My Sadist Girl
Hindi muna kami umuwi ni Jinnie. Pumunta muna kami ng Ihaw kamayan para kumain, sikat ang kainan na ito dito sa lugar namin. Papano ba naman 50 pesos makakakain ka na ng unli rice at ang sasarap pa ng ulam dito.
Sandali lang kami umorder at nag antay na sa pagkain namin. Naupo na agad kami at inantay ang sawsawan namin.
"Ano Cath? Sa hula ko hindi ka papayag ng hindi ka nakakaganti doon sa nagsumbong sayo?".Sabi ni Jinnie kilalang kilala niya talaga ako. Simula pagkabata ganoon na ang ugali ko. Hindi pwedeng hindi ako makakabawi.
"Eh ano pa nga ba".Sagot ko sa kanya hindi din naman niya ako mapipigilan. Pero pagsasabihan niya ako tingnan nyo.
"Hasyt Cath di na tayo bata para gumanti ka pa, mag mature ka naman babae ka".Diba sabi ko sa inyo eh.
"Jinnie iba kasi ito"
"Panong iba? Huh? Walang iba Cath! Baka sa dulo makonsensya ka diyan sa ginagawa mo ah? Sasabihan na kita Cath! Ikaw din ang magiging mali sa huli".Sermon ni Jinnie.
"Hindi ako makokonsensya Jinnie, lalo na dun sa pagsumbong niya sa akin, huh? Halos ma kick out na ako sa school dahil doon".Paliwanag ko sa kaibigan ko.
"Ikaw din naman yung mali eh! Bakit ba nagyoyosi ka sa school? Alam mong mali yun kaya tama lang na na detention ka".Sermon parin niya sa akin. Over protective lang siyang bestfriend sa akin. Parang kapatid ko na kasi siya kaya ganito siya sa akin.
"Im sorry Jinnie pero buo na ang desisyon ko, kelangan kong gumanti sa kaniya".Nakatitig ako sa mga mata ni Jinnie. Napayuko siya pagkasabi ko noon.
"Sige ikaw ang bahala buhay mo yan eh, pero hindi ako nagkulang sa pagsesermon sayo Cath".Sabi ni Jinnie at napapikit siya.
Ganito ka protective at ka istrikto ni Jinnie, ayaw niyang mapapahamak o gagawa ako ng kalokohan. Pero not this time, sobra na ang hinayupak na lalaki yun. Hindi ko na siya palalampasin pa ibang usapan na kasi pag kick out ang usapan. Siguradong patay ako kila Mama at Papa.
Maya maya pa ay dumating na ang pagkain namin at naglaway agad ako, wow shit pano ka hindi maglalaway eh sa halagang 50 pesos dalawang buong liempo na. Diba tapos 19 pesos unli rice na.
Nako kaya kasi paborito ni Jinnie dito kasi Unli. Alam mo naman mga matataba haha, gusto lagi putok batok eh. Hindi toh matutong magdiet eh. Wala kasing makapigil.
"Hoy Jinnie? Hindi ka ba pinag dyeta ni tita sa abroad".Nagtatakang tanong ko. Dapat sinasaway ni tita tong si Jinnie baka mahigh blood okaya diabetes ang babaeng ito.
"Hindi eh basta kumain lang daw ako ng kumain bahala daw ako sa buhay ko".Sabi niya ng may laman pang pagkain sa bibig. Parehas na parehas sila ni Ate masiba din si ate eh pero hindi tumataba, ayun siguro ang kaibahan nila. Si ate may exercise yun eh, model kasi siya kaya ganun. Pero may model bang malakas kumain?
Hanggang sa natapos kaming kumain naisipan pa ng kasama ko na pumunta daw ng Fixcone. Isang sikat na Ice Cream Restaurant dito sa amin.
"Hindi ka ba nabubusog Jinnie?".Tanong ko sa kanya at patuloy parin siyang sumusubo ng Ice Cream.
"Kumain ka nalang jan babae"
Ganoon na nga ang ginawa ko. Maya maya ay natapos na kami. Inihatid muna niya ako sa bahay bago siya umuwi.
Nakaka stress ang araw na ito. Sobrang badtrip ako dahil doon sa Laurent na iyon. Pati si ate di ko na napansin sa sobrang badtrip.
Dumeretyo nalang ako sa kwarto ko para magpahinga baka sakaling mawala yung stress at inis ko.
BINABASA MO ANG
My Sadist Girl
Teen FictionAng bad girl Sadist na si Rian Catherine Lagasca makakatagpo ng lalaking katapat niya. Yung lalaking hindi man lang natatakot sa kanya. Yung lalaking dinededma lang ang angas niya. Yung lalaking magpapabago sa buhay niya. Yung lalaking hindi takot s...