Bottomline
Kabanata 11
**Sumapit ang tanghali at alas dose na sa orasan ng makarinig ng katok sina Aera mula sa pinto ng bahay. Napakunot ang noo niya habang napatingin naman si Joy kay Trisha.
"Trisha"
Tawag pansin ni Joy sakanya na siya namang tingin ni Trisha na nagtatanong.
"What?" Walang emosyon niyang tanong.
Binigyan lang siyang ng bitch mode look ni Joy na nagsasabing siya ang magbukas ng pinto. Taranta siyang kumilos papunta para buksan ang pinto at bumungad sakanya ang naka-kaki short at simple black v-neck shirt na suot ni Judo.
Ano pakay niya ng ganitong tanghaling tapat?
"Ba't nan--" Hindi na naituloy ni Trisha ang kanyang sasabihin ng magsalita si Judo.
"I made breakfast for Ligaya" sabi ni Judo na nagpataas naman ng kilay ni Trisha. Bigla namang nawala ang expression sa mukha ni Judo at napaiwas ng tingin. "and for the bitch- I mean for all of you"
Tumungo lang si Trisha. "Joy andito si Judo" sabi niya saka pumasok ng bahay. Signal naman iyon para pumasok ng bahay si Judo dala ang mga nilutong pagkain niya mismo.
Mamatay man?! Sabad ng konsensiya niya.
"Tsk" napa-palatak na lang si Judo ng maalala niya sng pagluto ng tanghalian.
Disaster!
Nakakailang hakbang pa lang si Judo ng bumungad sakanya si Joy na agad nagpangiti sakanya. Bakas sa mukha niya ang saya na hindi niya maintindihan na para bang natural na lumalabas simula ng simulan niya ang larong ito.
"Andito ka naman?"
Hindi maialis ni Joy ang suya sa muling pagtapak at pagkikita nila nj Judo. Simula kahapon ng kidnapin siya nito hanggang kaninang alas singko ng umaga ay magkasama na sila pero mukhang malakas ang tama ng kaharap niya. Napangisi naman siya sa isipan niya habang tinitignan ito.
"I made some beef calderata and dinuguan for you and for them"
Sabi ni Judo. Suyang suya na rin siya sa isipan niya dahil ito ang unang beses nag magluluto at dadalhan ng pagkain ang isang babaeng pinaglalaruan lang niya.
Tsk. Hirap mageffort para maging akin ka.
"Hindi kami bagong kapitbahay para bigyan ng pagkain" mataray na sabi ni Joy kay Judo pero hindi umalis si ang pangalawa at nakatayo parin sa harapan niya. Nagtitigan lang silang dalawa at nagsusukatan kung sino ang mananalo.
"Tapos na kayong magtinginan?"
Ilang sandali pa ay naputol ang titigan ni Joy at Judo sa sa pambabasag ni Dawn na naka-crossed arms at nakataas ang kilay habang nakantingin sakanila. Nagiwasan naman ng tingin ang dalawa saka bumaling si Joy kay Dawn.
"Isa pang plato at pares ng kutsara't tinidor" pinanlakihan niya lang ito lara sakyan siya kahit na tutol si Dawn ay sumunod na lang siya at pumasok sa kusina.
BINABASA MO ANG
Her Queen Bitch
Romance"Sa dami ng babaeng nakilala ko bakit ikaw pa ang naging karma ko?" - Judea Dominique Castillo Everyone deserves to be love but does a playgirl that only knows how to breaks one's heart deserve it? - Filipino based and LGBT love story, a girl to gir...