Simula

146 33 6
                                    

My Sadist Girl

------------------------------------------------

A/N : yow yow haha ano ok ba ang bago kong Story hehe sana suporthan nyo din kagaya ng pagsuporta nyo sa mga nauna kong story thank you guyz

~Chixxnito1
--------------------------------------------

Rian's Point of View

Panibagong school year panibagong mga kaplastikan nanaman, mga fake people at mga demonyong teacher.

Kaya first subject namin dutch agad hehe. Corny eh bakit ba?
Kaya naisipan ko munang matulog, at sa Roof top iyon ng school namin ang Greenford academy. Pero bago ako pumunta doon ay bumili muna ako sa cafeteria ng chocolate. Hilig ko kasi ang kumain noon pa man, nagtataka nga ako kung bakit hindi pa ako nagkaka diabetes eh.

Tahimik akong naglakad papuntang rooftop dahil baka mahuli pa ako ng mga teacher namin eh. Sasabihin ko nalang sa kanila sumakit ang ulo ko. Syempre para may excuse ako sa kanila.

Nagpasak ako ng earphones habang papaakyat sa rooftop. Andito ako ngayon sa may hagdan.

May baon din akong yosi, pantanggal ng stress ko. Hindi alam ng pamilya ko na naninigarilyo ako. Nasa ibang bansa kasi sila, yung ate ko lang ang kasama ko sa bahay. Pero balak ko na din namang tumigil sa pagyoyosi dahil hinihingal na ako kahit naglalakad lang.

Nasa tapat na ako ng pinto ng rooftop ay tumingin muna ako sa baba ng hagdan baka kasi may teacher na makakita sakin eh. Pagpasok ko sa loob ay sumalubong agad ang napakalamig na hangin. Walang sikat ng araw ngayon para bang nakikisama ito sa pagtambay ko dito ngayon.

"Haysst mukhang masarap ang itutulog ko ngayon ah".Mahinang bulong ko sa hangin at napainat pa ako, Ay by the way Im' Rian Catherine Lagasca, but don't call me Catherine kasi nakakabawas ng coolnes hehe Gangster ako dito sa School e haha Charot...So ayun lang.

Dahan dahan akong lumapit sa may Raillings at tumingin sa paligid ng school namin. Talaga palang napaka laki nito iba talaga ang Greendford. Malaki ang tuition dito sa academy namin kaya halos lahat ng studyante dito ay mayayaman. Kaya halos lahat din ay maaarte, plastik, at mga pakitang tao.

Nakakasawa na ding pumasok lagi na lang akong idinadamay sa away ng kahit na sino kahit hindi naman. Kilala kasi akong bad girl dito sa school. Napakarami ko na ngang record sa guidance office eh. Buti nalang hindi ako nakikick out haha, patay sana ako kila daddy at mommy.

Si Ate naman walang pakealam sa ginagawa ko basta sa assignments at projects lang siya nakikialam sa akin.pero kahit ganun mahal na mahal ko ang ate Desiree ko hehe. Mabait kasi siyang magbigay ng baon kaya madami akong nabibiling chocolates hehe.

Haysst kaya hindi ako pumasok ngayon dahil ayoko munang makipag plastikan sa mga bago at mga dati kong kaklase. Nakakasawa na din ang mga mukha nila eh.

"Woohhh ang ganda ko!!".Sumigaw ako sa rooftop ng pagkakalakas lakas.

Nakarinig ako na parang may gumalaw dito sa rooftop kaluskos ba ganun. Di ko nalang pinansin iyon baka kung ano lang naman iyon. Humiga nalang muna ako para maka iglip ng konti. Dito na din ako magpapaabot ng uwian.

Wala namang umaakyat dito sa rooftop. Pwera nalang siguro dun sa mga magpapakamatay, ako lang ang madalas tumambay dito noon pa man kaya hindi nasisira ang tulog ko. Minsan pa nga inabutan ako dito ng Pagsasarado ng gate dito sa school kaya inakyat ko pa ang pagkakataas na gate ng Greenford academy.mabuti na nga lang at walang nakakita sa akin dahil baka napagbintangan pa akong magnanakaw.

My Sadist GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon