My Sadist Girl
(Draizen's Point of View)
"Hoy bata ka, gumising ka na jan".Antok na antok pa ako pero ginagising na ako ni Yaya Mercy.
"Bakit po ba Yaya?".Tanong ko habang naka takip ang unan sa mukha ko.
"May nagpadala sayo ng Breakfast, may kasama pang sulat, yieee may manliligaw na ang alaga namin".Agad akong napabangon sa sinabi ni Yaya Mercy.
"Yaya naman ginawa mo naman akong babae".Reklamo ko.
"Hehe bakit babae ka naman talaga eh hahahaha, pfft".Waleya naman tong yaya ko oh.
"Yaya tignan mo isa pa, sesante ka".Pananakot ko sa kanya pero biro lang yun hehe.
Natawa lang ito sa akin, sanay na si yaya sa mga sinasabi ko. Palagi kasi kaming ganito. Mas close kasi kami ni yaya mercy kesa kay Yaya Nancy ang sungit kasi nun eh.
"Ano po ba yang breakfast na yan Yaya?".Sino naman kaya ang nagdala ng pagkain na toh.
"Ah Tapsilog ata yan, tingnan mo nalang at ako'y may gagawin pa sa baba sige na babush".Maarteng sabi ni Yaya at lumabas na ng kwarto.
Hayop din eh, magdadala ng pagkain yung pang breakfast. Normal sa mga stalker or kahit kakilala cake yung dinadala eh, bakit ang isang ito breakfast. At anong tawag? Tapsilog?
Kinuha ko sa may side table ang tapsilog kuno, pero hindi ko pa ito nabubuksan ng makita ko ang sulat na nakapatong dito.
Teka!?
Kay Rian galing toh!?
Bakit naman niya ako bibigyan ng ganito?
Baka peace offering?
Pero bakit ganito? Tapsilog? Really?
Kinuha ko ang sulat at binuksan ko ito.......
Hoy Weak!!!,
Napaka weak mo nagpa bugbog ka kay Kerby, eh mukhang lampa iyon...pero bilib din ako sayo kasi na ospital daw ang isang iyon. Pero weak ka parin para sakin.
Pagaling ka na malapit na yung camping... Sorry pala sa nangyari dahil sakin nagkasugat pa yang gwa-.....ay hindi nevermind basta pagaling ka na. Masarap yang tapsilog ako nagluto niyan para sayo....
BINABASA MO ANG
My Sadist Girl
Teen FictionAng bad girl Sadist na si Rian Catherine Lagasca makakatagpo ng lalaking katapat niya. Yung lalaking hindi man lang natatakot sa kanya. Yung lalaking dinededma lang ang angas niya. Yung lalaking magpapabago sa buhay niya. Yung lalaking hindi takot s...