Kabanata 2

2.9K 80 5
                                    

[Kabanata 2 - The Queen Bitch]
•••
Nagising si Joy sa mula sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kanyang kwarto. Napakunot siya ng noo at unti-unting binuksan ang mga mata. Napatingin siya sa paligid niya at biglang bumangon.

"Aww" daing niya at napapikit sa sakit ng ulo niya.

Aish, kaya ayokong umiinom eh. Sabi niya sa sarili.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama habang nakapikit at hinihimas ang kanyang sentido ng may maalala siya.

Anong oras na'ba? Sa isip niya.

Saktong napadako ang kanyang mata sa orasan na nasa bedside table at napadilat ang kanyang mga mata ng makita ang oras.

Hala! Alas nuebe na, shit naman. Sa isip niya.

Hindi na alintana ang sakit ng ulo niya mula sa hangover at dali-daling niyang kinuha ang tuwalya sa sampayan at dumiretso sa banyo para maligo st mag-ayos.

Pagkatapos ng niyang maligo at magbihis ay agad siyang bumaba at nadatnan niyang nakasalampak ang mga katawan ng kanyang kinakapatid sa sala. Si Erin nasa sahig habang nakasandal ang ulo sa sofa habang si Dawn nakahiga sa sahig at si Trisha na prenteng nagka-kape na nakaupo sa single na upuan.

"Morning, bitch" bati sakanya ng kakapasok lang na si Aera mula sa kusina na walang hangover hindi tulad ng tatlong bitch sa sala.

"Akala ko nauna na kayo" sabi niya at saka naupo sa isa pang single na sofa at sumandal habang nakatingin sa kawalan.

"Akala ko din" sabi ni Trisha sabay higop sa kape niya.

"What happen last night?" Tanong niya ng hindi tumitingin kay Trisha at Aera.

Nagkatinginan sina Trisha at Aera saka muling tumingin kay Joy. "Wala kabang naalala?" Tanong ni Aera sakanya.

"Magtatanong ba ako kung meron?" Mataray na balik ni Joy kay Aera.

"Bitch" sabi ni Aera.

Walang maalala si Joy sa nangyari kagabi sa bar bukod sa pumunta sila doon para mag-celebrate ng kanyang birthday. Maayos naman silang nakauwi dito sa bahay kung saan sama-sama silang The Bitches. Ang girl group na nabuo dahil sa pagsayaw. They call themselves bitch because they don't care what will people say once they take the whole dancefloor.

Bumalik na sa ulirat si joy at saka napabuntong hininga."Wala munang sayaw" sabi niya habang nakatingin sa tatlong may hangover at bumaling kay Trisha at Aera.

"Let's go shopping" sabi niya habang nakakalokong tumingin kay Trisha at Aera. Napangiti na lang ang dalawa at minasdan ang dalawang babae na nakakalat sa sala.

Poor bitches!

PAGDATING nila sa mall ay agad silang nagpunta sa store ng isang signature brand ng damit at bags. Si Joy at Aera ay nagpunta sa clothes section habang nasa bags section naman si Trisha.

"Anong sumapi sayo at nag-aya kang mag-shopping?" Tanong ni Aera kay Joy habang tumitingin ng mga dress.

"Hmmm, wala lang" dahilan ni Joy habang patuloy sa pagpili ng damit. " Libre ko naman" dagdag pa ni Joy sa kumindat kay Aera.

Alam ng girls na mayaman ang pamilya ni Joy sadyang independent lang siya at passion ang pagsasayaw. Pero sekreto lang ang totoong estado niyo sa madla dahil narin sa siya ang queen bitch ng The Bitches na sikat sa social media.

"Hey, tapos na kayo sa pagpili?" Sulpot naman ni Erin sa dalawa. Bitbit niya ang dalawang signature bags sakanyang kanang kamay.

"Almost done, bitch" sabay na sagot ni Aera at Joy na tumitingin parin sa mga damit. Nang mapili na ng dalawa ang mga damit na bibilhin ay agad sioang nagpunta sa counter.

Her Queen BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon