Chapter 17

62 4 2
                                    

Alice's P.O.V.

Maaga kaming umuwi ni Fred dahil hindi ko kayang mag'stay doon nang hindi umiiyak. Nasira ko tuloy yung gabi niya, yun yung feeling ko.

Ngayon, naglalakad ako papuntang pinto dahil may nagdo'doorbell. 3:00 am na for Pete's sake! Binuksan ko yung pinto at bumungad sa 'kin si Mr. Dy na may kasamang bata. Anak niya? Ang cute!

"Sorry to bother you pero... pwede ba kitang makausap?"

"Opo," Pinapasok ko na siya sa loob at naghanda ng coffee, malamig kasi sa labas. "Ano po yung gusto niyong pagusapan, Mr. Dy?"

He took a sip to his coffee habang yung bata naman, todo kain nung sweets na ihinanda ko rin. Ang cute nilang dalawa! "It's about Kelvin," Ha?

"A-Ano pong meron sa kanya?"

Ngumiti sa 'kin si Mr. Dy, "You can call me 'Death'," Halos maibuga ko na yung iniinom kong kape. 'Death'?! As in 'Kamatayan'?! Napalunok ako sa takot. Shootness naman, hindi pa ako handang mamatay! Bata pa AKO!!! "H'wag kang magaalala, hindi ikaw yung pakay ko rito, si Kelvin."

"K-Kelvin?"

"Oo, kailangan ko siyang patayin sa huling araw ng February dahil hindi siya nagtagumpay sa misyon niya," Ngumiti siya sa 'kin. Baliw na ata yung substitute teacher na 'to, "Please, don't call the police." Napanganga nalang ako. P-Pa'no niya nalaman na tatawag ako ng pulis?! "Kasi, kaya kong basahin yung nasa isip mo." Talaga?! That's cool! "Yup, thanks." Napatingin ako roon sa batang lalaki na inuubos na yung sweets, sino naman 'to? "That's Cupid,"

Nanlaki yung mata ko. Si Cupid?! My favorite archer! "C-Can... I hug you?" Tumingin lang siya sa 'kin at tumango. "Waaaaah!" Kinuha ko siya at niyakap. Ang bango-bango niya at ang lambot!

Binitawan ko na si Cupid at bumalik na siya sa pagkain ng sweets, ang cute niya talaga!

"Now, about Kelvin, gusto mo ba siyang mabuhay?" Napatingin ako roon sa reflection ko sa coffee.

I sighed, "Oo naman. Naging best friend ko siya eh, sino ba yung gustong mamatay yung best friend niya?" Lie. Lie. Lie.

Ngumiti nalang si Mr Dy- este, DEATH. "Kung ganoon, kailangan ka niyang maging girlfriend!" Girlfriend?

"Naging girlfriend niya ko,"

He raised is index finger, "Every story has a twist, Alice. Kung hindi niya ito malalampasan, boom, R.I.P. na si Kelvin." Masyado naman. Eh patay na yun eh! Patay na patay sa 'kin! Pero syempre, joke lang yun.

"It's too late now, huh?"

"Yeah, sa 'yo ko lang 'to pinaalam dahil baka sumunod ka sa kanya."

"Masyado naman, Mr. Dy! Hindi naman ako in-love na in-love sa kanya para magpakamatay! Atsaka, sino ba nagsabing sa langit siya mapupunta?" Tumawa si Mr. Dy at nag'apir kami. Para talaga 'tong teenager si Mr. Dy! "By the way nga po pala, kailan po ba yung deadline niya ulit?"

"At the end of the month," Napayuko nalang ako, malapit na. Mas maganda pa atang mag'stay nalang siya sa ibang bansa at kahit papa'no, makikita ko pa siya at makakausap. Aish naman oh. "Hindi pa naman too late eh, basta ipaglaban ka lang niya."

"Mr. Dy, may boyfriend ako."

Tumawa lang siya ng malakas, "Hindi mo kilala yung boyfriend mo, Alice! Hahaha!" Nakitawa na rin si Cupid. Anong hindi kilala? Siya nga si Fred Feliciano eh, pogi nga siya at mahilig sa banda! Cool pa! "Mauna na kami, pasenya na at inubos ni Cupid yang sweets. Salamat,"

Ihinatid ko na sila sa gate pero may pagtataka pa rin sa isip ko. Anong ibig sabihin ni Mr Dy? Naging childhood friend ko siya, imposible namang hindi ko siya kilala.

Umakyat na ko sa kwarto ko. Makatulog na nga lang, inaantok na ko eh! I covered the blanket around my body and closed my eyes. I hope, before Kelvin dies (hindi naman sana), magkabati muna kami.

When I opened my eyes, I saw a lady in the park walking with a little girl.

"Mommy, mommy, look! There's a monkey!" Turo nung bata roon sa may unggoy na alaga ng isang matandang lalaki.

Hindi ko naman makita yung itsura nung babae dahil nakatalikod sila pero parang nabobosesan ko, "Okay, sweetheart. But remember to be careful,"

Tumingin yung bata sa nanay niya with a grin across her face, "Yes, mommy!" Parang namumukhaan ko yung bata!

Sinundan ko sila, hindi ko alam kung bakit pero parang feeling ko lang. Pumunta na yung mag'ina roon sa matandang lalaki at nag'perform naman yung monkey. Tuwang-tuwa yung bata at gumagaan yung loob ko, napapangiti na pala ko?

Naramdaman kong parang may nag'pass-by sa loob ng katawan ko at isa itong lalaki na mukhang businessman. He stopped sa likod nung babae at niyakap ito.

"I miss you, honey."

"Ikaw naman, masyado mo kong ginugulat." Tumawa sila ng mahina. Bakit parang ang gaan ng loob ko? Napansin na nung bata yung lalaki at tumakbo ito papunta roon sa lalaki.

"Daddy, Daddy! Look, the monkey is awesome!" Binuhat siya nung tatay niya at binigyan ng 100 pesos, mayaman! "Yay!" Bumaba na yung bata at ibinigay ito roon sa matandang lalaki na todo pasasalamat. "Walang anuman po," Sanay pala 'tong mag'tagalog?

"Ang galing naman ng baby ko, sanay na sa language namin ni mama."

"Anak niyo po ako eh!" Proud na sabi nung bata na ikinatawa nung dalawang magulang. Ang saya nila, parang walang problema.

"Ikaw talaga, Pa, kung ano-ano yang tinuturo mo sa bata."

Binuhat na nung lalaki yung anak niya. Haharap na sila rito! Salamat, makikilala ko na kung sino kayo-

Napaupo nalang ako sa tunog nung alarm clock ko. Bwisit na alarm clock, edi sana, alam ko na kung sino yung happy-family na yun! But I have to admit, that was pretty weird. I smiled. Maybe it was...

... me and Fred with our child? I hope so.

Death's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon