[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...
Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]
• Mermar and aiden on multimedia 👆
Aiden's POV:
Natutuwa akong makita si mermar na masaya sya ngayon, palibhasa ngayon ko lang sya nakita ng ganito yung bang hindi mo sya makikitaan ng kahit anong bahid ng problema, nakakadala yung mga ngite nya.
Marami rin talaga syang pagkakatulad kay MM, hindi ko alam kung sinadya ba ito Lord para mas lalo ko lang ma-miss si MM o kung ano?Yung kasarian nya, yung mga bagay bagay na gusto nila, yung amoy nila at yung kani-kanina ko lang napansin ay yung malaki rin pagkakahawig nila.
Kung iisipin parang si MM tong si mermar na mas may itsura nga lang sa mahal ko, pero kahit ano naman itsura ni MM sya parin ang pinaka mamahal ko at ang tingin ko sa kanya ay napaka perpekto.Kung may brace nga lang si mermar o pekas sa mukha baka nasa isip ko na ngayon sya ang mahal kong si MM.
Bakit kasi ang hirap hanapin ni MM, para bang sinasadya nya o ng pamilya nya na hindi ko sya makita ulit, iniisip ko rin baka nga alam ni kuya kung na saan sila MM ayaw nya lang sabihin.
"Aiden sino si MM?"
Napatigil ako sa pag iisip sa tanong ni mermar, napatingin ako sa mata nyang napaka seryoso, na para bang gustong gusto nya na malaman kung sino nga ba si MM.Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tanong nya, hindi nga naiikwento ni jaydee ang tungkol kay MM.
"Ang taong matagal ko nang hinahanap, gustong gusto ko na sya ulit makita"
"H-huh?"
"Sya yug taong sinasabi ko sayo mermar, yung mahal na mahal kong hindi ko pa ulit na kakausap"
Bigla naman syang napa bitaw sa tali ni lei kaya, lumikot ng kaunti. Napayapos ako sa kanya mula sa likod para ako nang humawak sa tali ni lei.Para syang nagulat sa sinabi ko, napayuko na lang sya at sa harapan na tumingin.
"Ayos ka lang ba mermar, bigla kang natahimik"
Tanong ko, kanina ramdam na ramdam ko yung saya nya at madaldal to tapos bigla bigla na lang sya mananahimik, parang may malamin syang iniisip ngayon.
"A-ayos lang ako na gutom lang u-ulit si-siguro ako"
"Eh bakit nauutal ka? Ayos ka lang ba talaga, baka nahihilo ka o may nararamdaman ah?"
"Wala gutom lang talaga ako"
Hindi ako na niniwalang gutom lang yun pero pinaikot ko na lang si lei para bumalik sa bahay para pakainin sya, baka kasi pagod narin to kaya mas mabuting pag pahingahin na muna. May kung ano talaga eh, hindi parin nag sasalita ulit tong si mermar.
Kanina pa namin tinatahak pauwi sa bahay wala man lang salitang lumalabas sa bibig nya ngayon, madaldal pa naman to, matanong ganun ganun ba.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay agad akong bumaba kay lei ngunit itong si mermar nakatunganga, parang may iniisip nya syang kung ano.
"Hindi ka naman babae para alalayan pa kita bumaba kay lei diba?"
Pagkuha ko ng atensyon ko at pang aasar sa kanya, para naman syang na aligaga bago tumingin sakin, bigla na lang nag iba yung ekspresyon ng mukha nya. Mula sa pagiging seryoso at pagka tulala kanina naging matatalim tingin nito sakin bago inilabas ang dila at binelatan ako hahaha ang simple ng pang aasar ko ganyan na sya agad.
YOU ARE READING
BE MINE
Fanfiction[COMPLETED] I want you. All of you. Your flows. Your mistakes. Your imperfections. I want you and only you. I love you, pleas BE MINE.