Chapter 16

24 0 0
                                    

My Sadist Girl

Kabababa ko lang sa kotse at nauna akong maglakad kay Draizen, ayaw ko makasabay ang mayabang na lalaking iyon nakakainis.

"Hey! Sandali lang Rian".Heh! Bahala ka jan.

Hindi ko siya pinansin at diretyo lang akong naglakad papasok ng Mall, narinig ko naman ang yabang ni Draizen papalapit. Tumakbo ito dahil sobrang bilis kong maglakad.

"Negra ang bilis mong maglakad!".Reklamo niya at medyo hinihingal pa.

"Pwede ba! Wag kang FC! Hindi porket di na kita binubully tropa na tayo".Napataas naman ang kilay niya dahil doon sa sinabi ko.

"Ok".Ay si gag* sineryoso ata, nagtampo na siguro toh.

"Joke lang weak hehe di naman ako galit".Pagbibiro ko sa kanya.

Tiningnan lang ako nito at binaliwala ako, aba kala mo kung sinong gwapo ah di naman jowable.

"Arte mo ah! Bakla ka ba?".Beng! Triggered!!!!

Napatigil ito sa paglalakad at tumingin sa akin, pagkatapos ay dahan dahan nitong inilapit yung mukha niya sa mukha ko.

"Nanghahalik ako ng babaeng tumatawag sakin ng bakla".Seryosong pagkakasabi niya sa akin.

"Sml?".Seryoso din ako

Hindi nalang niya ako pinansin at pumasok nalang siya sa loob ng Mall at ako naman ay parang aso na sumunod sa kaniya.

FYI Hindi ako aso....

"Sandali lang weak antayin mo ako!".Paghabol ko sa kaniya.

Teka mukha ata akong katulong dun sa sinabi ko ah, hayst peste naman oh. Naglakad nalang ako at sinundan si Draizen kung saan man ito pupunta.

Tumigil ito sa tapat ng WOF (world of fun) teka maglalaro ata itong lalaking ito eh.

"Dito tayo, ok lang ba sayo?".Pfff hahahahahahaha.

"Seryoso ka?, hahahaha bata ka pa ba?".Ang tanda tanda na naisip pang maglaro sa WOF.

"Edi umalis ka na, shooo uwi".Pagtataboy niya sa akin kaya naman hindi ko talaga naiwasang matawa sa kaniya, para siyang bata na nagtatampo.

"Haha sige na sasamahan na kita baka magtampo pa ang bata eh".Sabi ko sa kanya habang nagpiligil ng tawa.

"FYI hindi ako bata gusto ko lang maglaro ng basketball, tssk kainis ka naman eh umuwi ka na nga!".Napipikon na sabi ng batang kasama ko.

" Pfft, tara na nga sa loob, baka dito ka pa umiyak eh".Hinatak ko nalang siya papasok pero hindi siya gumalaw sa pwesto niya.

Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin ang mga mata niya sa kamay ko.

Doon ko na realize na naka holdong hands pala ako sa kanya at agad kong binitawan ang kamay niya.

Tahimik nalang akong pumasok sa loob ng WOF, naramdaman ko namang nakasunod sa akin si Draizen.

Pumunta siya sa bilihan ng token, madami dami din siyang biniling token.

Teka!?

Bakit ang dami?

Sa basketball arcade lang naman ata siya maglalaro.

"Oh sayo kalahati, baka kase mabored ka kakapanood sakin".Inabot niya sa akin ang ibang Token.

"Anong gagawin ko jan?".Gagawin pa akong bata.

"Pagalingan tayong mag basketball".Ano daw?

My Sadist GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon