Chapter 12

70 4 0
                                    

Kelvin's P.O.V.

One week na kami ni Alice at marami na ring nakakaalam sa school. Ang nagpauso ng 'KelLice' ay... mga shippers namin, mag'best friend palang kami ni Alice. Tinatago raw nila yun dahil alam nilang cold ako at nakakatakot, totoo naman.

I laid in my bed. Masyado akong napagod ngayon dahil nag'P.E. kami at may test pa. Ano ba yan, hinanap ko pa kung sino yung text ng text sa 'kin.

"Kelvin, tawag ka ni Dad." Sabi ni Natasha through the door, bakit parang malungkot siya? Binuksan ko yung pinto and there she is, nakayuko.

"Is there something wrong?" Hindi na niya ko sinagot pero naglakad papalayo. Anong meron? Pumunta nalang ako sa office ni Uncle Nathaniel at kumatok.

"Come in,"

Pumasok na ko sa loob and Uncle Nathaniel looked at me and offered a seat which I gladly took, "Is there something you want to talk about?"

May inabot siya sa 'king isang papel at nung nabasa ko ito, hindi ko mapigilang magulat at the same time, matakot. "Yes, may isang kompanya ang pumayag sa isang marriage arrangement. Naalala mo pa ba noong sabi mong payag kang magpa'marriage arrangment? Here it is. Tomorrow, I'll excuse you. Bukas tayo makikipag'meet sa kanila. You may leave now."

"Y-Yes," Lumabas na ko ng office. Hindi pa alam nina Uncle Nathaniel na may relasyon kami ni Alice, hindi ko kayang tumanggi dahil sila yung nagpalaki sa 'kin. Ano na ang gagawin ko?

Death's Deal

Alice's P.O.V.

Habang naglalakad kami sa park ni Kelvin, parang may gumugulo sa kanya.

I kissed him in the cheek na ikinabalik ng diwa niya, "Is there something wrong, Kelvin?" Tumingin lang siya sa 'kin at umiling.

"Uwi na tayo?" Kararating lang namin dito, uuwi na agad? I smelled something fishy.

"S-Sige," He's acting weird, ano bang meron? Sumakay na kami sa kotse niya.

Ayaw talaga akong tantanan ng konsenya ko pero tuwing titingin ako kay Kelvin, para talagang hindi ako pwedeng mangialam sa problema niya. Hihintayin ko nalang muna na sabihin niya sa 'kin.

Pinagbuksan niya ko ng pinto nung nakarating na siya sa amin. He held both of my cheeks and kissed my forehead for almost 15 seconds then hugged me.

"I love you," Napangiti nalang ako and hugged him back, "I love you so much, I don't want to let you go." He breathed in my ear.

"That tickles," I giggled. "I love you too, Kelvin." Ngumiti nalang siya and kissed me me again in the forehead.

"Pasok ka na," Pinapapasok ako pero ayaw akong bitawan. "Sorry," Tumawa nalang ako ng mahina and smiled bago pumasok sa loob. I'm so lucky to have him.

"Masyado ka namang kinikilig diyan,"

"F-Fred!" Nandito pala siya! Pa'no siya nakapasok?

"Okay ba yung acting natin dati?" Tumango ako at ngumiti.

Nung Valentine's Day kasi, acting lang yung pinilit niya akong maging ka'date niya. Alam naming dadating si Kelvin kaya nag'simula na ang acting'an then BOOM! Date ko na siya! Para-paraan lang yan.

"Ano pa ba yung gagawin natin?"

"Wala na, kami na eh."

"That's great!" Tumango ako sa kanya, alam din kasi niya na crush ko si Kelvin eh. "Gagawa lang ako ng sandwiches,"

Nag'ring yung cell phone ko at nag'pop dito yung pangalan ni Freshlin, "Hey, Freshlin, may kailangan ka ba?"

"Kilala mo ba yung bagong... student?"

Bagong stu- ah, si Wharyl. "Oo, si Wharyl. Wharyl June, bakit?"

"Kailangan ko ng impormasyon sa kanya, lilipat ata siya sa section natin." Kinakabahan ba siya? Nangangatal kasi yung boses niya eh, parang natatakot. "First, kailan yung birthday niya?"

"June 26, ****"

"Yung real name niya?"

"Ah, John Wharyl June. Yun lang ba?"

"Oo, salamat. Wait lang, alam mo ba yung number niya?"

"09-" I smirked, "Sure ka bang para sa school yan, Freshlin?"

"H-Hinahanap na ko ng lolo ko, b-bye!"

Tumawa nalang ako nung pinatay na niya yung call, crush niya nga si Wharyl. Wala na both yung lolo't lola niya, sa tatay man o kaya'y nanay.

"Sandwich!"

Pumunta na ako sa dining room at kumain ng sandwich na gawa ni Fred. While eating, napansin kong nakatingin siya sa 'kin kaya kusang tumaas yung kilay ko na ikinatawa niya.

"Sorry, ang ganda mo kasi eh."

Kahit maraming nagsasabing maganda ako, hindi pa rin talaga ako sanay dahil ang sabi ni Kelvin, hindi raw totoo ang kasinungalingan. Kita mo? Ang yabang, porke't pogi lang siya, that doesn't mean na pwede na niya kong lait-laitin! Pero loves ko siya!

"By the way nga pala, Fred, bakit umuwi ka ng Pilipinas?"

Halatang nagulat siya sa tanong ko. Dati kasi sabi niya, pupunta raw siyang U.S. balang araw at noong natupad naman iyon, hindi na siya nakabalik dito dahil masyadong busy. Ngayon lang siya bumalik eh.

"Eh kasi, may mga dapat akong asikasuhin sa bansa na 'to, " Pinisil niya yung pisngi ko, "At isa na roon yung utak mo." Kusa nalang naningkit yung mga mata ko at nag'pout yung mga labi ko. Ang daming masamang tao ngayon, 'no?

May nag'ring ng doorbell kaya automatic akong napatayo at dumiretso sa pinto, baka umuwi na sina Daddy! Pagkabukas ko ng pinto, may mga pulang papel na gupit-gupit ang nahulog mula sa itaas at hindi ko makita kung ano yung nasa labas. Nung kumonti na, tumambad sa 'kin ang isang:

Happy Best Friend Day, best friend! You're the best Best Friend in my friends! You lightened up my dark world so thank you very much!

Hindi ko inaasahang may ganitong pakulo si Kelvin. Ibinaba niya yung cartolina at lumabas ang nakangiti niyang mukha.

Lumapit ako sa kanya at eto na naman siya, binibigyan ako ng pink rose. "Even though girlfriend na kita, hindi ko makakalimutan na nag'umpisa tayo sa pagiging mag'best friend." I hugged him.

Akala ko, nakalimutan na niya. He's cold, distant and a jerk (sometimes) but he would not forget something important. Can I ask more in our relationship? Kahit hindi sikat yung relasyon namin, okay lang.

"Thank you very much, best friend. I love you very much, boyfriend."

"Don't forget na best friend pa rin kita."

Death's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon