Its Time
\\Judo's point of view
"Fuck!"
Hindi ko mapigilang mapura sabay gulo ng buhok ko dahil maliwanag na sa labas at dilat parin ang mga mata ko. Sumaglit ako ng tingin sa digital clock sa bedside table ko, 6:30 am na.
Tsk.
Nagawa ko na lahat ng pwedeng posisyon para makatulog pero wala parin. Binabagabag parin ako ng suggestion ni Kleanne na gamitin ko si Joy para takasan ang kasal ko sa Montefuego heiress na 'yon. There is this thing inside me that she is the only solution I clearly see to escape all of it but-napapikit ako para pakalmahin ang sarili.
Bumukas naman bigla ang pintuan ng kwarto kaya't napatingin ako sa gawin non at bumungad sakin si Kleanne. Pagkakita nito saakin ay agad akong nginitian na may alanganin. Pumikit muli ako at tumagalid ng higa patalikod sa kanya.
"Judea, get up" utos nito saakin pero nanatili lang ako. Naramdaman ko ang mga paa niyang papalapit sa akin.
"Huy" kasabay na pagyugyog sa balikat ko.
"Hmmm" ungol ko.
"Stop playing with me, Judea, so get up" sabay hila ng kaliwang kamay ko pero nagmatigas parin ako at mas nagpabigat pa.
"Judea.." may himig ng pagbabanta sa boses ni Kleanne kaya't napadilat na'ko ng mata at walang nagawang napabuntong hininga.
Perks of being best buds since diaper days, Shit!
Makahulugan ko siyang tinignan saka bumaling ng tingin sa pagkakahawak niya sa kamay ko pagkatapos sakanya. Tinaasan lang ako ng kilay ni Kleanne na siya namang pag-irap ko dito saka pumiglas sa pagkakahawak ng kamay niya.
Nahiga ulit ako saka pumiki t pagkatapos ay narinig ko ang paghinga niya ng malalim."Judo, its about your dad" Napakunot ang noo ko.
"Ano?"
"He got you an invitation" pagkasabi niya'y napadilat ako ng mata saka napaupo sa kama. Ipinakita niya sakin ang hawak hawak niyang envelop na kulay marroon."engagement invitation"
"What?"
Napaismid ako at hindi naniniwalang napatingin kay Kleanne pero nanatili lang ang mukha nitong deretso at seryoso. Napatingin ako muli sa envelope na hawak niya at mataman itong pinagmasdan.
"Anong susunod mong gagawin dito?" Makahulugang tanong ni Kleanne sakin at sa hawak niya.
"Wait me outside" tanging sabi ko at alam kong naintindihan na niya ang salitang iyon dahil gusto ko munang mapag-isa.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka ang mga yabag ng paa na patungo sa gawi ng pintuan."Don't do anything stupid, Judo" sabi ni Kleanne kaya't napatingin ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.
"I'm better than that" sabi ko saka lumabas ito ng kwarto ko.
Napuno ng katahimikan ang buong silid na kinalalagyan ko. Naiwan akong nagiisip kung paano matatakasan ang lahat ng ito. Hindi ko kayang matali sa isang taong magiging miserable lang tulad ko at ayoko ng magpadala sa kapangyarihan niya. Ayoko ng maulit ang nakaraan.
Paano?
Napahilamos ako ng mukha saka tumayo sa pagkakaupo sa kama at tumungo sa balkonahe ng condo ko. Nilanghap ang sariwang hangin habang nakapikit hanggang sa namalayan ko na lang ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
Ann...
"I love you" umalingawngaw sa tainga ko ang huling sinabi niya bago siya bawian ng buhay sa mga kamay ko. Pakiramdam ko noong mga sandaling iyon na ayaw akong palayain mula sa maimpluwensiyang kinalalagyan ng tatay ko.
BINABASA MO ANG
Her Queen Bitch
Romance"Sa dami ng babaeng nakilala ko bakit ikaw pa ang naging karma ko?" - Judea Dominique Castillo Everyone deserves to be love but does a playgirl that only knows how to breaks one's heart deserve it? - Filipino based and LGBT love story, a girl to gir...