Author's Note: NOTE PO!!! Salit-salit yung point of view dito, pakiintindi nalang. H'wag kang maiinis, ha? May isang point of view dito si Xyrile.
Kelvin's P.O.V.
Mamayang gabi na yung flight ko papuntang U.S., mamayang gabi na rin yung kamatayan ko. Kahit naman kasi buhay ako, parang patay na rin ako kapag ikinasal na ko kay Xyrile. Hindi si Death yung papatay sa 'kin, kung hindi yung selos na mararamdaman ko tuwing magkasama si Fred at Alice.
"Nakatitig ka na naman diyan sa picture niyo ni Alice. Sisi ka, 'no?"
"Ang gusto ko lang naman bago ako umalis o kaya'y mamatay, eh yung magkaayos kami."
Tumingin sa 'kin si Death at bumalik na sa paglalaro sa laptop ko, "Condolence nga pala, dude."
"Loko ka, hindi pa ko namamatay."
"Mas maganda na yung maaga,"
I just sighed at nag'vibrate yung cell phone ko. Who is it? Sinagot ko na kahit hindi pa tinitingnan kung sino ito, "Hello?"
"Harris. Café. NOW."
Napabuntong hininga nalang ako, "Death, aalis lang ako." Sinuot ko na yung jacket ko at pumunta sa garahe. Ano na naman ba yung gusto ni Xyrile? Ginagawa na niya akong alila eh.
Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil nasa labas ka palang, makikita mo na siya. I sat in front of her at tinitigan niya lang ako kaya napataas yung kilay ko.
"Para kang bakla,"
"Kung nami'miss mo ko, Xyrile, diretsuhin mo na ko." Tinapakan niya yung paa ko kaya agad ko itong hinawakan, "Ano bang problema mo?!"
"Ayokong magpakasal sa 'yo, gusto kong umalis."
Kumunot yung noo ko, "Hoy, h'wag ka ngang feeling runaway-bride. Hindi pa tayo kasal,"
"Asa ka namang papakasalan kita,"
I rolled my eyes, kakaiba talaga 'tong babaeng 'to. "Ano ba yung gusto mong pag'usapan?"
"Yung tungkol sa school na papasukan natin,"
"Kahit saan nalang,"
"Walang ganoon sa U.S., hayaan na nga lang natin si Dad pumili." I'm sorry, Xyrile, hindi tayo matutuloy sa U.S..
Death's Deal
Alice's P.O.V.
I checked my phone, para kasing nag'vibrate eh.
From: Fred
Punta ka naman dito sa tagpuan natin, honey. :*
Napatawa nalang ako. He's trying to be sweet pero ayaw talagang gumana sa 'kin eh, nakakatawa lang talaga.
3:00 pm na, bakit kaya niya ko pinapatawag? Nagbihis muna ako bago pumunta roon sa favorite café namin, masarap kasi yung mga coffee nila eh! Super yummy!
Bumaba na ko ng taxi pagkatapos kong bayaran si manong at pumasok na sa loob, nandoon siya sa may pinakadulo habang ginagamit yung cell phone niya.
"Hey, Fred." Napangiti naman siya sa 'kin. "Bakit mo ba ko pinatawag?" Saktong may naglalagay ng coffee at isa roon ay favorite ko! Vanilla flavor! "Thank you, Fred!"
Tumawa nalang siya at uminom na rin, "May aaminin ako sa 'yo," Kumunot yung noo ko. Ano naman aaminin nito? "Promise me na hindi ka lalayo kahit ano man ang sasabihin ko,"
Ngumiti ako at hinawakan yung kamay niya, "Oo naman, boyfriend kita eh."
"Bakla... ako."
Death's Deal
![](https://img.wattpad.com/cover/19094195-288-k673994.jpg)
BINABASA MO ANG
Death's Deal
FantasyNaranasan mo na bang makipag'deal? Yung parang pustahan, pero sa tao ka lang nakikipag'pustahan. What will you do if Death deals with you? Si Kelvin Harris, isang cold guy na heartthrob ng school niya. He has a best friend named 'Alice Warren', a ha...