\That Crazy Thing\
Third Person
Ilang araw matapos ang pagbabalik nina Joy at Judo sa Manila, tila bumalik ang lahat sa dati. Walang komunikasyon ngunit naiwang tulala sa kawalan ang dalawa. Gulung-gulo sa kakaisip kung bakit ang hindi inaasahan ay nangyari na.
Tirik ang araw ng huwebes. Nasa opisina lamang si Judo at tahimik na nakamasid sa litrato ni Joy na naka-open sa Desktop niya. Malalim ang iniisip. Matapos niyang malaman ang lahat tungkol sa tunay na katuhan nito, maraming tanong parin ang naiiwan sa kanyang isipan.
Bakit hindi ko magawang magalit sayo?
Ang babaeng tanging pakinabang lang kay Judo dahil sa kaibigan at makatakas sa reyalidad na pilit niyang tinataguan. Ngunit hindi maitatago na iyon din ang dalaga na nakatakda niyang pakasalan dahil sa pera at kapangyarihan na kahit kailan ay kanyang kinasusuklaman.
Hindi na namalayan ni Judo ang tatlong sunod na katok kahit pa ang pagbukas nito at inuluwa ang isa sa kanyang mga tauhan.
"Boss?"
Tawag ni Jason habang bitbit ang isang tray ng pagkain na nakalaan para kay Judo. Hindi parin natitinag si Judo kaya't inulit nito ang pagtawag.
"Boss!"
Sa puntong iyon ay biglang nagulat si Judo dahil sa malakas na pagtawag bg tauhan niya.
"Ano–Ano 'yon ulit?" Wala sa sariling tanong ni Judo.
"Ah boss, lunch time?" Nahihiyang sabi ni Jason sabay taas ng tray. Napatayo naman si Judo at sandaling natulala sa tauhan niya. May gusto siyang sabihin ngunit kahit anong buka ng kanyang bibig ay kahit isang letra o salita ay walang lumalabas doon.
"Sige, Boss. Iwanan ko na lang sa table mo" sabi ng kanyang tauhan saka nilapag sa lamesita at bahagyang nginitian si Judo na sinuklian naman ng matamlay na ngiti saka umalis na ang una.
Napabuga na lang ng hangin si Judo at tamad na naupo sa swivel chair niya. In-exit niya na ang tab ng picture ni Joy sa desktop niya saka walang buhay na tatayo ng tumunog ang kanyang phone.
Ava calling...
Sa una'y nagalinlangan pa si Judo na sagutin iyon ngunit hindi naman siya titigilan kung sakali sa kakatanong sakanya. Walang ganang sinagot niya ang tawag.
"Hello?"
"Wait for the gang, were coming now"
Iyon lang ang sinabi ni Ava mula sa kabilang linya at agad nitog binaba ang tawag. Tila walang pakielam si Judo sa itinawag ng kaibigan. Ilang araw na siyang ganito. Tuliro, magulo at tahimik.
Nakakapanibago.
Lahat ng 'to dahil lang sa isang tao. Isang tao na sa hinagap na sila'y magtatagpo sa gitna kung saan tadhana'y sila ang napiling kalaro.
Wala pang ilang minuto ng makarinig siya ng pagbukas ng pinto. Isusubo pa lamang niya ang kutsara ng matigilan siya ng mapadako ng tingin sa apat na pares ng rubber shoes na nasa kanyang harapan.
"What is your next plan?" Tanong ng isa sa kanyang apat na bisita na matamang nakatingin sakanya. Isunubo na muna ni Judo ang kutsara bago ibaling tingin sa apat na nakatayo sa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
Her Queen Bitch
Romance"Sa dami ng babaeng nakilala ko bakit ikaw pa ang naging karma ko?" - Judea Dominique Castillo Everyone deserves to be love but does a playgirl that only knows how to breaks one's heart deserve it? - Filipino based and LGBT love story, a girl to gir...