Chapter 3

101 30 2
                                    

My Sadist Girl

Im here at cafeteria, as usual bumibili ng chocolates. Hindi ata ako mabubuhay ng walang chocolate na kinkain eh.

Maya maya ay nakabili na ako ng chocolate at umupo na sa table dito sa cafeteria.

"Huy rian?".Napatingin ako sa nagsalita. Nanlaki ang mata ko ng makita ko muli ang babaeng ito.

"Jinnie!!".Niyakap ko agad ito, siya si Jinnie biazon. Bestfriend ko sya since grade school.

"Oh payatot na mananakit namiss mo ako ano?".Sabi niya sakin habang yakap ko siya.

Matagal siyang nawala lumipad kasi siya papuntang abroad. Dalawang taon din siya doon. Sobrang namiss ko siya.

"Huhuhu miss na miss kita, wag ka ng aalis".Napapaiyak na sabi ko sa kanya dahil sobra ko lang siyang namimiss.

"Hindi na ako aalis baliw ka, babantayan ko lahat ng kalokohan mo dito sa school nyo".Nanlaki ang mata ko at napaharap ako sa kaniya.

"Dito ka na mag-aaral?".Curious na tanong ko.

"Oo kaya hindi ka na makakagawa ng kalokohan, kala mo ah sinusumbong ka sakin ni Ate Desiree".Oo sumbungera si Ate pero hindi kila Mama at Papa. Sa kaibigan ko lang siya nagsusumbong. Yun kay Jinnie lang.

"Sorry na madam hindi na po".Paghingi ko ng pasensya sa kaniya.

" Hahaha biro lang naman".Umupo na kami sa table at nagumpisang kumain. Masaya kaming nagkwentuhan ni Jinnie. Pinagusapan din namin ang buhay niya sa Abroad.

Ringgg.....at tumunog ang bell.

"Pano ba yan? catherine kita nalang mamaya".Napakunot ako sa pangaasar ni Jinnie sa akin.

"Wag mo nga akong tawaging Catherine! Nagmumukha akong babae eh".Medyo pikon na sagot ko kay Jinnie at tumawa naman ito.

"Sorry na Ca----pfft hahaha sige mamaya nalang rian".Nagbeso pa kami bago kami nagpaalam sa isa't isa upang bumalik sa kanya kanya naming room. Magkaiba kasi kami ng strand.

Kumaway pa ako sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Riannnnnnn!!!!"

Peste! Sino bang monggoloid tong nang gugulat?.

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang kaklase kong si tyron. Hingal na hingal na itong tumatakbo.

"Ano ba yun? Bat ba sumisigaw ka?".Curious na tanong ko sa kanya.

"Hala kang babae ka! Lagot ka! Pinatatawag ka ni Ma'am sa principals office!".Natataranta at hinihingal niyang sabi sa akin.

My Sadist GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon