Author's Note: Nung una ko, imbis na 'Prologue' eh 'Epilogue' yung nalagay ko. Kinakabahan po kasi ako eh kaya ganun nalang. Thank you, Ysannecross, sa pagtatama sa 'kin! Eto na talaga yung Epilogue. XD
Kelvin's P.O.V.
"Sir, there will be a meeting at 3:00 pm." Tumingin ako kay Kenneth at tumango nalang, "Sir, bawal tumakas."
"Makikipagkita ako sa asawa ko kaya wala akong pakielam sa mga meeting na yan."
Kenneth sighed at ibinaba na yung iba pang papeles na pipirmahan ko, "Mauna na ko." Hindi ko na siya tiningnan lumabas.
After a few minutes, inayos ko na yung gamit ko at sinilip yung hallway kung may tao. Wala naman. Inayos ko muna yung tuxedo ko bago lumabas ng office.
While walking, marami ang bumati sa 'kin at buti nalang, hindi nila alam na tatakas NA NAMAN ako. Sumakay na ko sa kotse at pinaandar ito.
10 years na ang nakakalipas at buhay pa ako. Graduated na rin ako at pinapatakbo ko na yung isang kompanya ni Uncle Nathaniel na ibinilin sa 'kin, ayos naman ito at hindi nalulugi.
Si Xyrile? Ayun, nasa U.S. at isa ng ganap na model, international. Nagpapatakbo rin siya ng kompanya katulad ko at malaki ang share namin sa isa't isa. Hindi namin kinalimutan yung nangyari dahil napaka'memorable nito. May asawa na siya ngayon at anak, happy family nga sila at nabalitaan kong nagbago na si Xyrile. Ang dating cold-beauty ay isa na ngayon happy-mommy.
Malapit nang ikasal si Belle at Nick, sinagot na siya ni Belle nung graduate na sila ng college. Nasa ibang bansa sila ngayon, dito raw sila ikakasal eh. 3 months lang yung stay nila sa Italy at two months na yung nakakalipas kaya one month nalang.
Yung best friend ko? Asawa ko na. Gusto niyang mag'model pero pinigilan ko - baka kung ano-ano yung ipasuot sa kanya - kaya manager nalang siya nung favorite café niya which is 'The Roses'.
I parked the car in the parking lot. Paniguradong nasa park na naman yun. I stepped outside the car at pinuntahanan na siya.
I'm right, nandito nga sila. Nakalimutan ko bang sabihin na mayroon kaming anak? Si Kel Liz Harris, kamukhang-kamukha siya ni Alice noong bata pa siya, chubby yung cheeks at mamula-mula. Yung mata naman niya ay namana sa 'kin, dark-brown.
Niyakap ko mula sa likod si Alice at bumulong, "I miss you, honey."
"Ikaw naman, masyado mo kong ginugulat." I just laughed at pinanood yung anak ko na manghang-mangha sa monkey.
Nabaling yung tingin niya sa 'kin at agad namang tumakbo yung prinsesa ng buhay ko, "Daddy, Daddy! Look, the monkey is awesome!" Kinilik ko siya at kumuha ako ng 100 pesos sa bulsa ko, "Yay!" Bumaba na siya at ibinigay doon sa matandang lalaki. Ang bait-bait talaga nitong anak ko. "Walang anuman po," Napangiti ako, nag'Tagalog siya kahit medyo hirap pa magsalita, nabubulol pa siya eh.
"Ang galing naman ng baby ko, sanay na sa language namin ni mama."
"Anak niyo po ako eh!" Tumawa nalang kami ni Alice at ginulo ko nalang yung buhok niya.
"Ikaw talaga, Pa, kung ano-ano yang tinuturo mo sa bata." Pagkasabi niya noon, kumunot ng konti yung noo niya then ngumiti ulit. Baliw na 'tong asawa ko, baliw na baliw sa 'kin.
Binuhat ko nalang si Kel at naglakad na kami papuntang kotse. Manang-mana talaga ni Kel yung ugali ni Alice, pati yung pagka'sadista at pagiging maingay, medyo pa'hard-to-get nga siya eh, hahaha! Kapag galit naman, parang ako raw sabi ni Alice, snobber at laging nakatitig ng masama.
Pagkarating namin ng bahay, hinila ako ni Kel papuntang living room at itinuro yung malaking painting na nakasabit sa pader, nandito na pala 'to.
She childishly glared at me, "Daddy, why am I not in that drawiiiing? You don't love me anymore, do you?" Then, nagsimula na siyang umiyak at tumakbo kay Alice. Hala, anong ginawa ko?! "Mommyyyy, Daddy don't love me anymooore! Waaaah! He hates me!" Hoy, hindi ganyan yung atitude ko!
"Honey, it's not like that." Lumapit ako sa kanya at niyakap si Kel, matampuhin pala 'tong anak ko. I kissed her head pero patuloy pa rin siya sa paghikbi, "That's your mommy and daddy when they were teens. Don't worry, Daddy will make a BIGGER drawing than that."
"You don't love me!"
"Of course not, honey. Daddy loves you very much," Niyakap ko si Alice, parang niyayakap ko na rin kasi si Kel kapag nakaganito.
"R-Really? Will you buy me a-a Spongebob Toy?" Tumango nalang ako at pinisil ng mahina yung ilong niya, "When?"
"After Daddy order a big big big drawing of us, okay?" Tumango siya. "Why don't we watch a movie? What do you think, Ma?"
Alice shrugged and sniffed Kel's neck that made her giggled, "Do you want to watch Spongebob?"
"Yehey!" Umupo na kami roon sa couch with Kel in the middle. She's very talkative, pagkauwi nga niyang school, ang daming baon na kwento.
I looked at the painting. It's me and Alice, holding hands while walking in the beach. Sa may bandang ulap, may nakasilip na isang lalaking naka'puti at isa namang bata na may arrow and bow, it's Death and Cupid. I'll never forget them, kung hindi dahil sa deal ni Death, baka hindi ko makamit yung pamilya ko.
Nung makatulog na si Kel at Alice (night na natapos yung Spongebob MOVIES), I kissed both of their foreheads at inutusan yung maid na kumuha ng blanket.
Hinawi ko na yung buhok na humaharang sa mukha ni Alice then slowly kissed her nose, "I love you, Alice."
Her lips curved into a smile, "I love you too,"
In life, you can find many problems but remember, there's always a solution. You can't have it without the others' help.
Susubukan ka ni Tadhana kung hanggang saan yung makakaya mo at isampal mo sa mukha niya na mas malakas ka pa kaysa sa inaasahan niya. H'wag mong hayaang mangibabaw ang negative kaysa positive dahil sa huli, positive pa rin ang winner.
Naranasan ko lahat yan, thanks to Death's Deal.
Author's Note: The End. Thanks for reading! (^_^)
BINABASA MO ANG
Death's Deal
FantasyNaranasan mo na bang makipag'deal? Yung parang pustahan, pero sa tao ka lang nakikipag'pustahan. What will you do if Death deals with you? Si Kelvin Harris, isang cold guy na heartthrob ng school niya. He has a best friend named 'Alice Warren', a ha...