Kabanata 9

1K 45 2
                                    

Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose
And its you and me and all of the people
And I don't know why I can't my off you
- You and Me by Lifehouse

You to Me
Kabanta 9
**

Joy's point of view

Nanatili lang ako mula sa kinauupuan ko at hindi makagalaw habang nakatingin sa pintuan na pinasukan ni Judo na mukhang pribadong opisina niya. Napahawak ako bigla sa kaliwang dibdib ko dahil ang bilis ng tibok nito.

Bakit ganito ang puso ko?!

Pumikit ako para pakalmahin ang aking sarili pati narin ang tibok ng aking puso. Nang humupa na ang kakaibang emosyon na bumabalot sa akin ay agad kong idinilat ang mga mata saka tumayo at kinuha ang kape at dali-daling umalis sa coffee shop na iyon.

"Ma'am Ligaya!"

Rinig kong tawag ng isa sa mga staff ng coffee shop sa totoong pangalan ko pero binalewala ko lang at tuluyang nilisan ang lugar na iyon.

Pagdating ko sa studio ay kasalukuyang nililinis nina Trisha ang steps ng bagong naming sayaw na Boom Boom. Tuloy lang ako sa pagpasok at dumiretso sa isang gilid ng studio para doon ilagay ang bag at coffee ko. Hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kanina.

Nagkalapit muli ang aming mga mukha at halos magtama na ang ilong namin ni Judo na para bang sa sobrang lapit ay mahahalikan na niya ako.

Umasa ka naman na hahalikan ka niya! Sabad ng konsensiya ko.

H-Hindo no! Sagot ko.

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha, iyon din ang unang pagkakataon na mae-examine ko ito.

"Joy!"

Nabalik ako mula sa malalim na pagiisip ng tawagin ang pangalan ko ng pagkalakas. Nakatitig pala ako sa baso ng kape saka binaling ang tingin sa nasa harapan ko na si Aera pala na matamang nakatingin sakin.

"Matunaw yung baso ng kape. Teka, okay ka lang ba?"

Tanong nito habang nakahawak sa kanang braso ko.

"O-Okay lang ako"

"Iniwas ko ang tingin at binaling kay Trisha na nasa gitna.

"Start na tayo" sabi ko saka binalingan si Aera at tinanguan ito.

"Sure?" Paninigurado ni Dawn. Bakas sa mga mukha nito ang pagtataka.

Tumungo lang ako bilang tugon at nakangiting pumwesto sa gitna. May kinuha si Aera mula sa kanyang bulsa sa suot na jagger pants na isang remote saka pumindot ng buton para i-play ang kanta ng Momoland na Boom Boom.

Matapos ang isang oras na paglilinis ng steps ng sayaw ay napagpasiyahan ng mga bitch na mag-water break at magpahinga. Ako naman ay pumunta sa nilapagan ng gamit ko at doon naupo.

Sumandal ako sa glass window saka ipinikit ang aking mga mata at napabuntong hininga. Naiisip ko parin ang mukha ng manlolokong iyon.

Manloloko? How do you know? Sa loob-loob ko.

Oo, manloloko si Judo. Itsura pa lang maraming babae na naloko 'don. Sa mga mata niyang natural na kulay berde, ang matangos niyang ilong, ang labi niyang mapula at manipis na parang nahihipnotismo ka at ang jawline niyang--

In short, gwapa! Sabad ng konsensiya ko..

What? Panget siya! As in sobrang panget! Sigaw sa isip ko.

Her Queen BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon