Unraveled
Kabanata 13
**Judo's point of view
"What's the long face about, huh, Judo?"
Bungad na tanong sakin ni Dani pagkapasok ko ng bahay niya. Pagkatapos kung pinaliwanagan at iwanan ni Joy ay agad akong naka-receive ng tawag na may mahalagang diskusyon sa bahay ni Dani kaya agad akong pumunta at hindi na nagabala pang balikan ang prospect investor ko.
"Shits happen" sabay nabuntong hininga habang nakaupo sa pa-L na sofa dito sa sala. Nasa mini bar naman si Ava na seryoso ang mukha habang umiinom ng alak.
Asan na yung dalawa?
"Hindi pa tayo kumpleto?" Kunot noo kong tanong kay Dani.
"Kleanne is on the way" boses ni Cole na naka-white shirt at boxer shorts lang pababa ng hagdan mula sa second floor.
"Dito ka natulog?" Takang tanong ko.
"Nasermonan na naman eh" walang gana niyang sabi na dumiretso sa ref at kumuha ng beer.
"Ano, Ava? Still pursuing that woman?" Tanong ni Cole kay Ava na parang walang kasama at ginawang tambayan ang mini bar ni Dani.
"Shut up" boses ni Ava.
Mataman lang akong nakikinig sa usapan nila habang nakatutok ang mata ko sa number ni Joy na nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba, magte-text o hahayan ko muna.
Mas pinili kong i-text na lang siya. Pero kahit isang word wala akong ma-construct kaya't pinatay ko nalang ang phone at pabagsak na inilapag sa tabi ko ang phone at tumingin kina Cole at Ava na akmang sasapakin na nung pangalawa.
"Woah, man. Easy" hawak ni Ava ang kwelyo ni Cole kaya napatayo ako sa kinauupuan.
"Ava, calm yourself" pang-alo ni Dani na nasa kaliwa lang niya.
"How do I calm myself if that woman slip out of my hands, again?!" Sigaw ni Ava habang hawak sa kwelyo si Cole.
"Ipinagpipilitan mo kase kahit hindi na naman siya sayo!" Balik na sigaw ni Cole kay Ava na mas ikinagalit ng pangalawa kaya bago pa mauwi sa suntukan ang walang kwentang sigawan nila agad nakong pumagitna.
"Enough!" Sigaw ko saka tinanggal ang pagkakahawak ni Ava sa kwelyo ng damit ni Cole.
"Stop this nonsense argument!" Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.
"At ikaw naman mainipin ka talaga!" Baling niya kay Ava na nakabusangot at may tama na, sandali siyang tumingin sa mga basyo ng bote ng beer na nasa mini bar saka muling bumaling ulit sakanya."Gusto mong mawalan ng baga kapag nagkita na kayo ni Aera?!"
Umiling lang ito na parang bata na nagpangisi sakanya.
Good girl naman pala!
Pagkatapos ng isang oras ay nahimasmasan na sina Cole at Ava na saktuhang pagdating ni Kleanne na mukhang lumipad na makarating lang sa bahay ng kaibigan. Ganun talaga kapag 'On the way' ang sagot ibig sabihin naga-ayos pa lang ng gamit.
Psh.
"Tuloy parin ang plano. Plan A to Z" seryosong simula ko habang prenteng nakaupo sa isang one seater sofa. Katabi ko si Kleanne habang nakaupo naman sina Ava, Dani at Cole sa kaharap namin na L-shape sofa.
BINABASA MO ANG
Her Queen Bitch
Romance"Sa dami ng babaeng nakilala ko bakit ikaw pa ang naging karma ko?" - Judea Dominique Castillo Everyone deserves to be love but does a playgirl that only knows how to breaks one's heart deserve it? - Filipino based and LGBT love story, a girl to gir...