Chapter 4

98 4 1
                                    

Alice's P.O.V.

I smiled at his letter.

Dear Alice,

Hoy, Happy Valentine's Day, h'wag kang maarte dahil alam kong makaluma na 'to pero mas gusto ko yung ganito, para makita mo yung effort ko. Swerte ka dahil napagsulat mo ko, baka kasi mamaya eh ngumawa ka diyan. H'wag kang tatawa pagkatapos mo 'tong basahin kung hindi, uupakan talaga kita!

Ilang taon na ba tayong magkasama? Tinatamad akong magtuos kaya ikaw nalang yung magbilang pero ang natatandaan ko lang eh matagal na. Ayokong tapusin 'tong friendship na 'to (ang bakla kong pakinggan). Sabihin mo lang sa 'kin kung sino yung mga babaeng umaaway sa 'yo at reresbakan natin! Patay sila sa 'kin, gugulpuhin ko sila!

Doon naman sa mga manliligaw mo, ang papangit ng taste nila dahil ikaw ang napili! Hahaha! Joke lang yun, peace tayo! Ang ibig kong sabihin, h'wag kang pili lang nang pili! Hindi lahat ng uso ay maganda, tandaan mo! H'wag kang maiingit sa ibang babae diyan na kung sino-sino lang yung pinipili. Kung handa ka nang pumili at magka'boyfriend, make sure na mas gwapo ako!

Pero mas maganda kung hindi ka muna magbo'boyfriend, sabay nalang tayo. HOY, BAKA INIISIP MONG BAKLA AKO!!! Ang ibig kong sabihin, sabay tayong magka'boyfriend at magka'girlfriend para iisa lang yung monthsary and anniversary nating dalawa. Mag'best friend talaga.

Sorry kung nasabihan kita ng masama, alam mo naman na isa akong malaking g*go pero tinanggap mo pa rin ako sa kung sino ako. Thankful ako na naging best friend kita because I can't compare you to the other girls, you're one of a kind. Iba ka, hindi ka girlish, sadista ka eh! But I like your attitude, you can stand on your own feet. Himdi ka umaasa sa ibang tao, yun ang h'wag mong babaguhin. Pero yung mukha mo? Pabago na, nagsasawa na ko eh.

H'wag mo kong gugulpihin, sadista!

Sincerely yours,

Kelvin Harris

He's arrogant, a jerk and a bastard pero gentleman. Harsh din siyang magsalita pero hindi dahilan yun para layuan ko siya. Sinasabihan niya kong 'pangit' at 'sadista' pero ang kasunod nun ay tawa kaya naaalis agad yung galit ko at nagkukunwarian nalang.

I'm in love with him.

Kailan ko nalaman? Kanina lang. Sinimulan kong mag'observe noong first year kami. Nagtataka kasi ako eh, bakit lagi siyang pumapasok sa isip ko? Bakit tuwang-tuwa ako kapag ngingiti o tatawa siya? Bakit gusto ko siya laging kasama?

Nasagot ang lahat ng tanong ko na yan nung sabihin niya na bakit hindi pwedeng mag'date yung mag'best friend. Akala ko nung una, umaakto lang siya pero sa kanya pa galing na wala nang bawian. Sino bang tatanggi? Syempre, nagpakipot muna ako nung una. Para sure.

"Sis, ano ba yan? Hindi ka na makapag'focus sa isusuot mo!" Biglang inagaw ni Belle yung letter na kanina ko pa binabasa nang paulit-ulit. "OH. MY. GOSH... KYAAAA!!!" Inalog-alog niya ko sabay yakap at tumawa nalang ako. "KAINGGIT NAMAN KAYO!!!"

"Bruha, ang ingay mo!" Natatawa kong sabi. Loka-loka talaga 'tong si Belle, hindi ko pa sa kanya naike'kwento yung tungkol kanina kasi, damit agad yung ibinungad sa harap ko. "Oo nga pala, siya yung date ko."

"WAAAAAAHH!!!" Halos ibalibag na niya yung lampshade ko sa sobrang kilig, mas affected pa sa 'kin. Alam niya na crush ko si Kelvin kaya kung maka'react, parang siya yung date ni Kelvin. "Kulang nalang eh yung palitan niya ng 'girlfriend' yung 'best friend' eh! Gugulpihin ko talaga yung manhid na yun!"

Dito ako natutong maging sadista eh, mas sadista pa sa 'kin 'to! "Pili na nga lang tayo ng damit, Belle." Naalala ko yung binili kong damit sa mall, nung sinabihan niya ko ng 'maganda', yun nalang kaya yung isuot ko? Puro dresses and gowns yung mga nandito eh! I want to be myself, baka makahalata naman si Kelvin.

Pink yung sleeveless top niya at white skirt yung pangbaba, may puti rin akong belt. Sandals yung ibabagay ko dito para simple lang siya. Ganoon lang kasimple, walang arte. Kilala ko si Kelvin at ayaw nun sa mga maaarte.

Death's Deal

Kelvin's P.O.V.

Alice is now officially my date. Na'inform ko na ito kay Natasha kaya eto kami ngayon sa kwarto ko, naghahanap ng isusuot ko.

"Can't I go with my normal clothes?" She shook her head again. Eto yung ayaw ko eh, kailangan mo pang maghanap ng damit! Nakakainis!

"Bad boy na bad boy yung dating mo, Kelvin. Try to wear normal clothes like this one," At ipinakita niya sa 'kin ang isang black and white checkered. "This is just simple, go with this. Pantalon nalang yung isuot mo at yung sapatos, yung high-cut mo nalang. My work here is done, good luck." She winked at me bago umalis.

No choice na ako kung hindi ang sumunod. Inayos ko nalang yung mga isusuot ko at binuksan na yung laptop ko, matagal na akong hindi gumagamit nito eh.

"Kelvin, maganda yung ginawa mo kanina."

"Oo na," Nagtuturo pa rin si Death pero iba na, hindi ko na siya teacher. Marami rin nakakaalam na magkaibigan kami kaya panay nalang ang tilian ng mga babae tuwing magkasabay kami.

Masyadong boring yung internet kaya humiga nalang ako. Marami na akong araw na nalalampasan pero hindi ko pa rin mahanap kung sino yung babaeng mahal ko. Good luck na nga lang.

Death's Deal

"Ilagay niyo na dito yan. Ayan naman dito,"

Utos dito, utos do'n. Yan ang natatanggap ko habang nagsasalita yung class president namin. Maaga kaming pinaghanda ng principal kaya buong school, BUSY.

Bakit ba kasi um'attend pa ko ngayon? Binuhat ko na yung kahon na ipinabubuhat ni President Freshlin at inilagay ito sa teacher's table.

"Freshlin, ano na yung gagawin ko?" Napatingin siya sa 'kin at nilapitan yung box.

"Okay na yan, make sure na tama yung posisyon, yung hindi siya mahuhulog. Sasapukin kita kapag nahulog yan," Ang daming sadista sa buhay ko. "Guys, h'wag kayong masyadong magmadali at baka magkamali-mali yung paglalagay niyo! Bilisan niyo lang yung kilos! Kelvin, tulungan mo si Belle at Alice!"

Ang daming utos ng babaeng 'to. "Alice, ako na." Kinuha ko na yung box na binubuhat nila amd for Pete's sake, ang gaan.

"So si Alice lang yung nakita mo? Hindi mo napansin yung beauty ko?" I just rolled my eyes at hindi na siya pinansin, gusto ko nang magpahinga.

"Kelvin, ipatong mo yan sa kaninang binuhat mo!"

"Yes, ma'am." Sinunod ko yung sinabi niya at mukhang ayos naman yung pagkakalagay ko. Then, may isang kalabog akong narinig kaya agad akong napatingin. Alice is under Vince and many broke glasses are scattered around them. Isang galawa lang ni Vince, masusugatan siya.

Kumuha ako ng walis at winalis yung mga bubog kung saan nalang sabay hila kay Vince ng malakas dahilan para mapahiga siya sa sahig.

"K-Kelvin,"

"Maglinis nalang kayo, tch." I've never felt something like this before. What is this feeling?

Death's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon