[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...
Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]
• Richie's on multimedia 👆
Mermar's POV:
As expected marami pong bisita ang party para sakin, mas tumriple yung dami nya noong mga party na ginawa ni CEO. Hindi pa ako bumababa ng kotse dahil napakaraming fans sa entrance pa lang nitong venue, nag aalala si kuya jaydee na baka daw dumugin ako kaya mag hihintay na muna kaming dumating yung mga pinatawag ni kuyang gaurds.
Excited ako pumasok syempre para makasama at makausap ko man lang yung mga taong nag mamahal sakin dito, gustong gusto ko rin dahil babawiin ko yung korona ko kay kristine, hindi ko naman to babawiin kung matino at hindi sya mayabang.
Nung wala ako sa company samu't saring panget na balita ibinibigay sakin ng mga ka trabaho ko dahil kay kristine, noon kinausap ko si CEO, bakit hindi nya tanggalin si kristine kung ganun lang din ang ugali nya. Ang sabi nya lang sakin hindi naman daw na aapektuhan ang kumpanya pati lagi nya rin pinag sasabihan si kristine, hindi naman nya daw kasi pwede tanggalin si kristine dahil kaibigan pala ni CEO ang mga magulang nung bruha.
Kaya hindi ko na lang pinilit, kauna-unahang bagay na hiniling ko kay CEO tinanggihan nya baka kasi maganda ang pagkakaibigan nila nung parents ni kristine, wala rin naman akong karapatan na tanggalin sya empliyado lang din kasi ako, noong pinatatanggal ko si kristine feeling ko boss din ako hahaha.
Babawi nalang ako sa bruhang yun sa mga ginawa nyang pang aapi sa mga juniors model na naging close ko noon at hanggang ngayon dito sa kumpanya, wag syang mag reyna reynahan sa kumpanyang pangalawang tirahan ko na at lalong lalo na sa harapan ko.
Natigil ako sa pag iisip ng may tumatawag sa cellphone ko, dinukot ko ito sa bag na dala ni kuaya jaydee at hindi ko napigilan ang mapangite at kiligin dahil ttumatawag po yung escort ko, oh yes may pa escort pong nalaman si CEO para daw mas bongga ang pag pasok ko sa entrance hahaha.
"Yes aiden?"
Hala ano yun mermar? tunog malandi yung bungad mo hahaha.
"Oo narito na ako, di lang ako makababa pa ang daming tao baka kasi dumugin ako eh, baka pag pasok ko dyan nag mukha na akong nasagasaan ng truck hahaha..... Sige salamat"
My god susunduin po ako dito ni aiden, wala na ako pake kung dumigin ako ngayon basta nasa tabi ko si aiden magiging okay lang ako hihi. Sinabi ko kay na susunduin ako ni aiden kaya nauna na sya see wala na syang kontra, meron na rin naman mga guwardya, pero feeling ko mas safe ako kapag kasabay ko si aiden.
Kahit maayos nayung itsura ko nag ayos ayos parin ako, syempre naman aba mahal ko yung unang babalandrahan ko nitong mala dyosa kong mukha hahaha.
Ilang minuto pa ako nag hintay ng makarating nasi aiden sa may harapan ng sasakyan ko, yung feeling na mag mumukha kang aso kapag nakita mo sya dahil sa mapapanganga ka at tutulo na lang ng basta laway mo, buset napaka gwapo talaga ng nilalang nato.
Binuksan ko nayung pinto ng koste at may ngite sa labi na tumingin kay aiden, inilahad nya yung kamay nya kaya dali dali kong ipinatong ang kamay ko, lambot lambot ng kamay ng taong to, tapos napaka bango pa.
Nag lapitan naman ang iabang tao samin na agad namang naharang ng mga gwardya pero may ilan ilan na nakalapit sakin kaya kinamayan ko nalang sila at ningitian, nagulat na lang ako ng may brasong pumulupot naman sa braso ko, ng tignan ko ay diko naiwasang mapangite bago tumingin sa taong yun.

YOU ARE READING
BE MINE
Fanfiction[COMPLETED] I want you. All of you. Your flows. Your mistakes. Your imperfections. I want you and only you. I love you, pleas BE MINE.