Chapter 11

61 3 0
                                    

Alice's P.O.V.

Umalis na ko sa ibabaw ni Wharyl nung may narinig akong malakas na kalabog at pagtingin ko, wala na si Kelvin. Nasaan yun? Hindi pa tapos yung dare ko!

Hindi ko nga rin alam yung nangyari eh. Dumilim lang yung paligid then natalisod ako then boom! Nasa ibabaw na ko ni Wharyl at na'kiss ko pa siya! Wrong timing, dapat, dati pa 'to nangyari, hindi kung kailan in-love ako sa best friend ko.

"Alice," Tiningnan ko lang si Wharyl at kitang-kita ko yung pagaalala niya, "S-Sorry,"

I smiled sadly at tumayo na, "It's an accident." At tumakbo na ko papuntang room ni Kelvin. Hindi ko kayang tiisin na galit sa 'kin yung best friend ko, hindi ako sanay ng hindi niya ko pinapansin.

Nakailang katok na ko pero wala akong sagot na natatanggap. "Kelvin... open the door, please!" Am I crying? Nagiging blurred na yung paningin ko at nararamdam kong may tubig na tumatakbo sa pisngi ko.

"What do you want?" Bumukas yung pinto at bumungad sa 'kin ang naiiritang si Kelvin. The way he looks at me... parang ayaw niya kong makita.

"Bakit ka umalis, Kelvin?!" Sigaw ko sa kanya. "Bakit ka umalis ha?!"

"Ano bang pakielam mo? Makipaghalikan ka nalang doon kay Wharyl, yun naman yung gusto mo eh, pagbibigyan kita. Kapag hinahayaan mo ang isang tao, isa lang ang meaning noon, Alice... wala silang pakielam."

That crushed my heart. Paulit-ulit itong nag'play sa utak ko, "Hindi ko naman sinasadya yun eh!" I tried to explain. Masakit isipin na mahal mo yung taong walang pakielam sa 'yo, sobrang sakit.

"Sa lahat ng makakalimutan mo, bakit katangahan pa yang iningatan mo?"

Nagulat kaming dalawa nung lumipad yung kamay ko sa mukha niya. Anger is now controlling my body, all I know is that I'm hurt. "Oo nga, Kelvin, ang tanga ko! Isa akong malaking tanga na nahulog sa isang g*go na walang pakielam sa mundo! Ang tanga ko eh, naging kaibigan ko pa siya for how many years?! EWAN KO! Sumasaya ka ba sa piling ng isang g*go ha?! Lagi mo bang iniisip ito ha?! Hindi naman, 'di ba?! Eh ako, oo! Masaya ako tuwing kasama yung walang-hiyang tao na yun at lagi rin siyang nasa isip ko! Alam mo kung bakit?! Dahil mahal ko si Kelvin Harris!" I pushed him one more time bago tumakbo. I want to run away from all of this.

Death's Deal

Kelvin's P.O.V.

"Dahil mahal ko si Kelvin Harris!"

"F*ck," Hinilamos ko yung mukha ko. I'm such a jerk, an idiotic jerk.

"Kelvin,"

I let my tears fell. Hindi pa ako umiiyak pagkatapos mamatay ng mga magulang ko, that was the last time I cried. Ilang taon na ba ang nakakalipas? They died when I was 6 years old. After they left me, that was the time I met this crazy-girl that I called 'best friend'. Her cheerful smiles, babbly mouth and comfortable hugs, I suddenly miss them when I saw her cry because of me... for the third time.

"Kelvin, look." Tumingala ako at tiningnan si Cupid na handa nang ipana yung arrow niya sa picture naming dalawa.

"Stop it," At dahil nga makukulit ang mga bata, hindi niya ko sinunod. Imbis na sumabog ang maraming puso, nabiyak sa gitna yung puso sa arrow niya and it turned into a chocolate. Kinuha ko ito at sa magkabila, nakalagay doon ang pangalan naming dalawa. Yung kahoy naman doon sa arrow niya, naging isang pink rose. Alice's favorite.

Humarap naman ako kay Death at may binigay siya sa 'kin cartolina with designs at isang pentel pen, "Go,"

Hindi ko mapigilang mangiti at isinulat ko na yung gusto kong sabihin. Pagkatapos noon, pinaikot ko ito at yung chocolate naman, inilagay ko sa isang lalagyanan at idinikit na rin dito yung pink rose.

"Thank you,"

Lumabas na ko bitbit yung mga dala ko at hinanap si Alice. Tahimik na yung buong paligid at mukhang tumigil na sa paglalaro yung mga kaibigan ni Natasha. Maybe, Alice is with Belle?

I knocked on Natasha's door at binuksan naman niya ito, "Is everything okay, Kelvin?" Nagaalalang tanong ni Natasha.

I smiled, "Yes, sa'n ba yung room ni Belle?"

"Sinundo siya nung kuya niya eh,"

"Ganun ba? Salamat,"

Hindi naman makakauwi si Alice dahil hindi nagpapalabas yung guard ng mga ganitong oras. I checked the living room and dining area, wala. Kumatok na ko sa pinto ng C.R. pero wala. Saan naman ba nagpupupunta yung babaeng yun?

Aakyat na sana ako nang, "Loko pala siya eh, aalis-alis tapos magagalit. Anong kalokohan yun? Ako ba kasi yung mga kasalan kung nag'brown-out, hindi naman..." I smiled. Oo nga, bakit hindi ko dumalaw sa kusina? Eh sadistang kalog na matakaw yun. Buti nalang, nakatalikod siya habang kinakausap yung cake na hawak niya. Tahimik akong naglakad papunta sa kanya then hugged her back, "Aaaaah! Waaa-" I covered her mouth bago pa man niya gisingin yung ibang maid. "Hmm! Hmm! Hmmmmmmmm!"

"Ssshhh, it's me - Kelvin." Tumahimik naman siya pero sumama yung aura. "A-Aray!" Kagatin ba naman yung kamay ko?! Kumawala na siya sa yakap ko inilapag na niya yung plato sa may sink, hindi ako pinapansin. Lalampasan na sana niya ko but I hugged her again, "Huy, sorry na. Hindi ka snobber, sadista ka." I rested my chin on her shoulder.

"I'm sorry but this is not hell,"

"Yeah, demons don't have the right to visit heaven. But I'm here because I want to see the angel that caught my heart,"

"Sorry again, wrong heaven. Walang anghel dito na nagngangalang 'Xyrile Henz'."

I chuckled, "I'm not looking for her, do you know an angel named 'Alice Warren'?"

"Alice is not an angel, she's a goddess."

"Really? I thought she's a queen, the Queen of Kelvin Harris' Heart."

Humarap na siya sa 'kin but my arms are still wrapped around her waist, "What do you want?" Humiwalay na ko sa kanya at binuksan yung cartolina, "K-Kelvin," She hugged me very tight. "Y-Yes, I'll be your princess and you'll be my prince."

Ibinigay ko naman sa kanya yung chocolate na may pangalan ko. Wait, bakit parang buo? Kalahati lang 'to eh, si Cupid talaga oh.

"Hindi mo pa nagagawa yung dare mo," Tumawa nalang siya at hahalikan na yung ilong ko pero itinaas ko yung ulo ko at nagulat siya. "Much better,"

"Sa nose lang!" Tumawa nalang ako at kinain na namin yung chocolate. Finally, Alice is no longer my best friend but my princess.

I'm feeling like,
There is no better place than right by your side,
I had a little taste,
And I'll only spoil the party anyway,
'Cause all the girls are looking fine,
But you're the only one on my mind,

WILL YOU BE MY PRINCESS, ALICE?

Death's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon