Chapter 7

68 19 0
                                    

My Sadist Girl

Bagong araw, bagong kalokohan nanaman. Wala na akong pakealam sa  nangyari kahapon, hindi na pumasok si Draizen matapos ang ginawa ko sa kanya.

Hindi pa din ako natutuwa sa ginagawa ko, bakit kaya?
Sobra sobra na nga yung ng ginagawa ko kay Draizen eh. Bakit hindi parin ako natutuwa. Kulang pa ba?

Hayst bahala na nga si batman, nandito ako sa rooftop nakatambay. Nagaantay ako ng simula ng klase. Maaga pa kasi. Napaaga ang pasok ko ngayon papano si ate nag suggest na ihatid ako ngayon sa school.

Nakakabagot kaya dito, buti nalang at may dala akong foods ngayon. Kaya hindi ako masyadong mababagot dito sa rooftop.

Kamusta na kaya yung Draizen na iyon? Papasok kaya siya. Haysst bakit ba palagi nalang pumapasok sa isipan ko ang mayabang na iyon.

"Ang aga mo ata". Nagulat ako ng biglang may pamilyar na boses na nagsalita. Kilala ko na kung sino ito.

"Anong ginagawa mo dito?".Iniisip ko palang kung papasok sya eh. Eto siya ngayon nasa likod ko.

Pinagpagan niya ang lapag at humiga siya doon. Aba mukhang matutulog nanaman ata ang lalaking ito.

"Malapit na ding magsimula ang klase, matutulog ka pa?".Tanong ko sa kanya.

"Ano bang pakealam mo?, dapat hindi mo pinapakealaman ang taong binubully mo".Ay sus nagdrama.

"Ang drama mo naman".Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Kahit kasi ganito lang ako, nobody ba? Madamdamin ako. Pero ok lang yung mga ginagawa mo sakin, natitiis ko pa naman".Paliwanag niya.

"So nahihirapan ka na sa ginagawa ko?"

"Hindi naman, sanay na ako eh".Sabi niya ng nakapikit.

"Sobra na ba yung ginagawa ko sayo?".Nagtatakang tanong ko.

"Hindi naman, mas malala noong last year bago ako lumipat dito".So hindi lang pala ako ang nambubully sa kaniya.

"Kaya ka ba lumipat dito?"

"Ahmm hindi".Sagot niya

"Eh bakit ka lumipat dito?"

"Secret".Aba masikreto ang lalaking toh ah. Kurutin ko nga.

"Aray!! Ano ba bakit ka nangungurot!".Halatang iritadong tanong niya.

"Ahahaha hindi naman masakit yun eh, ang weak mo naman".Natatawang sabi ko sa kaniya.

My Sadist GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon