Chapter 8

63 18 0
                                    

My Sadist Girl

Saan naman kaya ako dadalhin ng lalaking ito?
Nako baka gahasain ako nito huhuhu.

"Hindi mo naman ako dadalhin sa motel noh?".Kinakabahang tanong ko sa kaniya.

Lalo akong kinabahan ng ngumiti lang siya ng nakakakilabot sa akin. Walanghiya mukhang may balak siya sa akin ah.

"Hoy draizen gago ka! Saan mo ako dadalhin? Ibaba mo ako".Pagnamatigas ko, kinukurot ko pa siya at hinahampas sa kanyang braso.

"Aray ano ba!? Masakit".Reklamo niya at umiiwas pa sa mga hampas ko.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Hindi naman dito yung daan pauwi sa bahay namin eh".Inis na sigaw ko sa kanya.

"Pwede bang kumalma ka? Sa bahay kita dadalhin".Eh? Bakit naman?

"Bakit doon? Balak mo ba akong pagsamantalahan sa bahay nyo? Wag po bata pa ako".Totoo naman eh bata pa ako ano nalang ipang bubuhay ko sa magiging anak ko pag nagkataon.

"Pwede ba? Ang OA mo akala mo naman kung sinong maganda at sexy".Aba bastos tong lalaking ito ah.

"Hoy sexy ako excuse me!".Hindi ba niya nakikita yung sexy body ko huh?

"Sinong nagsabi?"

"Sila Mama".Sinabi nila sakin nung huling umuwi sila sexy daw ako.

"Eh sila yun hindi ako, ang payat payat mo eh. Papano puro chocolate lang kinakain mo".Anong masama dun sa chocolate.

"Eh ano bang pake mo?".Oo nga ano bang pake niya?

"Manahimik ka na nga lang diyan, baka lagyan ko ng tape yang bibig mo eh, masyado kang maingay".Aba isinama lang ba ako ng lalaking ito para asarin?

Nagmukmok nalang ako at hindi nalang nagsalita pa. Sa sobrang bored sa byahe ay nagkalikot ako dito sa kotse ni Draizen.

Nang nay napansin akong calling card. Nabasa ko ang nakasulat dito at nagulat ako, bakit may calling card na ganito dito. Calling card iyon ng L.Company isang kilalang kompanya dito sa bansa, sila ay isa sa sikat na dealer ng mga sports car.

At ang nakakagulat, bakit may calling card ng L.Company dito sa sasakyan nitong si Draizen?

Ang alam ko mamahalin lahat ng sasakyan sa kompanyang iyon. Sa sobrang pagtataka ko ay napatingin ulit ako sa calling card at nanlaki ang mata ko noong nakita ko ulit ang card.

My Sadist GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon