Nightmare
\\"I'm your nightmare dress like a daydream"
Ligaya's point of view
Napakapit ako ng mahigpit sa bakal ng gate namin pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyon sakanya. Hindi ko alam kung paano magre-react basta't sa mga oras na 'yon ay gustong umalis sa harapan niya na hindi ko magawa.
"N-Nagbibiro ka l-lang diba?" Nauutal kong tanong sakanya ngunit hindi nagbago ang pagka-seryoso ng mukha ni Judo at mas lalo pang lumapit saakin para mahawak ang mga kamay ko.
"I need you to get away from all of this mess" sabi niya."Marry me, Joy"
"What?" Naguguluhang tanong ko. Gusto niya akong pakasalan para matakasan niya ako?
Tanga ba siya o gago?!
Hindi ko tuloy mapigilang mainis at basta na lamang hinablot mula sa mga kamay niya ang kamay ko. Kay aga-aga sinisira na agad ang araw ko.
"Umuwi kana mukhang may tama ka pa eh!" Singhal ko sabay talikod pabalik sa loob at akmang isasara na ang gate ng muli siyang magsalita.
"Seryoso akong pakakasalan kita" sabi nito pero binalewala ko lamang at tuluyan ng isinara ang gate."Could we have a coffe for awhile?" Alok nito kaya't hindi parin ako nakaalis mula sa gate.
"She doesn't drink coffee" biglang litanya ng matipunong boses mula sa likuran ko na aking nilingon, si David. Napasulyap ako kaagad ng tingin kay Judo na napakunot ng noo habang nakatingin sa taong papalapit sa likuran ko.
Naku naman.. bakit ngayon pa?!
Naramdaman ko ang mga brasong yumakap sa beywang ko. Napatingin ako sa mukha na boyfriend ko na siya namang walang kaabog-abog na hinalikan ako sa harap ni Judo ng mabilis saka muli silang nagharap.
"Who is she?" Tanong ni David na sumisiklab sa kaangasan at kagwapuhan habang kita ko naman sa peripheral vision ko ang mga matang mapanuri ni Judo. Bigla tuloy akong kinabahan sa pagkikita ng dalawa.
Ang manliligaw at ang pakakasalan, bongga!
Tsk.
"Who are you?" Patanong na sagot ni Judo kay David. David knows everything about my status as a heiress and rich one. Kaya't biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa maaring isahot niya.
Sana hindi niya masabi ang Ligaya.
"I'm Joy's boyfriend" tugon ni David pero mataman lang na nakatitig sakanya si Judo. Papalit-palit akong tingin sa dalawa dahil patagalan sila sa pagtitig sa isa't isa.
"Who are you?" Paguulit na tanong ni Judo sa boyfriend ko. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng pagtitigan nilang dalawa baka mamaya--
Baka mamaya ano?! Sabad ng konsensiya ko.
Huwag na nga!
Akmang tatalikod na kami papasok ng bahay ng magsalita si Judo upang matigilan kami mula sa paglalakad.
"Oh Joy haven't told you that she's pregnant" naguguluhan akong napasulyap kasabay ni David kay Judo na nakangisi ngayon. Ramdam kong biglang lumuwag ang pagkakahawak ni David sa kamay ko sa mga oras na'yon.
"What did you say?" Inis na tanong ni David kay Judo habang kunot noong napatingin din saakin.
"She's pregnant with our child"
"No, m not true!" Naluluhang sabi ko habang nakatingin kay Judo pagkatapos kay David."Mahal.."
Napuno ng takot ang puso ko sa mga sandaling 'yon. Hindi ko na rin napigilan ang pagagos ng mga luha ko habang dismayadong nakatingin saakin si David. Unti-unti siyang bumitaw sa akin.
BINABASA MO ANG
Her Queen Bitch
Romantik"Sa dami ng babaeng nakilala ko bakit ikaw pa ang naging karma ko?" - Judea Dominique Castillo Everyone deserves to be love but does a playgirl that only knows how to breaks one's heart deserve it? - Filipino based and LGBT love story, a girl to gir...