Chapter 11

54 8 0
                                    

My Sadist Girl

(Rian's Point of View)

Kinakabahan ako, ewan ko kung bakit? Ngayon ko lang narinig na ganoon ka seryoso si Jinnie.

May nagawa ba akong kasalanan?

Tangina ano kaya yun?

Dali dali akong pumunta sa Clinic para puntahan si Jinnie, teka!? Bakit nga pala nasa clinic yun?

Hayst bahala na basta pupunta nalang ako. Dali dali akong pumunta doon.

Naabutan ko si Jinnie na parang pinipigilan si..!?

Si Draizen ba iyon!?

Bakit ganoon ang kanyang itsura? Puro dugo ang mukha niya, pati ang suot niyang Jersey ay may mantsa na din ng dugo.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanila....

"Sandali lang!? Draizen".Pagtawag ko may Draizen at tumigil siya.

"Draizen teka lang magpagamot ka muna!".Pagpipigil ulit ni Jinnie kay Draizen.

"Anong nangyari!?".Tanong ko sa kanila.

"Masaya ka na ba?".Nangilabot ako sa boses ni Draizen, nakakatok siya napaka seryoso niya masyado pero hindi mo mababatid na galit siya.

"B-Bakit? May nagawa ba ako?".Nauutal na tanong ko sa kaniya.

"Tanong mo sa sarili mo".Humarap siya sa amin at ngumiti siya pero sarcastic iyon. Kitang kita ko ang mga galos niya sa mukha.

Naglakad na ito papalayo pero tinawag ko ulit siya.....

"Draizen! Sandali! Magpagamot ka muna".Pero hindi siya tumigin sa halip ay tumigil lang siya sa paglalakad.

"No need, ok lang ako".At naglakad ulit ito papalayo.

Sinong gumawa noon sa kani—

Teka!?

Naalala ko na!?

"Nakita ko siya binubugbog nila Kerby, ang sabi nila inutusan mo daw sila".Napatingin ako kay Jinnie, napaka seryoso ng mukha niya.

"Ayaw magpagamot ni Draizen kaya nya daw ang sarili niya".Halatang galit na sabi ni Jinnie.

Hindi ako makasagot, bakit? Siguro dahil na g-guilty ako. Pero wala naman akong sinabi kay Kerby na ituloy niya yun eh. Wala nga akong sagot sa tanong niya eh.

Pero papaano kung—

Papaano kung binaliktad nila ako, pero kahit na!

"Inutusan mo ba talaga sila kerby para ipabugbog si Draizen!?".Sinasabi ko na nga ba eh.

"Wala akong ginagawang masama jinnie, mas paniniwalaan mo ba sila kesa sa akin?".Napa yuko si Jinnie habang naka kunot ang noo.

My Sadist GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon