[Kabanata 10 - I Like Me Better]
•••
Judo's ppint of viewHindi ko alam kung maiinis o masisiyahan ako sa pagharang ko ng sasakyan nila Joy. Naiinis ako kasi parang wala siyang balak siputin ako pero lumiwanag ang mukha ng makita siyang pababa ng sasakyan at pinuntahan ako. Pagkatapos ko siyang kausapin ay walang paalam na hinila ang kanyang pulsuhan. Dali-dali kaming pumunta sa sasakyan ko saka isinakay si Joy sa passenger seat.
"Saan ba tayo pupunta?"
Angil sakin ni Joy pero hindi ko ito sinagot saka umikot sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.
Marami akong gustong sabihin sakanya pero simpleng pagbuka ng bibig hindi ko magawa dahil naunahan na niya ko sa pagsasalita.
"Saan mo ba ako dadalhin?!"
Kita ko sa peripheral vision ko ang pagkadisgust sa mukha niya.
"I don't wanna play with your games, okay?!"
"I'm not playing games with you" maangan kong sabi habang nasa daan parin ang tingin."Look--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumabad si Joy.
"Yes you are!" Asik niya."Naaasar ako sa pagmumukha mo sa tuwing nagkikita tayo kaya nga hindi ko alam kung b-bakit.. bakit--"
"Bakit, ano?" Sabad ko na nagpatahimik kay Joy. Saktong pula ang stoplight kaya huminto kami habang hindi ko mapigilang mamangha sa itsura niya ngayon.
"Se belissima, Ligaya" sambit ko habang pinagmamasdan ng mabuti ang mukha niyang napaganda. Ang labi niyang nakakaakit halikan, mga fiery eyes na parang makatitig saakin gusto ako mapalapit imbis na matakot sakanya..Ligaya.
Naputol ang pagtitigan namin dahil sa busina ng sasakyan kaya't napatingin ako sa stoplight at kulay green na ito. Muli kong pinaandar ang sasakyan habang napuno naman ng katahimikan sa pagitan namin dalawa. Sinulyapan ko siya sandali at nakatingin lang siya labas.
"Sleep for awhile, honey"
Sabi ko habang nagda-drive. Lihim naman akong napangiti sa huli kong sinabi, my endearment for her. I don't know but it came out of my mouth comfortably.
"Ayoko baka anong gawin mo sakin" sabi niya ng hindi parin nakatingin sakin. Naiiling lang ako habang nasa daan ang tingin.
This woman makes me crazy.
Pinagpatuloy ko sng pagda-drive papuntang Antipolo kung saan sana kami magde-date by the sunset pero hindi naman siya sumipot. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gusto kong ituloy ang date na'to. For me, date is a boring thing to do but I can help it. Hindi ko masabi pero ito lang ang paraan para makasama ko si Joy.
Alas onse na ng gabi ng makarating kami sa cliff dito sa Antipolo kung saan kita mo ang kabuuan ng Maynila. Nasa loob parin kami ng sasakyan habang tulog si Joy sa tabi ko mahimbing at pinagmamasdan ko lang siya. At this hour, I don't know why this woman made me do the things that I hate and what I'm known of.
"I can have any woman in just seconds but you.."
Huminga ako ng malalim habang nakatitig sakanya. Hindi ko magawang gisingin o haplusin ang kanyang mukha baka kung ano naman ang sabihin niya saakin. Ilang sandali pa ay lumabas na akong ng sasakyan at tinignan ang casio na relo ko, 12:01 na pala.
Lumapit ako sa cliff at pinagmasdan ang kabuuang view ng Maynila mula dito. Ang makikita lang ang mga matatayog na building at mga ilaw na bumabalot dito. Naalala ko naman ang paguusap namin ng private investigator ko tungkol kay Joy.
BINABASA MO ANG
Her Queen Bitch
Romance"Sa dami ng babaeng nakilala ko bakit ikaw pa ang naging karma ko?" - Judea Dominique Castillo Everyone deserves to be love but does a playgirl that only knows how to breaks one's heart deserve it? - Filipino based and LGBT love story, a girl to gir...