayuan ko na nga yung ibang babae, nagdala pa ako ng magnet. "Go away," Masisira na yung eardrums ko sa mga tili na natatanggap ko eh! If you look at Death, para lang din siyang teenager.
"You are harsh, mamaya na nga lang."
"Whatever," Haaay, salamat, umalis na siya. Before I can enter the cafeteria, I saw Xyrile again talking to Nick.
Are they sure that they are not trying to bring the past? Mukha ngang tungkol sa business yung pinaguusapan nila dahil seryoso si Xyrile. Well, lagi namang seryoso yung babaeng yun pero maraming nagkakagusto sa kanya.
I just sighed, this won't take me anywhere. Pumasok nalang ako ng cafeteria at buti nalang, nandoon pa yung dalawa. Ang topic nila ngayon ay tungkol sa Valentine's Day. Ano ba yan, nakalimutan kong bumili ng tubig.
Last day of January ngayon at bukas na magsisimula yung February, medyo busy na rin yung mga sections. Tama nga yung sinabi ni Belle, pinalitan na yung prom para raw unique. Marami namang pumayag dahil sawa na raw sila sa prom at sa susunod nalang daw yung prom. I guess we're lucky then?
"By the way, Kelvin, sino date mo?"
"Wala, hindi ako a'attend. Maaaksaya lang yung oras ko sa mga ganyan, wala naman akong girlfriend. Ayoko rin naman ng ibang babae diyan at baka atakihin sa kilig,"
"Grabe, tinanong ko lang kung sino yung date mo, ang dami mong sinabi."
"Shut up."
Death's Deal
"Date? Kailangan ko pa ba noon?" I asked. Tinanong ako ni Natasha kung sino yung ka'date ko, hindi naman uso sa 'kin yung mga ganyan eh.
Inilapag ni Natasha yung sandwiches sa table at kinain namin iyon, "Oo naman, Kelvin. Malapit ka nang makatapos ng high school, hindi ka pa uma'attend sa mga ganyan. May kasama rin itong grade, medyo maliit pero okay na."
Hmm, wala talagang pumapasok sa isip ko. Si Belle? May Nick na yun eh. I can't ask Alice kasi baka magsilayuan yung iba niyang suitors, wala pa namang boyfriend yung babaeng yun, hindi pa raw ito yung right time. Dati pa niya sinasabi yun eh, kasawa na.
Kaya lang naman ako walang girlfriend kasi baka awayin siya nung mga fan girls ko, mahirap na. Mahirap din pumili lalo na kung konti nalang yung mga inosenteng babae, maraming plastik.
"Why don't you ask Alice?"
Alice? "You already know my answer, Natasha."
"Just this once then sa susunod, h'wag na. Maraming suitors si Alice, right? Baka mali yung mapili niya, maganda na yung sigurado. Wala pa siyang ka'date. Don't act na parang mahuhulog ka naman sa kanya,"
Wala namang masama, 'di ba? After eating the sandwiches, dumiretso na ko sa kwarto at si Natasha naman, pupunta raw kina Shane, her friend.
I stared at Alice's name on the screen of my cell phone. Should I ask her or not? Should I call her? Kalito naman kasi yung babaeng 'to eh, hindi ko malaman yung gagawin ko.
"Pindutin mo na yung 'call' button, mas maganda sana kung sa personal mo siya tatanungin."
"Pinagiisipan ko pa, just shut up there."
"Ano pa ba yang pinagiisipan mo? Isang araw mo lang siyang magiging ka'date, ano ba masama roon?"
I sighed at sinuot na yung jacket and shoes ko, bibigyan ko na rin siya nito, I bet she misses it. Ito man, hindi ko pa ito naibibigay sa kanya eh. I went to the garage at pinaandar ko na yung motor ko para pumunta sa bahay nina Alice. Tama naman si Death, walang masama kung magiging date ko siya.
Pinarada ko na yung motor sa tapat ng gate nila at naabutan ko siyang may kausap na isang lalaki na hindi ko kilala. Aba, sino 'to? Walang lumalapit kay Alice ng hindi ko kilala, tch. Binuksan ko na yung gate at nagtago sa may puno para marinig kung ano yung pinaguusapan nila. HINDI AKO CHISMOSO.
"C'mon, Alice, just this once." Sino siya para hawakan yung kamay ng best friend ko? Suntukan, gusto niya?
It looks like nahihirapan si Alice sa sitwasyon, bwisit na lalaki. Lumabas na ko and fake-coughed kaya napatingin sila sa 'kin.
"Si K-Kelvin!" Lumapit siya sa 'kin at kumapit sa braso ko. Oh? Anong meron sa 'kin? Kung kagwapuhan, tatanggapin ko. "Siya yung date ko this coming Valentine's Day, right Kelvin?" Tatanungin palang po kita.
Makaakto na nga lang, "Sino ba 'tong lalaking 'to, Alice? Is he asking you to be his date? Kung ganoon, hindi ako papayag."
Tumawa siya, "Hahaha! Sino yung pinaglolo'loko niyo? Mag'best friend kayo, h'wag niyo kong gawing tanga!" Bubuin mo pa ba ang isang bagay kung buo na ito? (1)
I fake laughed, "Ha. Ha. Ha. Ha. Sino yung pinaglolo'loko mo? Sino nagsabi na bawal mag'date ang dalawang mag'best friend?
Natigil naman siya at MAS sumama yung mukha, "What do you mean?"
"Tanga ka ba o tanga? Hindi kami magkamag-anak, mag'best friend lang kaya pwede kaming mag'date kung kailan namin gusto."
Tumingin siya ng masama kay Alice and I felt she flinched bago lumabas ng walang imik. Sino ba yun?
"Wala nang bawian, Alice. Uupakan kita,"
Napaalis yung kapit niya sa 'kin at tumingin sa 'kin, "You mean that?!"
"Oo naman, kailangan ko kasi ng date eh. Isang araw lang naman, no need to worry."
I heard her sigh, "It's better to be safe than to be sorry,"
"Before I can forget," Inilabas ko na yung red rose at isang letter. "Advance Happy Valentine's Day, best friend."
Author's Note:
(1) Ang ibig sabihin ni Kelvin na "Bubuin mo pa ba ang isang bagay kung buo na ito?" ay "Gagawin mo pa bang tanga ang isang tangang tao?"
Para lang po ito doon sa mga hindi na'gets. :D
BINABASA MO ANG
Death's Deal
FantasyNaranasan mo na bang makipag'deal? Yung parang pustahan, pero sa tao ka lang nakikipag'pustahan. What will you do if Death deals with you? Si Kelvin Harris, isang cold guy na heartthrob ng school niya. He has a best friend named 'Alice Warren', a ha...