Author's note: Hello! Alam kong epal chapter 'to pero may ibubunyag akong sikreto sa 'yo!
Naalala mo ba yung nagpadala ng lunch box kina Kelvin at Xyrile? At yung parang may nagmamasid kay Kelvin? Naalala mo pa yun? Hindi ko kasi nasabi kung sino yun pero ngayon, sasabihin ko na ngayon kung sino!
Special Chapter: The Anonymous Sender
Idinikit ko yung pangalan ni Kelvin at Xyrile sa lunch box. I hope this works. Kinuha ko na yung phone ko and texted Kelvin and Xyrile, dumating sana sila.
Inilagay ko na sa isang bench - yung upuan ng mga player - at nag'tago na sa may mga bushes.
Bakit ba kailangan ko 'tong gawin? Ang bagal kasing kumilos ng Kelvin na yun at ito namang si Xyrile, walang pakielam kahit alam niyang masisira yung relasyon ni Kelvin kay Alice. KelLice fan kaya ako.
Eto na sila! Nung makita nila ang isa't isa, huminto sila.
"-Are you the one who texted me?"
"-Ikaw ba yung nag'text sa 'kin?"
Hindi, ako! Bilisan niyo na! Baka masira yung plano ko! Malayo na rin yung narating ko! Tiningnan nila pareho yung dalawang lunch box.
"I guess, someone set this up." Buti naman at umupo na si Xyrile dahil panigurado, ganoon din yung gagawin ni Kelvin... at hindi ako nagkakamali.
"Xyrile, h'wag kang magagalit. Bakit ba ganoong umakto si Nick?" Tanong ni Kelvin.
Tungkol kay Xyrile at Kelvin yung plano ko, napunta naman kay Nick? Ano ba naman yung dalawang 'to, mga pakipot. Nangangati na ko rito eh!
"Yun ba? I don't know either, he's acting weird."
"Hindi ba lagi kayong magkasama?"
Kahit hindi tumitig ng masama si Xyrile, alam kong galit siya according to her aura. "Lagi mo ba kaming pinapanood?"
"Hindi,"
"Edi hindi kami laging magkasama,"
At balik na sa pagiging tahimik ang buong paligid. I rested my chin in my palm. Ang init naman dito, ngangati na nga ako eh.
"Thanks for the food, whatever you are." I'm not a 'whatever', I'm 'whoever'! Ano ako? Bagay? Ugh. Naiinitan na kooo! But hey, at least nag'thank-you siya.
Umalis na ko sa pinagtataguan ko at dumiretso sa classroom. Buti naman at wala pa yung teacher.
"Natasha, bakit medyo late ka?" Bungad sa 'kin ni Shane pagka'upo ko sa upuan ko. Buti nalang at naka'aircon 'tong room namin at malapit pa ako roon.
I smiled, "May ginawa lang ako. Something important... and private." I giggled. Kasi naman, kukulitin at kukulitin ako ni Shane kung ano yung ginawa ko.
"Ang pogi talaga ni Wharyl!" I guess, that's Kathy. Lumapit siya sa amin at sinimulan ang pagke'kwento tungkol kay Wharyl.
Ano na kaya ang nangyari kay Xyrile at Kelvin? Sana talaga, gumana yung plano ko. Nagsimula na ang klase namin and as always, medyo boring yung ibang sinasabi ng teacher dahil alam ko na.
Pumunta akong CR pagkatapos at nandoon din si Alice. Nako'konsensya ako pero kailangan ko talaga 'tong gawin eh.
"N-Natasha?" Napatingin ako kay Alice at nginitian ko siya, "Pwede ba akong sumabay kay Renhero sandali?"
I nodded, "Sure, ako nalang yung sasabay kay Kelvin."
Ngumiti siya ng pilit, "T-Thanks, mauna na ko." Pagkaalis niya, nawala na yung mga ngiti ko at napahilamos nalang ng mukha. What have I done? Pero konti nalang, makukuha ko na yung twist.

BINABASA MO ANG
Death's Deal
FantasyNaranasan mo na bang makipag'deal? Yung parang pustahan, pero sa tao ka lang nakikipag'pustahan. What will you do if Death deals with you? Si Kelvin Harris, isang cold guy na heartthrob ng school niya. He has a best friend named 'Alice Warren', a ha...