Kabanata 7

1K 48 1
                                    

I take one step away
And I find myself
Coming back to you
My one and only
One and only you
- Your Song by Parokya ni Edgar

[Kabanata 7 - Unique Flavor]
•••
Judo's point of view

"Judo!"

Napangiti ako habang nakatingin kay Ava na may dala-dalang cartolina at may nakalagay na 'Welcome back, paa!'. Habang naglalakad ako papalapit sakanila napansin kong kasamaniyang nag-aabang sina Kleanne at Dani na mga nakasalamin kahit umuulan ngayon dito sa pilipinas.

"Salamat, paa!"

Sinulyapan ko naman ang dalawang paa na nakasimangot sa likuran niya.

"Ano naman ang pinansuhol mo sa mga 'yan?"

Natawa na lang si Ava sa tanong ko. Allergic kasi ang dalawa sa airport

"Babae syempre!"

Natatawang sabi ni Ava saka lumapit saakin para kunin ang mga gamit ko. Galing kasi ako sa Korea para makipag-meeting sa mga possible investors ng itatayo kong Korean restaurant.

"Dalhin niyo 'to" sabay bigay ni Ava ng dalawang hand carry bag ko kay Dani at Kleanne na gustong umangal pero tinaasan lang sila ng kilay ni Ava."Madali akong kausap. One ca--"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng kamot-ulong nagsalita si Kleanne."Ako na nga!" Angil niya.

Naiiling at natatawa lang ako habang nakatingin sakanya. Sumunod naman si Dani na tamad na tamad ang katawan na kinuha ang isa ko pang bag sa kamay ni Ava na natatawa lang  saka walang magawang sumakay ng van.

May naalala naman ako kaya't bumaling ako ng tingin at kinausap si Ava.

"Ava, nasan ang motor ko?"

"Huh, ahm, parating palang" napakamot naman ito ng ulo habang nakatingin sakin." Teka, hindi kaba sasabay samin?" Tanong nito.

"May kailangan akong puntahan" sagot ko at tumango lang ito saka naunang sumakay sa van pero humabol ito ng tanong na may nakakalokong ngiti.

"Yung babaeng naikwento ba ni Cole ang pupuntahan mo?"

Nagulat naman ako sa tanong ito pero agad din sumeryoso.

"Pupuntahan ko si mom"

Tumango lang ito."Okay, sabi mo eh" nagkibit balikat nalang ito saka akmang isasara na ang pinto ng van ng muli itong dumungaw.

"Just call kapag kinarma ka!"

Sigaw nito na may nakakalokong ngiti saka sinara ng tuluyan ang pinto ng van at umandar na ito papaalis ng airport.

Naiiling lang ako habang sinusundan ng tingi ang papalayong van. Karma? Karma my ass. Mukhang matatagalan pa ang pagdating ng motor kaya't napatingin ako sa kalangitan, makulimlim at umuulan. Ganitong-ganito yung panahon ng sumulong ako sa ulan kasama si Ligaya.

Ligaya..

Hindi ko mapigilang mapangiti kung paano niya ko pinagkaila sa harap ng staff ko at pagkatapos kong tulungan eh sinasagot pa'ko ng pabalang.

That woman is unbelievable bitch. Sa isip ko.

Bagay maging bagong flavor.. unique. Sabi ng utak ko.

Unique flavor?

Napakunot ako ng noo ng maalala ko yung gabi sa Interstellar kung saan una ko siyang nakita at nahalikan. Yung pagkakataon na nagkakilala kami at tinawag ko siyang Ligaya. Ngunit napabalik lang ako sa ulirat ng may kumalabit sa akin at hinarap ko iyon.

Her Queen BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon