My Sadist Girl
Tahimik na klase walang namamlastik sakin ngayon. Next subject wala daw kaming teacher.
Hindi parin pumapasok yung tukmol na iyon. Akala ko ba papasok siya. Bat ko pala iniisip kung papasok pa siya o hindi. Pakealam ko ba.
"Ok class dismiss".Sabi ng Teacher namin at nagpaalam na kami sa kaniya.
Yung mga malalandi kong kaklase ay naglabasan ewan ko ba kung saan sila pupunta, siguromanlalalaki nanaman ang mga iyon.
Makapunta nga ng canteen gusto ko ng chocolate. Tumayo na ako at inayos ko ang bag ko, binitbit ko na ito at at nagsimula ng maglakad paalis ng classroom. Nasa may pinto na ako ng biglang...
*Blaaaaggghh*
"Aray ko!".Natumba ako sa lapag ng may mabangga akong tao sa may pinto nagkasalubong kami eh.
Napatingin nalang ako sa kamay na nakalahad sa harap ko. Tatanggapin ko na sana nung mapagtanto ko kung kaninong kamay iyon. Putek pumasok nga late naman.
Si Laurent pala!
"Im sorry, let me help you".Sabi niya at nakalahad parin ang kamay niya.
"Ay hindi kaya ko sarili ko".Tumayo ako magisa, hindi ko kailangan ng tulong ng lalaking ito.
Nilagpasan ko nalang siya, walang saysay kung makikipag usap ako sa kanya.
"Magpapataba ka kasi".Napatigil ako ng bigla siyang magsalita.
"Ano kamo?".Napatingin ako sa kanya.
"Bingi ka ba?".Nakangiting wika niya.
"Ikaw? Gago ka ba?".Inis na tanong ko sa kaniya.
"Gwapo lang".Sagot niya at kumindat pa sa akin tsaka niya ako tinalikuran.
"Yabang mo!".Inis na sabi ko ulit at napakuyom ang kamao ko."Hindi porket payat ako di na ako lalaban sayo".Dagdag ko pa.
Himarap lang siya sa akin at nginitian lang ako. Derederetyo lang siya sa kaniyang upuan sa tabi ko at natulog siya doon.
Napakayabang ng lalaking iyon akala mo kung sinong macho, hindi naman hot gago ang puta.
Naglakad nalang ako papuntang canteen. Nang matanaw ko si jinnie na palabas galing sa confort room.
"Hoy catherine!!".Patakbo siyang lumapit sa akin.
"Ano ba! Wag mo nga kasi akong tawaging catherine".Isa pa itong babaeng ito eh hilig din mangasar.
"Pfft! ang pikon mo po".Natatawang sabi niya.
"Asar na nga ako ngayong araw eh mabubwiset pa dahil sayo".Inis na sabi ko.
"Bakit nanaman ba?".Dahil sa buaet na lalaki yun jinnie. Kung alam mo lang kung gaano ako napipikon sa lalaking iyon nako. Mapapatay ko na iyon eh.
BINABASA MO ANG
My Sadist Girl
Teen FictionAng bad girl Sadist na si Rian Catherine Lagasca makakatagpo ng lalaking katapat niya. Yung lalaking hindi man lang natatakot sa kanya. Yung lalaking dinededma lang ang angas niya. Yung lalaking magpapabago sa buhay niya. Yung lalaking hindi takot s...