[Kabanata 4 - Being The Heiress]
•••
"Ehem!"NAPUTOL ang pagtitigan ni Judo at Joy ng biglang umubo si Cole. Natauhan silang dalawa saka nag-iwasan ng tingin.
"Bagay kayo" biro ni Erin sa kanilang dalawa. Napaalma naman si Joy at Judo dahil sa sinabi nito. Akmang magsasalita pa si Judo ng tumunog ang cellphone niya.
"Sandali lang" sabi ni Judo saka sinagot sng tawag.
"Hello" sagot niya.
Judea Dominique on my office, now. Sabi ng kanyang ama sa kabilang linya.
"Dad--" hindi na naituloy ang sasabihin niya ng patayan ng ama niya ang tawag. Kalmado man ang boses nito pero seryoso.
Agad niyang nilapitan si Cole."Kailangan na natin umalis" sabi niya saka binalingan si Joy at Erin.
"Salamat, mauna na kami" sabi niya sa dalawa saka tumalikod at naglakad papunta sa sasakyan.
Kasunod niya si Cole na sumakay naman sa driver seat." Saan tayo pupunta?" Tanong nito sakanya.
"Dalhin mo ako sa Castillo Metals" sabi niya habang seryosong nakatingin sa harapan at agad pinaharurot ni Cole ang sasakyan papunta sa opisina ng ama ni Judo.
Makalipas ng labinlimang minuto ay nakarating na sila sa tapat ng mataas na building na pag-aari ng kanyang ama, ang Castillo Metals. Ang number 1 exporter ng metal sa Asya at Europa.
"Ang yaman mo talaga,sis!" Sabi ni Cole habang nakatingala sa building ng ama niya.
"Ang tatay ko ang mayaman hindi ako" nakasimangot na sabi ni Judo habang si Cole naman ay natatawa na lang.
"Mauna na 'ko"sabi ni Judo kay Cole at napabuntong hininga muna bago naglakad na papasok sa loob.
"Bodyguard kailangan mo?" Biro ni Cole at natawa naman si Judo.
"Hindi na!" Sigaw niya sa deretsong pumasok sa labi.
Tinungo niya ang elevator at pinindot ang 20th floor kung saan ang pinakahuling floor at opisina ng tatay niya. Hindi niya alam kung anong trip ng tatay niya at gusto nitong makita siya. Unless may business agenda itong ipapaasikaso sakanya.
Manigas siya! Napapailing na sabi ni Judo sa sarili habang hinihintay ang pagakyat ng elevator sa opisina ng tatay niya.
Pagkarating niya sa mismong opisina ng ama niya ay naroon ang sekretarya nito na nginitian lamang siya. Pero deretso lang siyang tumungo at pumasok sa pintuan ng opisina.
"Ano kailangan niyo sakin?" Seryosong tanong niya sa lalaking nakaupo sa swivel chair habang may binabasa sa kanyang harapan.
"Ano gusto mo? Coffee? Tea? Softdrinks? Wine?" Tanong nito habang nakatuon parin sa mga papeles na nasa harapan nito.
Napabuntong hininga si Judo saka napatingin sa kisame at sa ama niya."Gusto ko ng umalis kaya sabihin mo na yung sasabihin mo" seryosong sabi niya.
"Montefuego Real Estates want us to save their company from bankruptcy and rumors of falling down business" sabi nito.
"Then" walang ganang sabi ni Judo.
Tumingin kay Judo ang kanyang ama."I agreed but there is a condition" pabiting sabi nito na siyang nagpataas ng kilay nj Judo.
Nangisi siya at nagsalita."At ano naman ang kapalit?"
"They want you to marry the only heiress of Montefuego Real Estates" deretsong sagot ng kanyang ama. Tila nabingi si Judo sa narinig at hindi magawang magsalita sa harapan ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Her Queen Bitch
Romance"Sa dami ng babaeng nakilala ko bakit ikaw pa ang naging karma ko?" - Judea Dominique Castillo Everyone deserves to be love but does a playgirl that only knows how to breaks one's heart deserve it? - Filipino based and LGBT love story, a girl to gir...