Kabanata 1

5.1K 97 22
                                    

"It took
One look
And forever lay out in front of you

One smile
Then I die
But it will be revived by you"

- Your Song by Parokya ni Edgar

[Kabanata 1 - Judea Dominique Castillo]
•••
Nagising sa mga mumunting halik sa labi ni Judo. Napadilat siya ng mata at bumungad sa kanya si Jecka na walang saplot habang nakapatong sakanya.

"Morning, babe" nakangiting bati nito.

Ngumiti si Judo at mabilis hinalikan ang babae. "Morning" saka bumangon sa kama na hindi alintana sa babaeng nakaniig niya buong gabi.

"Where are you going?" Tanong ng babae sakanya.

"Shower" sabi niya at dere-deretsong tumungo sa banyo nang hindi nililingon si Jecka.

Kita naman sa mukha ni Jecka ang lungkot at inis dahil hindi man lang lumingon at pagkatapos siyang maikama ni Judo ay ilang araw na naman ang dadaan bago sila muling magkita.

Prente lang nakaupo ang babae sa gitna ng kama habang kipkip sa dibdib ang kumot ng tumunog ang ringtone ng phone ni Judo na nasa bedside table. Kinuha niya ito at sinagot ang tawag.

"Hello, sino 'to?" Kunot noo niyang bungad.

"Im Judo's girlfriend, sino 'to?" Mataray na sagot ng babae sa kabilang linya. Hindi makapaniwala si Jecka sa sinasabi ng babae.

"Girlfriend? Girl, baka nagkakamali ka--"

"Jecka?" saktong kalalabas lang ng banyo ni Judo ng harapin siya ni Jecka na masamang nakatingin sakanya.

"Girlfriend mo ba 'tong babaeng tumawag sayo?!" Nanggigil na tanong ni Jecka sakanya. "Sumagot ka!"

"J-Jecka.." hindi magkandarapa si Judo kung paano saaagutin si Jecka.

Shit! Shit! Shit. Sa isip niya.

"Ano?!" Sigaw sakanya ni Jecka. Pinatay niya ang tawag at dali-daling tinungo ang contacts ni Judo at mas lalo siyang nawindang sa mga pangalan ng bawat contact.

Babe #1 (Maria)
Babe #2 (Jecka)
Babe #3 (Sarita)
Babe #4 (Shaina)

Apat na contacts na Babe at naka-arrange ng numbers. Halos mabasag ang cellphone ni Judo mula sa pagkakahawak ni Jecka na pinapigilan ang pagluha sa harap ng babaerong nakaniig niya at hindi makapaniwalang lolokohin lang pala siya.

Samantalang si Judo ay yukong-yuko dahil nabisto siya ng wala sa oras. Napuno ng katahimikan ang buong kwarto hanggang sa nahulog sa sahig ang phone ni Judo na siyang ikinataas ng tingin niya kay Jecka na mabilis na pinulot lahat ng kanyang damit na nakakalat sa sahig at aakmang aalis na.

"J-Jecka please" habol ni Judo sakanya sa umiiyak na Jecka na tanging pantakip sa katawan ay ang kumot. Sinusubukang hawakan sa kamay ni Judo si Jecka ngunit pumipiglas lang ito.

"I'm sorry" kunwaring sabi niya upang mahinto sandali si Jecka sa pagbukas ng pinto ngunit hindi ito natinag st tumuloy parin sa pagbukas ng pinto at bumungad sakanilang dalawa ang isa pang babae.

"Babe, what's happening here?" Bungad ni Maria mula sa entrada ng pintuan bitbit ang isang cake na paborito ni Judo. Hindi malaman ni Judo kung ano ang gagawin kasi nandito ang Babe #1 niya.

Bullshit, isa ka pa! Sa isip niya.

"Who is she?" Baling naman nito kay Jecka. Lumuluhang bumaling ng tingin si Jecka kay Judo at sa babaeng sumalubong sakanilang dalawa.

Her Queen BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon