My Sadist Girl
Natapos ang buong araw at naguwian. Umuwi kaagad ako at hindi na ako dumaan sa locker room. Bahala na ang lalaking iyon doon.
Ngunit mayroon sa loob ko na gusto siya tulungan doon dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. May makakain ba siya doon, malamig sa loob ng locker. Doon siya magpapalipas ng gabi.
Haysst bakit ba ginawa ko pa iyon papano nalang kung mamatay siya sa lamig doon. Nasa loob na ako ng bahay ng naisipan kong bumalik sa school upang alisin siya sa loob ng locker.
"Saan ka pa pupunta Rian?".Nagulat ako sa boses ni ate.
Napatingin ako sa likod ko at nakatayo siya doon. Naka pamewang siya at naka taas ang kilay.
"Ah-eh hehe jan lang".Nauutal na sabi ko sa kaniya.
"Hindi pwede gabi na Rian, anong oras na oh gabi ka na nga umuwi eh lalabas ka pa".Sermon ni Ate. Totoo gabi na ako umuwi dumaan pa kasi ako sa 7/11 para bumili ng Chocolate naubusan kasi ako ng Stock dito sa bahay eh.
"Sandali lang ako ate may bibilhin lang ako sa labas".Paliwanag ko.
"Hindi pwede gabi na".Hala papano na yung lalaking iyon baka mamatay na siya doon.
"Ate nama---"
"Hindi nga pwede! Gusto mo bang isumbong kita kila Mama at Papa? Sasabihin ko yung mga kalokohan mo!".Pananakot niya sa akin.
Mukhang wala na akong magagawa kung hindi magintay ng umaga para tulungan ang lalaking iyon. Nakakainis mang sabihin pero naaawa ako sa kanya, nakaka konsensya pala yung ginawa ko. Papano nalang talaga kung mamatay siya doon sa lamig. Siguro hindi nalang ganoon ka brutal ang gagawin ko sa kanya light nalang siguro.
Alam kong kasalanan ko ito sobra naman yung ginawa ko. Pero di ibig sabihin noon ok na kami tuloy parin ang revenge ko sa kaniya.
Umakyat na ako ng kwarto ko pakiramdam ko wala akong ganang kumain. Maya maya pa ay kumatok si ate.
"Sis tara na kakain na".Dinig kong sabi ni Ate sa kabilang pinto.
"Hindi ako nagugutom ate kakain nalang ako mamaya pag nagutom ako".Pagsisinungaling ko, wala talaga ako sa mood para kumain.
Nilalamon ako ng konsensya ko, kanina ko pa gustong balikan si Laurent kaso ayaw akong paalisin ni Ate.
Narinig ko ang yabag ng paa ni ate palayo sa Kwarto ko. Naisip kong pwede akong pumuslit dito. Ginagawa ko na nga pala iyon dati pa.
Kaso!? Papano ako makakapasok sa loob ng school?
Hasyyt kailangan ko talagang mag antay ng umaga para matulungan si Laurent. Kainis naman oh!
Bakit ba ako nakokonsensya?Nagumpisa na akong ng gumawa ng tulog. Siguro ito ang sulusyon para makalimutan ko itong araw na ito. Kailangan ko munang mag tiis hanggang umaga upang matulungan ko ang lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
My Sadist Girl
Teen FictionAng bad girl Sadist na si Rian Catherine Lagasca makakatagpo ng lalaking katapat niya. Yung lalaking hindi man lang natatakot sa kanya. Yung lalaking dinededma lang ang angas niya. Yung lalaking magpapabago sa buhay niya. Yung lalaking hindi takot s...