My Sadist Girl
Nagising ako ng may inis parin akong nararamdaman, bwiset na lalaki yun hanggang ngayon napipikon parin ako sa kaniya. Napatingin naman ako sa paligid ko.
"Mag-gagabi na pala kelangan ko ng umuwi".Tiningnan ko ang orasan ko 6:55 pm na 5 minutes nalang magsasarado na ang gate ng school. Kanina pa kasi labasan eh.
Ang haba ng tulog ko magmula nung umalis yung lalaking iyon. Teka hindi ko pala naitanong ang pangalan niya, eh bat ko naman itatanong hindi naman siya importante.
Tumakbo ako papunta sa gate at swerte namang hindi pa ito nagsasara, tinatamad pa akong umuwi sa bahay, magfofoodtrip na nga lang muna ako. So dumaan muna ako sa KFC para bumili ng pagkain. Bibili na din siguro ako ng pagkain ko sa bahay. Si ate din ibibili ko pala.
Pagpasok ko sa KFC ay kaagad akong pumila pero ang haba ng pila wala akong magagawa kung di magantay. Sanay naman akong magantay eh hahaha. Hindi joke lang nagmamadali ako eh. Baka pagalitan ako ni Ate pag wala pa ako sa bahay. Bwiset naman oh.
"Ms. dito ka na"
Napatingin ako sa boses lalaking nakapila sunod na siyang O-order. Pero napataas ang kilay ko ng marealize ko na siya yung lalaki kanina sa Rooftop.
"Mukhang nagmamadali ka kasi eh, kaya dito ka na sunod na ako oh".Nakangiting sabi niya.
"Wag na lang sanay akong mag antay".Sabay irap sa kanya. Che! Di mo ako madadaan sa ganyan, inis parin ako sayo lalake.
"Ok"
Tinalikuran na niya ako at nagantay na lang ulit na matapos umorder ang nasa unahan niya. Ang engot ko ah nagmamadali nga ako eh tinanggihan ko pa.aysst badtrip naman eh.
Napatingin ulit ako sa kanya at nakatingin ulit siya sa akin.sige na nga tatanggapin ko na nga yung offer niya.
"Bakit?".Tanong ko sa kanya. Nakatingin nga pala siya sa akin bakit nga ba?
"Ayaw mo talaga?".Nakangising tanong niya.
" Hassyt sige na sige na nagmamadali ako eh".Sagot ko.
Nagpalit na kami ng pwesto at wala namang pumansin sa ginawa namin. Napatingin ako sa lalaking yun pero ni kahit isang sulyap wala.
Hanggang sa naka order na ako. Nagintay ako ng mga ilang minuto at dumating na ang order ko. Bago ako kumain ay napasulyap pa ako sa paligid, may hinahanap lang ako. Teka! Bat ko ba kailangang hanapin ang lalaking iyon eh inis parin ako sa kanya. Hindi pa kami ok mas nangingibabaw parin sakin ang inis ko sakanya. Pero pagbibigyan ko muna siya sa ngayon dahil may ginawa siyang kabutihan sa akin.
Nakarating ako ng bahay at napansin kong bukas ang mga ilaw dito.patay nandyan na si Ate Desiree huhuhu.
Nung makapagbayad ako sa Taxi ay agad akong tumakbo papunta sa bahay namin. Kinakabahan akong buksan ang pinto, alam kong masisigawan nanaman ako ni ate Kaya nga dumaan muna ako ng KFC para may pang peace offering ako sa kanya. Oh diba ang talino ko hehe. Paborito pa naman ni ate tong binili ko kaya ligtas is Me.
Kinuha ko sa wallet ko ang susi ko dito sa bahay namin. May duplicate kami dito in case na mawalan yung isa may reserba pang isa. Parang mga boys pag nagmahal laging may reserba.
Kaagad ko naman itong binuksan at dahan dahang itinulak para hindi pagmulan ng ingay. Bahagya din akong yumuko para hindi din makagawa ng ingay sa paglalakad.
Pero mali ako nakita ko agad ang paa ni ate, nakatayo ito sa harapan ko. Wala na akong nagawa kung hindi tumingin sa kaniya.
"Hi ate hehe".Nakangiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Sadist Girl
Teen FictionAng bad girl Sadist na si Rian Catherine Lagasca makakatagpo ng lalaking katapat niya. Yung lalaking hindi man lang natatakot sa kanya. Yung lalaking dinededma lang ang angas niya. Yung lalaking magpapabago sa buhay niya. Yung lalaking hindi takot s...