Trust
//Judo's point of view
"Hmmm"
Rinig kong ungol ni Joy mula sa pagkakatulog sa papssenger seat ng sasakyan ko. Senyales iyon na tapos na ang epekto ng pampatulog na gamot na ginamit mo sakanya na sakto namang pagdating namin dito sa tutuluyan naming bahay. Napatingin ako sa labas saka sa relos ko.
8:05 pm
Pinatay ko na ang makina saka bumaling ng tingin kay Joy. Pinagmasdan ko kung paano niya unti-unting idinilat ang kanyang mga mata na bahagyang nakaharap sa akin.
"Judo.."mahinang tawag niya sa pangalan ko kasabay noon ay sinuri niya ang buong paligid sa labas saka napatingin saakin ulit.
"Nasaan tayo?" Tanong niya
"Nasa bahay na tayo" kaswal na sagot ko sa tanong niya. Pagkarinig niyang iyon ay biglang nagiba ang kanyang emosyon.
"Hindi" iling niya."Hindi ito ang bahay ko" seryosong sabi niya. Napasulyap ako sa unahan ng sasakyan at napahinga ng malalim.
"You will stay with me for awhile, so--"
"What?" Bakas sa mukha ni Joy ang pagtataka."Nasisiraan kana ba ng ulo? Hah, Judo?"
Umiling lang ako habang matamang nakatitig sakanya.
"Bakit ba tayo nandito?" Tanong niya.
"We're here because we have to?" Hindi siguradong pagdadahilan ko sa dalaga. Binigyan ako ni Joy ng hindi makapaniwalang tingin.
Siguro hindi niya na kailangan malaman ang tunay na rason kung bakit kami nandito sa lugar na'to. Ang mahalaga ay makasama ko siya sa mga sandaling alam kong hindi talaga malaya. Umiwas na lang ako ng tingin at napasandal sa kinauupuan ko ngayon.
"Judo, ano ba?!" Sigaw niya kaya't napatingin ako sakanya."Kung may binabalak ka man, please lang, itigil mo na!"
"I'm sorry, Ligaya" iyon lang ang tanging kong sinabi bago lumabas ng driver seat at tumungo sa trunk ng sasakyan para kunin ang mga gamit.
"Arghh!" Rinig ko ang pagtili at pagkadismaya ni Joy nula sa loob ng sasakyan pero hinayaan ko lang iyon. Ilang sandali pa ay hindi ito nakatiis at sumunod din sa akin.
"Ibalik mo na ako sa Manila" matigas niyang sabi sa akin pero hinayaan ko lang iyon at nagpatuloy sa pagkuha ng mga gamit namin.
"Judo!" Tawag pansin niya sa pangalan ko kaya't sandali ko siyangsinulyapan saka tinaasan ng kilay. Matapos ng ilang segundong titigan, ngayon ko lang napansin na mas maganda sya sa paningin ko kapag bagong gising.
Sumuko rin ito at napapadiyak sa buhangin na kanyang tinatapakan ngayon. Kapag sigurado ako sa isang bagay kahit anong mangyari, magiging akin iyon.
Sigurado kaba sakanya?
"Tulong!" Napatingin ako sa di kalayuan kung saan sumisigaw si Ligaya na huminhingi ng tulong kaya't napa ismid ako at naiiling. Binaba ko na ang huling gamit namin saka pinuntahan ang kinaroroonan niya.
"Tulungan niyo ko!"
"Kahit sumigaw ka jan, walang makakarinig sayo" pabulong sabi sakanya. Binalewala niya lang ang sinabi ko at patuloy parin sa pagsigaw.
"Tulong!" Sigaw niyang muli.
Teka, bakit 'tulong' ang sinisigaw niya?
"Wala ngang makakarinig sayo, Joy" pangkokumbinse ko sakanya pero inirapan lang ako at sige lang sa pagsigaw.
BINABASA MO ANG
Her Queen Bitch
Romance"Sa dami ng babaeng nakilala ko bakit ikaw pa ang naging karma ko?" - Judea Dominique Castillo Everyone deserves to be love but does a playgirl that only knows how to breaks one's heart deserve it? - Filipino based and LGBT love story, a girl to gir...