Kabanata 5

1.4K 50 1
                                    

[Kabanata 5 - Conscience]
•••
Umalis na si Joy ngunit hindi parin makaalis sa kanyang kinalalagyan si Judo. Wala sa hinagap na meron babaeng kaya siyang itanggi sa harap ni iba.

Damn! Sa isip niya.

"Boss, magkakilala ba talaga kayo nung babaeng iyon?" Usisang tanong ni Marco sa tabi niya.

Tinignan niya ito at sinamaan ng tingin si Marco pero binawewala na lang niya iyon at muling bumaling sa pintuan ng cafe. Bumuntong hininga siya saka kinausap si Marco.

"Ikaw muna bahala dito. Sa opisina lang ako" sabi niya at hindi hinintay pa ang sasabihin ng staff niya saka naglakad papunta sa kanyang opisina

Naiwan namang nagtataka si Marco sa counter pero kalaunan ay nagkibit-balikat nalang siya sa pagta-trabaho.
Samantalang sa opisina naman ni Judo ay nakatingin siya sa malayo habang naka-upo sa swivel chair.

"That woman is something" sambit niya habang inaalala ang pag-akto nito sakanyang harapan. Naalala rin kaya nito ang una nilang pagkikita?

Mukha namang inosente saka itinanggi ka nga diba. Siksik ng konsensiya sa utak niya.

"Shut up!" Asik niya habang nakapikit dahil pinaalala pa nito ang nangyari kanina. Noong una sinubukan niya ang mabulaklak niyang dila para ma-impress ito pero nakatingin lang ito na para wala lang~

Wala lang talaga dahil hindi ka niya kilala! Banat pa muli ng kanyang konsensiya.

Sumasakit na ulo niya sa kape-peste ng kanyang konsensiya. Huminga siya na malalim habang nakapikit para ma-relax ang kanyang katawan at utak. Ilang sandali pa bumukas muli ang kanyang mata.

Muli na naman pumasok sa isip niya ang larawan ni Joy, ang kanyang Ligaya-- Wait, what? No!! Never.

Get your grip, Judea Domminique! Sabi niya sa sarili.

Kasi nga tama ako. Si Ligaya ang karma mo! Sigaw ng konsensiya niya.

"Hindi!" Napasigaw siya at napatayo sa kinauupuan si Judo. Hindi niya namalayang may isa pang tao sa loob ng kanyang kwarto na saksi sa pagiging baliw niya.

"S-Sorry, boss. Sige a-alis na k-kami" sabi ni Aileen kaya't nagulat si Judo ng marinig ang boses niya.

"K-Kanina ka pa jan?" Nauutal na tanong ni Judo sakanya.

"Opo, boss" nakayukong sabi nito habang habang magkahawak ang kanyang kamay na tila batang pinapapagalitan ng kanyang magulang.

"May problema ba?" Muli niyang tanong kay Aileen.

Napatingin ang babae sakanya saka nagsalita."Boss, 4pm na kasi. Eh magpapaalam lang po kung pwede ng mag-break"

"S-Sige, kumain na kayo" sabi niya dito.

"Wala po kayong ipabibili?" Tanong nito nito. Napaisip naman siya sa tanong nito at umiling lang.

"Lalabas din ako" sabi niya saka ito naglakad papalabas ng kanyang opisina.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang staff, agad niyang inayos ang mga folder na nasa kanyang lamesa. Kinuha ni Judo ang phone at wallet niya saka lumabas.

Makulimlim at umuulan. Iyon ang bumungad kay Judo sa paglabas niya ng cafe. Nakasukob siya sa payong na pangdalawahan habang naglalakad sa sidewalk para puntahan ang isang bakery na paborito niyang puntahan.

Bumili siya ng macaroons, one sliced cream cheese cake at isang bottled water. Sarap na sarap siya sa pagkain ng tumunog ang chimes kasabay ng pagbukas ng pintuan ng bakery. Inuluwa noon ang babaeng hindi niya inaasahan sa buhay niya. Bumugal ang paligid at may nadarama siyang hindi alam kung ano parang halo-halo.

Her Queen BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon