Chapter 10

65 3 0
                                    

Pagdating namin ni Alice sa bahay, nandoon yung mga kaibigan ni Natasha pero may isa akong lalaking hindi kilala.

"Yay, here they are!" Sabi ni Kathy at mukhang nagpipigil ng tili, pati na rin si Shane. "What you did, Kelvin, is so nakakakilig!"

"Kathy's right, sasabog yung puso ko eh!" Comment naman ni Shane at nag'apir sila ni Kathy. "KelLice! KelLice! KelLice!"

Namula naman kaming dalawa ni Alice. Sino ba yung nagpa'uso ng KelLice? Si Death na naman ba?

"Wharyl?" Napatingin si new guy kay Alice at nung una, kumunot yung noo niya pero ito ay napalitan ng ngiti, "Hey, it's been a long time!"

"Oo nga eh, haha!" Nagbeso-beso muna sila saglit, "Lumaki ka na, Alice. You're not the same old little girl I know," Malamang, big na siya eh. Sino ba yung Wharyl na 'to? Sabi ko nga, walang lumalapit kay Alice na hindi ko kilala.

"Maka'little naman 'to, eh magkasing'height lang naman tayo noon!" Eh bakit ba hindi mo kinuwento sa 'kin yung lalaking yan? Another bwisit in my limited-life, ugh. "Kelvin, eto nga pala si Wharyl June. Wharyl, eto naman si Kelvin Harris."

"Calvin Harris?" 'Kelvin' nga eh, mahina lang pandinig mo? Ha? Tch, may pinagkaiba ang 'A' sa 'E', hindi ba itinuro sa inyo yan ha?

At eto namang si Alice, tumawa sa CORNY niyang joke. Niloloko ata nung Wharyl na 'to yung pangalan ko eh, "Ikaw talaga, Wharyl, mapagbiro. KELVIN Harris, hindi CALVIN."

"Wharyl kung-ano-mang-month-yang-aplido-mo, ako nga pala si Kelvin Harris, best friend ni Alice." I shook his hand.

"It's 'June', Wharyl June." I just shrugged at binitawan na yung kamay niya.

"Okaaaaaay! Manood na tayo ng movie, guys!" Dumiretso na silang lahat maliban sa 'kin at Belle.

Lumapit siya sa 'kin, "Nagchichilus cha ba, Chelvin?" Tumawa siya after tusukin yung tagiliran ko. "Siya nga pala si Wharyl June, yung na'meet ni Alice noong 12th birthday niya. Pumunta ka noon sa ibang lugar, right? Hindi na siguro naikwento yun sa 'yo ni Alice dahil sa tingin niya, hindi na silang magkikita pa muli." Subukan niya lang- "Oo nga pala, crush siya ni Alice." BWISIT NA MONTH YUN. Subukan lang niyang agawin sa 'kin si Alice at malilintikan sa 'kin yun.

I sat in the end of the couch, katabi ko si Alice at katabi naman niya si Wharyl. Tumatabi ba talaga 'to kay Alice? Mukhang magkasundo sila sa movie na pinapanood namin and the whole time, sila lang yung naguusap. Excuse me, nandito pa ko!

I just crossed my arms and glared at the TV, wala akong ganang manood ngayon.

"Guys, bumilog na kayo!"

"Truth or Dare? Ugh," Kean groaned at sinunod na namin si Natasha. After a few minutes, bumalik na siya with a bottle in her hand. "I'll go first," Pinaikot na ni Kean yung bote at tumapat ito kay... LEO. "Leo, truth or dare?"

Leo stared at him before answering, "Dare, Kean, DARE."

Kean smirked, "I want you to hold Shane's hand hanggang sa matapos yung laro natin."

Namula naman si Shane, as in yung PULA talaga. Yung kay Leo naman, konting blush lang pero sinunod niya yung utos. Kung sila-sila lang yung maglalaro, magiging boring 'to.

"Wharyl, truth or dare?" Tanong ni Leo. So it's Wharyl's turn, huh? Baka 'truth' naman yung piliin niya, mukhang mahinhin 'tong lalaking 'to eh.

Wharyl smiled, "Truth," Seriously? Kalalaking tao nito eh, 'truth' yung pinili. Baka naman gusto niyang mag'confess? Subukan niya lang banggitin yung pangalan ni Alice, mapapalitan ng 'July' yung aplido niya.

Napahinto muna saglit si Leo but suddenly, he smirked, "Truth, eh? Who is your crush? Shane or Kathy?"

Siguraduhin niya lang na roon lang siya sa choices pipili, "Can I choose... Natasha?"

Nabilaukan si Renhero sa sinabi niya, miski ako ay nagulat, pati rin ata si Natasha eh.

Bago pa man kami kumilos, hawak-hawak na ni Renhero yung kwelyo ni Wharyl pero nakangiti pa rin yung mokong, nakalimutan ko bang sabihin na magkatabi lang kami? "Dude, hindi mo ba nabalitaan na kami na? Hindi ba sa Wareton High ka nag'aaral? Hindi mo ba naririnig yung 'Hiro-Tasha'? Kung naririnig mo yun at hindi mo alam yung ibig sabihin, pwes, ipapaalam ko sa 'yo. Dude, KAMING DALAWA yun ni Natasha, kaming dalawa LANG kaya wala ka ng pag-asa."

"R-Renhero, calm down. He's just joking," Kumalma naman si Renhero at bumalik na sa pwesto niya. "Wharyl, say the truth."

Tumawa si Wharyl, "I'm just kidding, Renhero. I like Kathy, really," I just covered my mouth and yawned. "It's my turn now," Pinaikot na niya yung bote aaaaaannnddd... tumapat ito kay Kathy. "Now, now, truth or dare?"

"D-Dare," Hindi pa rin maka'get-over sa sinabi ni Wharyl kanina?

"Sit by my side,"

"H-Ha?"

"You know, this is my only chance to be with you."

Wala nang nagawa si Kathy kung hindi ang sumunod kay Wharyl, "My turn now," Excited niyang sabi at pinaikot yung bote. Tumapat naman ito kay... Alice. "Yay! Truth or dare, dear?"

"Dare...?"

"Kiss Kelvin's nose!" WHAT THE HELL???

Namula naman si Alice at nagkatinginan kami, magkatapat kami ng inuupuan. Unti-unti siyang lumapit sa 'kin at yung dalawang babae, tumitili na. Ayan na, malapit na siya. Ayan na, ayan- what?!

Biglang dumilim yung paligid at nakaramdam nalang ako ng dumagan sa 'kin. Ano bang nangyayari?! Hindi nawawalan ng kuryente 'tong bahay na 'to simula nung tumira ako rito!

Bumukas ulit yung ilaw at bumungad sa 'kin ang mukha ni Renhero. Pa'no 'to napunta sa ibabaw ko?! Tinulak ko siya ng paglakas-lakas at tiningnan kung nasaan si Alice.

Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil nasa tabi ko lang siya... with Wharyl below and their lips are touching each other.

Ngayon ko lang nalaman na masakit palang mag'selos. Baka naman hindi talaga ni Alice para sa isa't isa, hanggang best friend lang.

Death's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon