BE MINE 2

365 24 3
                                    

Annyeong! dahil sa matumal parin tayo ay tutumalan ko narin muna ang mag update, tinitignan ko pa kung bebenta ba sa inyo tong Be Mine.

Basta comments at votes lang! masaya na ako, pakita nyo naman kasi yung suporta nyo kay otor para hindi sya kinakain ng katamaran!

Baka naiinip kayo sa on-going story may nagawa na akong dalawang BL story na completed ang ART OF LOVE at RED CURTAIN.

Paalala lang sa mag babasa ng RC bawal po doon ang matatanda, dahil may maseselang po iyong ganapan na hindi angkop sa edad nyo hahaha, thank you!
Dedicate ko naman to kay oppa mong chiyeulmendoza ang chapter 2, enjoy reading!

∞ Aiden on multimedia ∞

Aiden's POV:

Pabugtong bugtong hininga ngayon si kuya at mas lalong lumiit ang mga mata nyang naka tingin sakin.
Natatawa talaga ako pero hindi ko magawa dahil baka sakalin nya ko.

Langya naman kasi bakit na mana nya pa yung mata ng lolo namin, ang mas nakakatawa pa mas maliit yung mata ni kuya.

Baka ipinag lihi to ni mama sa hamster eh hahaha, cute naman yung mata nya kaso nakakatawa lang din talaga.

Mukhang may problema na naman syang papansinin sakin, mula ata high school ako panay putak nyan sakin, dinaig pa yung mama naming ngayong ay masaya ng nasa langit.

Etong kuya ko palibhasa panay trabaho, kaedaran ko palang sya noon ay nag umipisa na syang pamahalaan ang kumpanyang naiwan samin nila papa.

Kaya ayun sa halip na nanahimik ako at parating nag sasaya eh, panay naman ang singgit nya sa edad kong twenty three dapat nag eenjoy pa ako diba, ayokong magaya sa kanya na maagang nakapag asawa at mukang sa trabaho na tatanda.

"Ano bang gusto mong title aiden? a certified playboy! a heartbreaker! damn it hindi kung anong bagay lang ang mga babae! para magpalit ka linggo linggo ng karelasyon!"

Ayan na naman po ang kuya kong mukang hamster, iniisip ko nga baka inggit sakin to kasi ako maraming babae tapos sya kasal na nga sa kapwa lalake nya pa.

Nung una hinahayaan lang naman ako ni kuya, pero itong mga nag daang araw hindi ko alam kung bakit parati na syang umeepal sa pang bababae ko.

"Ayos sana kung mga babaeng ikina-kama at nilalandi mo ay mukang matitino ay okay lang sakin! paano kana lang kung sakaling mabuntis mo ang isa sa kanila!"

Bulyaw nya parin sakin, napa roll eyes nalang ako dahil sa mga sinasabi nya, random po talaga utak ng kuya ko, eh alam ko naman na gusto nya narin magkaroon ng pamangkin sakin.

"Kuya ayaw mo nun may makakatulong na sa future ang magiging anak nyo ni kuya richie sa kumpanya natin"

Inaasar ko talaga sya dahil alam ko naman sa dulo ako parin yung matatalo sa kanya lalo na't maraming syang alam na panakot sakin para sundin ko sya.

"F*ck you! wala na akong magagawa pang iba, susundin natin ang tradisyon ng pamilya natin, no susundin mo pala dahil nagawa ko na ito para kala papa"

"No way!"

Agaran kong pag tutol! the hell! sino bang matinong straight na lalake ang papayag na ipakasal sa kapwa nya lalake.

Oh wait wag nyong isiping matino si kuya dahil kahit straight yan ay siraulo naman yan kaya napapayag nila papa yan sa gusto nila.

"Gusto ko ng normal na pamilya kuya, ayokong tumulad sayo at sa ibang kamag anak natin"

"Sinira na ni papa yung tradisyon natin noon, kaya bago sya namatay nag bilin sya sakin na gawin natin iyon dalawa, yung lang ang hiling nya miski ni mama"

BE MINEWhere stories live. Discover now