"Are you feeling well now, Kelvin?" tumango ako kay Natasha at ngumiti.
"Thank you, pwede ka nang umuwi."
Tumango na siya at iniwanan na yung mga prutas niyang dala bago lumabas. Kahapon lang ako gumising, thanks to Death. Next week pa ata ako makakalabas pero matibay daw yung resistensya ko kaya mapapadali yung pagre'recover ko.
Kumuha ako ng apple at kinagat ito, boring naman dito kaya ayoko sa mga ganitong lugar.
"What the--?" tinakpan ko yung mata ko. May liwanag kasing sumulpot sa harap ng kama ko at unti-unting nawawala at isinuka nito si Death na nakangiti sa 'kin. Hindi ba naka'black si Death? Etong Death na 'to, puting-puti! Pati yung kutis, bakla nga 'to.
"Hindi ako bakla!"
"Ano ba yung kailangan mo?"
He pouted at kumuha ng mansanas KO. "Pinapaalala ko lang yung tungkol sa deal na 'tin, baka makalimutan mo. Hindi ito yung perminente mong buhay, hiram lang! May naaksaya ka ng isang araw kaya kailangan mong mag'recover nang super-duper bilis or else, masasayang yang one month mo."
I just shrugged, "Sa lahat naman kasi, bakit pa tungkol sa 'love'?" bwisit naman kasi, wala naman akong kaalam-alam tungkol sa love na yan eh. Ni hindi nga ako naniniwala diyan eh, mabuti pa kung si Alice, paniwalang-paniwala diyan. Sana pala, hindi ko na sinagip yung babaeng yun pero syempre, joke lang yun.
"Naaawa si God sa 'yo dahil wala kang love life, nauunahan ka na nga ni Renhero." napatigil ako sa pagkagat ng mansanas at napatingin sa kanya ng masama. Pinopormahan ba niya yung pinsan ko?! Lagot talaga sa 'kin yung loko na yun! "Kelvin, bakit mo ba ayaw mo si Renhero para kay Natasha? Kaibigan mo naman siya eh."
"Hindi payag yung tatay ni Natasha kay Renhero, hindi boto si Uncle Nathaniel. Binilinan niya ko na h'wag papalapitin si Renhero kay Natasha."
"Ikaw? Payag ka ba kay Renhero?"
Napaiwas ako ng tingin. All this year, nakatuon lang yung pansin ko kay Natasha. "Oo, payag ako sa kanya. Kahit tatanga-tanga yun sa daan, kaya niyang protektahan si Natasha. I can see how much he loves her, I'm just testing him kung gaano kahaba yung pasensya niya."
He grinned at me and tapped my shoulder, "Ibaling mo muna yang love life ni Natasha. Kung gusto mo pa siyang bantayan, you need to do your mission."
Death's Deal
I stepped out of my car with Natasha. Nakalabas na ko ng hospital at pwede na raw akong pumasok. Ang unang sumalubong sa 'min ay si Renhero.
"It's good to see you again, Kelvin!"
Napataas ako ng kilay, "So hindi mo ko binisita sa hospital?"
Napakamot siya ng ulo, "Masyado ka naman! Binisita kita!"
"Hn," I passed them at dumiretso na ng school. Bahala muna silang gawin kung ano yung gusto nila, gusto ko pang manatili yung buhay ko. "Alice."
Alice looked at me then grinned, "Hello, Kelvin." tumingin ako sa tinitingnan niya. "The Valentine's Day is coming."
"January palang."
"Kailan ba yung Valentine's Day? Ha?"
"November, ang layo-layo nun sa January." tch, ang excited nilang masyado. "Tara na nga,"
"Naaksidente ka lang, nagka'amnesia ka na." napataas nalang ako ng kilay sa kanya pero umiling nalang siya at kinatok yung noo ko na parang pinto, "Search mo mamaya kung kailan yung Valentine's Day, " November nga, ang kulit?
"Ah, Kelvin! It's nice to see you again!" oh, no, not him. "Kelvin, mayroon tayong bagong teacher! Ipakikilala kita sa kanya!"
"Err." hinawakan ni Reck yung kamay ko kaya napahawak na ko kay Alice.
BINABASA MO ANG
Death's Deal
FantasyNaranasan mo na bang makipag'deal? Yung parang pustahan, pero sa tao ka lang nakikipag'pustahan. What will you do if Death deals with you? Si Kelvin Harris, isang cold guy na heartthrob ng school niya. He has a best friend named 'Alice Warren', a ha...