Chapter 9

47 12 1
                                    

My Sadist Girl

(Draizen's Point Of View)

Nagmadali akong umalis sa bahay nila Rian dahil baka mahuli pa ako sa try out sa school. Bakit ba naman kasi inihatid ko pa yung babaeg yun.

Yaan ko nalang, sa bilis kong magpatakbo ay agad akong nakarating sa Greenford Academy. Patakbo akong pumunta sa Gym dahil baka malate pa ako.

"Coach late na ba ako?".Tanong ko kay Coach pagkapasok ko palang.

"Hindi naman sakto lang ang dating mo".Sabi ni Coach, nakakahiya kasi kinuha lang niya akong player eh. Kilala na kasi ako ni Coach nung naglalaro palang ako sa States.

Kinailangan ko din bumalik dito sa pinas upang bantayan ang negosyo namin dito. Diba nga? Kami ang may ari ng L. Company pero confidential iyon.

Papasok na sana ako sa loob ng gym ng biglang may bumangga sa akin. At derederetyo lang itong pumasok.

"Bat late ka Kerby? Saan ka galing?".Parang galit na tanong ni Coach.

"May sinundan lang po akong naglalandian".Pagkasabi niya ay bigla siyang tumingin ng masama sa akin.

Anong problema ng lalaking ito sa akin? Ang sama niyang makatingin sa akin ah, akala mo kakainin ako ng buo. Ano kayang nagawa ko sa lalaking ito?

Nagsimula na ang practice namin, hindi ako masyadong bigay todo sa practice, kilala na ako ni coach kaya alam niya kung hanggang saan ang laro ko.

Hanggang sa pinaglaro na kami ng 5v5, makakalaban ko yung mayabang na bumangga sa akin kanina.

"Ok 5v5 na bilis".Sigaw ni Coach, pumunta na kami sa gitna para mag jumpball.

Saamin ang unang ball possession, sa akin kaagad ibinigay ang bola. Katapat ko ang mayabang na lalaki. Ang angas ng porma naka tirintas pa yung buhok.

Nagdribble ako sa kanan at sumunod naman siya kaya bigla akong lumipat sa kaliwa sabay step back at doon siya nawala sa paningin ko napasigaw ang mga kakampi ko dahil doon sa ginawa ko dahil na tumba na pala ang mayabang na bantay ko.

" Boom ankle breaker"

"Panis si Kerby"

"Pahiya ka ngayon master!"

Tumingin pa ako kay Kerby daw ang pangalan bago ko itira ang bola sa three point area. Ang sama ng tingin sakin nung kerby, hahaha ang yabang mo kasi eh.

Naipasok ko ang tira at nagangas pa ako upang mainis sa akin yung kerby na iyon, mukhang may galit sa akin ang isang ito eh kaya dinagdagan ko lang ang galit niya.

Ngayon naman ay nasa kalaban na ang bola, at si kerby na ang may hawak nito.

"Wag ka na bumawi master mapapahiya ka lang"

"Go master! Mapapahiya ka lang"

At kung ano ano pang narinig ko na panlalait sa kaniya.

"Wag kang masyadong maangas men, sabihin mo nga nilalandi mo ba si Rian?".Tanong sa akin ni Kerby habang hawak niya ang bola.

My Sadist GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon