PROLOGUE

852 21 4
                                    

'Hindi mapakali sa kinauupuan si james mendoza at pinag papawisan ng malapot kahit na airconditioned ang opisinang pag aari nya.

Dinampot nya ang papeles na nakalapag sa kanyang mesa at paulit ulit nya iyong binasa.

Sales report iyon ng kanyang kumpanya at ayon roon ay halos wala na siyang kinita sa nakaraang taon at sa kasalukuyang taon.

"This can't be happening!"

Hindi nya makapaniwalang saad sa sarile nya, tumayo siya at nagpalakad lakad sa loob ng kanyang opisina.

Gusto man nyang mag pahinga o wag nang isipin muna ang nangyayari ngayon ay hindi maaari, paano nya magagawan ng paraan ang problemang meron ang kumpanya nyang LEMON INDUSTRIAL.

Napapikit nalang si james dahil sa naiisip nya na ang kumpanyang pinag hirapan nyang itayo ng ilang taon ay mukang mababaliwala.

Naisip nya rin ang dahilan kung bakit sya nag tatag ng kumpanyang iyon dahil sa kaisa isa nyang anak nasi mermar.

Nakatakda na nga bang mawala ang lahat!
Pagkatapos ng ilang taong pag hihirap nya upang paunlarin ang pagawaan nya ng samu't saring lemon products.

Hindi talaga sya makapaniwala dahil noong mga nag daang taon naman ay maunlad ang negosyo nya, naging supplier pa nga ang kumpanya nya sa iba't ibang bansa.

Gumawa na sya ng paraan para makabangon ang kumpanyang pinag hirapan nya, na ngutang na sya sa mga kaibigan nya sa negosyo at sa banko para maisalba pa ang kumpanya.

Subalit bigo parin sya, and before he knew it ay naubos na ang kanyang perang ipon at pera ng kanyang kumpanya.
Ngayon ay sising sisi sya sa katangahang nagawa nya, na kahit pati ang ibang ari arian nya ay naisanla nya.'

Itutuloy...
-Greenite

BE MINEWhere stories live. Discover now