My Sadist Girl
Maaga akong gumising ngayong araw. Wala lang maaga lang talaga akong gumising ,mahaba kasi ang tulog ko kahapon kaya nakabawi ako ng lakas.
Like i always do. My Daily Routine, nung natapos ako ay bumaba agad ako para kumain. Naaamoy ko na ang luto ni ateng tuyo hahaha. Maaga talagang gumising si Ate kasi may work siya eh. Para na siyang nanay ko kasi alagang alaga niya ako.
"Good morning ate kong maganda".Bati ko sa kanya ng nakangiti. Naglalagay siya ng ulam at kanin sa lamesa namin.
"Good morning baby".Diba? Para siyang Nanay ko? Kaya labs na labs ko siya eh. Yun din ang dahilan kung bakit ko siya ibinibili sa KFC. Alam ko kasing napapagod si sa Work pero gumigising siya ng Maaga para lang ipagluto ako."Ang aga mo atang nagising ngayon sis? Gigisingin palang kita in 30 minutes eh".Dagdag na tanong niya.
" Nako ate hindi na, from now on gigising na ako ng maaga at ako naman ang magluluto para sayo"
Napatakip ng bibig si ate at nagpigil ng tawa ngunit hindi niya iyon napigil. Sobrang lakas ng tawa niya.
"Kingina Ate bat ka tumatawa?".Naka kunot noo kong tanong.
"Hahaha sis in your dreams! Itlog na nga lang at hotdog ang lulutuin mo sunog pa hahahaha!Tigilan mo nga ako".Natatawa parin si Ate.
Kingina naaalala pa niya yun eh ang tagal na noon eh. 3 weeks ago lang pala hehe. Pano kasi si Mama laging tumatawag ayun tuloy nakalimutan ko yung niluluto ko. Naamoy ko nalang na may nasusunog na. Wengya ako pa napagalitan ni Ate,tinawanan din ako ng magaling kong kapatid.
Nagsimula nalang akong kumain at hindi na nagsalita. Masarap magluto si Ate, sakto palagi yung pagkakaluto niya.natapos kaagad ako at inilagay ko sa sink yung pinagkainan ko.
"Ate una na ako, bye labyuu".Humalik muna ako sa pisngi ni ate. Kaagad naman akong lumabas ng bahay upang mag antay ng taxi. Magpapahatid sana ako kay Ate dahil naka kotse naman siya pag pasok niya sa Office kaso hindi pa siya naliligo. Mag liligpit parin siya ng kinainan namin.baka malate pa sya kaya mag cocommute nalang ako.
Madami namang dumadaang taxi dito sa village namin. Maya maya pa ay may natanaw na ako at agad ko namang pinara ito. Di naman kalayuan ang school sa village namin kaya naman agad akong nakarating sa Greenford Academy.
Syempre hindi pwedeng wala akong dalang pagkain pagpasok. Pumunta muna ako sa Canteen. Bumili muna ako ng Chocolate.
Nang makabili ako ay tumambay muna ako sa Canteen. Magpapalate ako para Grand Entrance hehehe.
Kinain ko muna ang binili kong chocolate, natapos din kaagad ako at naglakad na papunta sa room namin.
Tumingin ako sa wrist watch ko kung anong oras na, napangiti ako ng makita kong late na ako ng 5 minutes hehe pasaway ako ano?
Pero kahit pasaway ako sa school, matataas parin ang nakukuha kong Grades. May laman din naman ang utak ko kahit papaano.
Nagagalit na nga yung mga teacher ko dati sa akin eh, ang talino ko daw tapos sasayangin ko lang. Hayysstt ang hirap kasi top 3 ako sa klase. Hindi naman sa pagmamayabang yun ah. Talaga namang nakakatamad pumasok eh lalo na pag alam mo na yung ituturo ng teacher mo. Advance kasi ako magisip eh.
BINABASA MO ANG
My Sadist Girl
Teen FictionAng bad girl Sadist na si Rian Catherine Lagasca makakatagpo ng lalaking katapat niya. Yung lalaking hindi man lang natatakot sa kanya. Yung lalaking dinededma lang ang angas niya. Yung lalaking magpapabago sa buhay niya. Yung lalaking hindi takot s...