My Sadist Girl
Nakakatamad ang araw na ito, nandito ako ngayon sa SSG office at tumitigin ng mga files. Kailangan na din naming maghanda para sa nalalapit na Camping.
At dahil pilya ako ay nagtanong ako sa SSG advicer kung may mga bad record parin ako dito sa Greenford.
"Ay Ma'am? May Record parin po ba ako dito sa school?".Syempre baka masilip nila Mama at Papa eh.
"Haha bakit kinakabahan ka sa kalokohan mo?, Ang pagkakaalam ko binasura na lahat ng record mo dahil naging temporary Vice President ka ng SSG".Napa palakpak naman ang tenga ko ng marinig ko iyon.
"Hehe buti nalang".Nawala lahat ng kaba sa dibdib ko(kung meron man akong Dibdib) dahil ligtas na ako.
"Ay siya nga pala Ms. lagasca!? Maaga pala kayong pinapauwi ngayon upang sa inyo kayo gumawa ng extra plan para sa Camping nyo, bukas naman ang deadline nito ".Paliwanag ng Ssg advicer sa akin, siya nga pala si Ma'am Mañora.
"About saan naman po yung Extra Plan?".Tanong ko kay Ma'am Mañora.
"Ahm mga activities sa camping".Sagot nito at napatango nalang ako.
Maganda din ito dahil makakapag date kami ni Jinnie, wala daw silang klase ngayon kaya hindi na siya pumasok. Aayain ko nalang siya mamaya pag uwi ko.
Tamang tama din at makakagawa ako ng mga projects na kailangan kong ipasa. Kahit SSG ako ay gumagawa parin ako ng mga requirements ko. Ganoon ako kasipag na studyante.
Maya maya pa ay napagpasyahan ko ng umuwi. Nagligpit na ako ng gamit ko sa office at nagpaalam na ako sa mga kasama ko sa SSG.
Sa hallway na ako dumaan upang mapabilis ako. Sa kamalas malasan nga naman ay nakita kong naglalakad magisa si kerby at puro benda ito. Makikita mo ang mga galos nito sa mukha.
Teka!
Hindi niya ata kasama ang mga unggoy niyang alalay. Nakatingin lang sa lapag si Kerby kaya hindi niya ako napapansin. Kaya naman tinawag ko ito.
"Hoy kerby!".Napatingin ito sa akin at nanlaki ang mata nito.
Kaagad ko naman sitang nilapitan at kinurot o siya.
"Aray ko Ms. VP masakit pa yan!".Reklamo niya.
"Anong pinagsasabi mo sa kaibigan ko at kay Draizen!? Na pinabugbug ko sya!?".Inis na tanong ko sa kaniya.
"Tsk! Hindi naman naniwala eh kaya ok na iyon, kita mo naman ang nangyari sa akin!".Iritang sagot niya.
"Buti nga sayo! Hambog!".Pang aasar ko sa kanya.
"Pfft! Haha".Baliw na toh.
BINABASA MO ANG
My Sadist Girl
Teen FictionAng bad girl Sadist na si Rian Catherine Lagasca makakatagpo ng lalaking katapat niya. Yung lalaking hindi man lang natatakot sa kanya. Yung lalaking dinededma lang ang angas niya. Yung lalaking magpapabago sa buhay niya. Yung lalaking hindi takot s...