"Hey, Kelvin, are you alright?" Nagaalalang tanong ni Death habang hawak-hawak yung lunch niya at yung binili niya para sa 'kin.
I just stared blankly at the blue sky. Galit pa rin ako dahil doon sa nangyari, ni wala nga akong kinausap eh. Hindi naman kasi gano'n si Alice eh, itutulak at itutulak niya si Vince dahil ayaw niya nang may lumalapit sa kanya pero hindi eh, nagkatitigan muna sila. Baka si Vince yung crush ni Alice? Dapat nagreklamo siya na ang gusto niyang ka'date ay si Vince, hindi ako, pwede naman yun eh.
"Kumain ka na, Kelvin." Kanina pa ako kinukulit ni Death pero hindi ko siya pinapansin. I'm not in the mood to talk right now.
"Mr. Dy, ako na po." Kumunot yung noo ko dun sa boses na yun, tch. Narinig ko nalang sumara yung pinto ng rooftop then silence na. "Kelvin, don't be so stubborn and eat." Tiningnan ko lang siya then binaling na yung atensyon ko ulit sa ulap. "Okay, that's it!" Kinuha niya yung collar ko dahilan para mapaupo ako at BIGLA niyang isinubo sa 'kin yung kutsara. NAPAKA'SADISTA TALAGA NG BABAE NA 'TO!!!
"What is your problem?!" Tanong ko pagkatapos uminom ng tubig.
"Kadiri, may lumabas pa na kanin sa ilong mo! Eww!" Sa lahat ng kapansin-pansin, yung paglabas pa ng kanin sa ilong ko yung napansin niya! Tinatago ko nga yun eh!
"Sino ba naman kasi yung magsusubo sa 'kin ng biglaan?!"
"Si Alice Warren! Bakit ba kasi ayaw mong kumain?!"
"Bakit mo ba ko pinapakielaman?!"
"Aba, sumasagot ka na ngayon ah!" Kinuha niya yung dalawa kong kamay at itinali ito gamit yung panyo niya and take note, ANG HIGPIT NUNG PAGKAKATALI NIYA. "Ibubuka mo yang bibig mo o may lalabas ulit na kanin diyan sa ilong mo?!" I slowly opened my mouth at mahinahon niya naman akong sinubuan. "Close your eyes," Bakit ba ako sumusunod sa babaeng 'to?! I closed my eyes at binuksan yung bibig ko. Nasaan na yung pagkain?! Then, I heard a click. Don't tell me- "Muntanga ka dito, hahaha!"
"Alice, ibigay mo sa 'kin yan!" Tumayo siya at lumayo sa 'kin. Aba, sadistang kalog! "Hoy, sinabing ibalik mo sa 'kin yan eh!"
"Anong ibabalik ko sa 'yo?! F.Y.I, akin 'to!"
"Alice!" Bakit ba kasi ako tinali nung sadistang kalog na yun?! "Alice, ibigay mo sa 'kin yan!" Tawa lang siya ng tawa at yung nakakainis, pinapakita niya pa sa 'kin, nakapikit ako habang nakanganga... muntanga nga ako pero ang cute ko doon! Naupo nalang ako sa may upuan katabi yung pagkain. Nagugutom na ko.
Lumapit na siya sa 'kin at kinuha na yung baunan sabay subo sa 'kin at kinain ko naman iyon. "Good boy ka naman pala eh,"
"Hoy, mamaya na nga kayo mag'subuan diyan! Marami pa tayong gagawin," Panira naman 'tong si Freshlin, hindi pa nga ako kumakain eh.
"Freshlin, papakainin ko muna 'tong baby ko." WHAT. THE. FUDGE?
Tumawa sa Freshlin, "Sige, pakainin mo muna yang baby mo. Hahaha!" Sabay sarado ng pinto. H'wag siyang magkakamaling ipagkalat yun or else, magiging POLUTElin na siya!
Alice shrugged, "Kain ka na, baby ko!" At doon niya na'realise yung sinabi niya. "C-Che! Kumain ka nga ng sarili mo!"
"Alisin mo nga yung tali ko," Inalis na niya yung tali ko at agad kong kinuha yung pagkain. Sa gutom ako eh. "Thank you, Alice."
Death's Deal
"Okay na, guys!" Naghiyawan yung mga kaklase ko nung matapos nang ayusin yung room namin.
Saktong uwian na nung natapos kaming umuwi at dumiretso ako sa C.R.. Pagkalabas ko, I saw Alice biting her lower-lip habang nakasandal sa pader.
"K-Kelvin," Nag'taas ako ng kilay. "Ayos na ba tayo?" I just shrugged and I heard her sniffed. F*ck.
"Alice-" Pagkaharap ko palang, isang yakap na ang sumalubong sa 'kin at umiiyak na siya. I made her cry... again. "Alice naman, tahan na."
"I'm sorry, Kelvin! I-I'm really sorry! Hindi ko naman k-kasi sinasadya yung nangyari eh!" She explained again and again. I just hugged her back at kahit anong sabihin ko, ayaw niyang pakinggan.
"Alice, I don't want you to cry... kadiri kasi yung uhog mo." Pulang-pula na yung cheeks niya pero sa likod ng mga hikbi niya, nakuha niya pang tumawa. Those laughs that make my heart beats faster.
"Mas kadiri yung kanin na nanggaling sa ilong mo,"
Niyakap ko siya ng mahigpit, "I don't want you to get close on any guy." I don't know this feeling, yung gusto mong sa 'yo lang siya, ayaw mo na may umaagaw sa kanya. Nagagalit ka tuwing may kasama siyang iba. I'm not familiar with this.
After nung drama namin, napag'isipan na naming uwmuwi. Inihatid ko siya at pinaalalahanan ULIT na h'wag lalapit sa ibang lalaki, baka maagawan ako ng ka'date.
"Uuuyyy~ Selos siya," Yan ang unang salubong sa 'kin ni Death pagkapasok ko palang sa kwarto ko. Selos? "Nagchichilus chi Chelvin," Parang bata niyang sabi. "Hahaha!"
"Anong 'selos'? Kailan ba ko nag'selos?" Binuksan ko yung laptop ko - after changing my clothes - at hinanap yung pangalan ni Vince. Mai'chat nga yung loko na 'to.
Me: Hoy, Vince.
Vince: Problema mo?
Me: Layuan mo si Alice.
Vince: Anong gagawin mo kung ayaw ko?
Me: I'll make your life miserable.
Vince: Kailan ko ba uumpisahan?
Me: BUKAS.
Vince: Sige.
Ganun lang kadali. Pinatay ko na yung laptop at humiga sa kama.
"Kita mo? Hindi raw siya nagseselos, overprotective ka nga eh!"
"May pinagkaiba yung 'jealous' at 'overprotective', ano pa nga ba yung ine'expect ko? Ni hindi mo nga alam yung ibig sabihin nung 'dead'."
"Oh, shut up! I mean, kapag nagseselos ka, nagiging overprotective ka! Yun yung koneksyon!"
"Whatever," Nagse'selos nga ba ako? Naririnig ko yung salitang 'selos' pero hindi ko pa nararamdaman yun.
Sabi nila, kapag nagselos daw yung boyfriend/girlfriend mo, masarap daw sa pakiramdam dahil alam mong gusto niyang sa kaniya ka lang, they care.
So that means... I care for Alice? Of course, she's my best friend! Since I asked her to be my date, naging mas kumplikado yung nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Death's Deal
FantastikNaranasan mo na bang makipag'deal? Yung parang pustahan, pero sa tao ka lang nakikipag'pustahan. What will you do if Death deals with you? Si Kelvin Harris, isang cold guy na heartthrob ng school niya. He has a best friend named 'Alice Warren', a ha...