Chapter 15

34 4 0
                                    

My Sadist Girl

A/N: Thank you for the cover @licality-/ wattpad book cover makers💜



Isang buong biyahe kaming hindi nagimikan ni Draizen, tanging ang tugtog lamang ng radio ng kanyang sasakyan ang nagsisilbing taga basag ng katahimikan.

Minsan ay napapasabay pa ako sa kanta dahil alam ko iyon. Si Draizen naman ay paminsan minsa'y napapangiti dahil sa kanta ko na pilit kong inaabot ang nota kahit hindi naman kaya ng boses ko. Kumbaga sintunado ako.

"Ganda ng boses mo ah, bakit hindi mo subukang sumali sa the voice?".Nagpipigil ng tawang sabi ni Draizen.

"Over qualified na kasi ako kaya di na ako sumasali sa mga ganung contest".Pagmamalaki ko sa kaniya, napataas naman ang kaniyang kilay dahil sa sinabi ko.

"It's a joke right, kasi ako nagbibiro lang ako sa sinabi ko".Nakataas parin ang kilay niya habang tinanong kung nagbibiro lang daw ba ako.

"No, im f*cking serious and i don't care if you are joking, im just telling the truth".Pagmamayabang ko kahit na hindi naman totoo.

alam ko sa sarili ko na medyo sintunado ako pag biritan ang usapan pero marunong naman akong kumanta yung sakto lang , yung kakayanin lang ng boses ko hehe. di nagtagal ay tumahimik nalang kami at nagpatuuloy sa pag d-drive si Draizen papunta sa starbucks.

Ilang minuto lang naman ay nakarating na kami sa starbucks, noong una ay akala ko na hindi man lang ako tutulungan ni Draizen dahil ang tagal nitong bumaba, pero akala ko lang pala iyon, kahit papaano may pagka gentle man din naman pala itong lalaking toh eh... dagdag pogi points na ito sakin hehe.

"Wag mo isiping gentleman ako kaya kita tinulungan na bumaba, napilitan lang ako kasi mukhang inaantay at inaasahan mo akong pagbuksan ka ng pinto". Soo ayun binabawi ko na ang sinabi kong dagdag pogi points sa kanya.

"As if i care?".Iritableng sagot ko sa kanya.

"Hindi ba? eh mukhang dismayado ka nga oh".Pang aasar pa nito at nahiya ako sa sinaabi niya. akal niya ba may gusto ako sa kanya?

"k-kapal n-naman ng M-mukha mo oy".Nauutal na sagot ko sa kanya daahil medyo nailang ako.

"Do you have a crush on me?".Nanlaki ang mata ko sa tanong niyaang iyon.

TUG TUG TUG TUG

Napatulala ako sa kanya habang nakahawak sa pintuan ng kotse, siya naman ah nakasadal sa may harapan ng kotse habang nakatingin ng deretyo sa akin.

"A-anong P-pinagsasasabi mo?".Kinakabahan ako hindi ako makasagot ng ayos sa kanya. F*ck this guy.

"Hey! i was just kidding, why are you blushing?".Curious na tanong ni Draizen.

Napahawak naman ako pisngi ko at naramdaman kong mainit ito, F*ck nagblush ba talaga ako? , kainis naman kasi itong lalaking ito eh. 

"Manahimik ka na nga lang!".Inis na sabi ko sa kanya.

"Bakit galit ka? wag mo sabihing totoo na may gusto ka sakin?".Sa pagkakataong ito hindi na ako natuwa at pinagkukurot ko siya sa tagiliran at sa pisngi.

"Ouch! Napaka sadista mo talaga!".Reklamo niya sa akin habang hinihimas ang tagiliran niya at pisngi na kinurot ko.

hindi ko nalang siya pinansin at isinara ko ang pinto tsaka nag atubiling pumasok sa starbucks.

Ako nalang ang umorder kasi libre ko nga ito eh. Nakakahiya naman kung uutusan ko ang isang mayaman na katulad niya, actually mayaman din naman kami pero mas mayaman sila sa amin. Ikaw ba naman ang magmay-ari ng napakaraming branch ng car dealing company sa buong mundo.

My Sadist GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon