Kabanata 18

949 43 0
                                    

/A Montefuego/

Judo

"Ligaya Montefuego is her real name, Heiress of Montefuego Real Estates"

Napahigpit ang pagkahawak ko sa phone ko na marinig ko 'yon. Biglang uminit ang buong dibdib ko kasabay ng malalim na paghinga habang sinusubukan kong ipasok sa isipan ko ang mga salitang 'yon. Napuno ng katahimikan ang paligid.

"Boss?" Rinig kong salita ng private investigator ko mula sa kabilang linya.

"Is this..Is this verified?" Paninigurado ko dahil ayokong maniwala.

"Verified--" Agad kong pinutol ang paguusap na 'yon at walang buhay na naupo sa sofa. Napatingin ako sa kawalan kasabay na matinding katahimikan na bumabalot sa aking kabuuan.

Gusto kong magwala sa galit dahil sa mga nalaman ko. Sa puntong 'yon pakiramdam ko pati siya niloloko lang ako. Hindi ko mapigilang mapaluha sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Yung sakit, galit at yung isang bagay na hindi maintindihan.

"Judo?" Isang malambing kasabay ng malambot at payat na braso na yumapos mula sa aking likuran. Wala sa sariling pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko at hinarap si Joy.

"May problema ba?" Tanong nito habang deretsong nakatingin sa mga mata.

Napangiti lang ako na pilit." I'm okay" sabi ko habang hinahaplos ang braso niyang nakayakap sakin.

Kita ko sa mga mata niya pero mas pinili kong maging okay kahit sa loob-loob ko ah hindi ko alam kung paano ako magiging okay pagkatapos ng mga nalaman ko kanina.

"Lalabas lang ako sandali" sabi ko saka unti-unting kumalas mula sa yakap ni Joy at tumayo na para lumabas ng bahay.

Sa paglabas ko ng bahay biglang tumama sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin habang naamoy ko ang simoy ng dagat. Napabuntong hininga ako bago tuluyan naglakad-lakad para makapagisip-isip.

-
Sumapit ang gabi at napagdesisyonan na ni Judo na bumalik na sa bahay. Pagkarating niya sa labas ng bahay ay may naka-set up na lamesang pangdalawahan na pinailaw iilang bumbilya at christmas lights. Napangiti si Judo dahil doon at mas lalo pa itong lumawak ng makita niya ang  matamis na ngiti mulasa labi ni Joy ang bumungad sakanya.

"Anong meron?" Tanong ni Judo sa dalaga na nangingibabaw ang kaputian at kaseksihan sa suot nitong maxi dress na kulay itim.

"I just want the night to be special for the two of us" malambing nitong sabi kasabay ng pagpalibot ng mga kamay nito sa batok ni Judo kaya't hindi rin mapigilan ng isa na humawak sa bewang ng babae.

Sumulyap ng tingin si Judo sa hapag saka muli niyang tinitigan si Joy at sa pangalawang pagkakataon tila nilunod siya sa kamunduhan na tanging si Joy lang ang laman.

She's a Montefuego.

Biglang pumasok sa isip niya 'yon at biglang nawala ang ngiti sa labi niya kaya't bumitaw siya sa pagkakayakap kay Joy at ibinaling ang atensyon sa setup na nakahanda.

"Let's eat" 'yon lang ang sinabi ni Judo saka hinatak na si Joy para ipaghila ng upuan at umupo narin sa katapat na upuan nito.

"Are you ready?" Excited na tanong ni Joy kay Judo habang hawak ang takip ng ulam na stainless. Walang ganang tumango si Judo.

"Suprise!" masayang sabi ni Joy at namutawi sa mukha ni Judo ang gulat matapos makita ang ulam na nakahain, Adobong baboy. Napangiti si Judo dahil iyon ang paborito niyang ulam. Agad sinalukan ni Joy ng ulam ang plato ni Judo.

"H-How do you know my favorite?" Takang tanong ni Judo kay Joy. Biglang huminto sa pagsandok ng ulam si Joy at napatingin kay Judo.

"I don't know that this--"

Her Queen BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon