Kabanata 6

1.2K 51 0
                                    

[Kabanata 6 - Destiny's Game]
•••
"Sino yung nakita naming naghatid sayo?"

Nasa hapag ang bitches na kumakain ng almusal ng maalala ni Aera ang nakita nilang sasakyan na naghatid kay Joy at tinanong ito.

"Si Judo" Matipid nitong sagot na nagpakunot naman kay Aera.

"Lalaki?" Hindi niya mapigilang mausisa dahil iyon ang unang pagkakataon na hindi magpapakilala ng lalaki ang kaibigan niya sa dalawang taon nilang magkasama sa iisang bubong.

"Actually, Judo is a woman" sabat ni Erin pero napaisip din ito at nagtaka kung bakit kasama nito si Judo saka sumegunda pa ng tanong."Teka, magkasama kayo?" Kunot-noong tanong din niya.

Hindi alam ni Joy kung papano ipapaliwanag sakanila kung bakit sila magkasama ni Judo kagabi dahil una sa lahat wala naman siyang dapat ipaliwanag.

"Tinulungan niya lang akong maka-uwi dahil malakas ang ulan kahapon at iyon na 'yon" sabi niya na may diin sa huli.

Napatango nalang si Aera at nagpatuloy sa pagkain habang hindi parin si Erin makuntento sa sinabi ni Joy. Hindi niya ma-pin point pero may something at nase-sense niya iyon. Sa ngayon ay binalewala muna niya at nagpatuloy sa pagkain.

Sana hindi na sila magtanong, sana, please. Dasal ni Joy sa kanyang isipan.

Judo is someone that is not a good topic to talk about. Iba yung nararamdaman ni Joy sa tuwing malapit sa kanya ang babae kahit ilang beses pa lamang sila nagkikita.

Parang may mali.. sa isip niya.

Ipinilig niya na lang sa kanyang isipan ang topic na iyon at nag-focus sa pagkain. Patapos na silang kumain ng may nag-door bell kaya't nagkatinginan silang mga bitch at nagpapakiramdaman mung sino magbubukas.

"Ako na" sukong sabi ni Trisha.

Natatawa at naiiling na lang sina Joy. Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan papasok sa loob ng bahay. Muling pumusok sa dining room si Trisha at huminto sa tapat ni Joy at nagsalita.

"Pinapasundo ka ng mga asungot ng daddy mo"

Tumango lamang si Joy bilang tugon saka tinapos ang pagkain niya. Pagkatapos ay tumayo siya at dumiretso sa lababo paea maghugas ng kamay saka pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay patungo sa kanyang kwarto na nasa kanang bahagi ng ikalawang palapag.

Alam niyang narito lamang ang mga bodyguards ng kanyang ama para sunduin siya at mukhang mahalaga naman ito kaya't naligo siya at nagbihis ng simpleng dress.

"Ligaya, tumatahol na mga asungot!" Sigaw ni Trisha mula sa labas ng kanyang pintuan.

Napailing siya at sinagot ito."pakisabi bababa na"

Nagpatuloy lang si Joy sa paga-ayos  ng sarili at lumipas ang ilang minuto ng mapag-pasyahan niyang bumaba na. Nakita niyang prenteng nakaupo ang mga kaibigan sa sala habang nakabukas ang telebisyon.

"Bye, bitches!" Paalam niya sa mga ito.

"See you later, bitch!"

Sa paglabas niya ng pintuan, bumungad sakanya ang tatlong bodyguards na naghihintay sakanya. Pare-pareho itong naka-black suit  at nakasalamin na itim animo'y may lamay na pupuntahan sa overall black suit nila.

"Good morning, Ligaya" bati sakanya ng isa sa mga bodyguards.

"Morning" matipid niyang pagbati sa mga ito saka dere-deretsong naglakad sa sasakyan na audi na tinted. Napansin niyang may back-up car pa itong dala.

Aish! Hindi ako si Dad. Sa isip niya.

Hindi mapigilan ni Joy na mapairap ang kanyang mga mata dahil sa asta ng pagiging mahigpit ng kanyang ama. Pagpasok niya sa sasakyan ay umandar na ito papaalis. Alam niyang iisa lang ang destinasyon nila, ang opisina ng kanyang ama.

Her Queen BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon