BE MINE 14

214 12 37
                                    

[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa... 

Yow bes dedicate ko sayo tong chapter nato, salamat sa pag iingay sa comment box, mahal na mahal ka ni otor hihi, pagpa tuloy mo lang muah (flying kiss) XD

Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

• Richie on multimedia 👆





Aiden's POV:


"Ang galing rin naman ng palabas mo kanina."

Naka ngiseng saad ng kuya ko, narito kami ngayon sa kwarto ko at pinuputakan na naman nya ako na parang bang sya yung nanay namin.

Kung magaling ako, magaling sya umarte sa harap namin kanina, mana-mana lang ba! kung ano ang galing nya yun rin ang galing ko. 

"Hindi parin na babago isip ko, tuloy parin ang kasal"

"Paano kung tumanggi ulit ako at wag kang sundin?"

"Alam mo ang mangyayari sayo kung susuwayin mo ako"

"Kung sabihin ko sayong, wala na akong pakialam kung mag hirap ako, mas gugustuhin ko na yun kaysa makasama yung baklang yun"

Bahala na ayoko na sumunod sa lahat ng utos nya isa pa may karapatan din naman ako sa pag aaring iniwan ng mga magulang namin. Hindi sya kumibo sa halip ay tinawanan nya lang ako ng pagka lakas, insultong tawa yun para sakin.

"Pwede ba kuya hayaan mo na lang ako, wag mo akong igaya sa naging buhay mo"

Napa tigil naman sya sa pag tawa at tumingin sakin ng seryoso, humakbang sya papalapit sakin bago ako sinabunutan ng madiin.

"Hayaan? tapos anong gagawin mag wantusawa sa pag walwal! mag pauto sa babaeng sinasabi mong mahal mo! aba aiden gumagawa ako ng paraan para gumanda yang takbo ng buhay mo! humanap ako ng tamang tao para ikabubuti mo, ng gumanda ganda rin yang ugali mo!"

"Bakit ano bang ugali ko?! pati yang sinasabi mong maganda magiging buhay ko kapag si MM nakasama ko sa buhay? tangna lalake yun kuya kasalanan sa diyos yun diba!"

Bulyaw ko habang tinapik yung kamay nya palayo sa buhok ko. Muhing muhi rin sya kay kristine, wala namang ginagawa sa kanya yung tao pisti!

"Matapobre ka! mayabang ka! idinaan mo ang mga bagay bagay sa pera, mapanlaiit ka! mapanakit ka! sarile mo lang lagi mo iniisip, kapatid mo ako aiden kaya lahat ng baho at panget sayo alam ko! Ano pang sinasabi mo kasalanan sa diyos? ang katulad ng relasyon namin ng kuya richie mo? nag papatawa ka naman masyado, idinadamay mo pa ang diyos dahil lang sa ayaw mong pumayag? damn you idiot! diyos lang ang pwedeng mag sabi kung kasalanan ba ang mag mahal! nabubuhay tayong tao sa pag mamahal, lahat ng tao may karapatang mag mahal at pumuli kung sino ang dapat mahalin!"

Ganun naba kapanget ang ugali ko para sa kanya, nagiging totoo lang naman ako sa sarile ko at sa ibang tao, nagiging praltikal lang ako.

"Mahal ko si kristine kaya hayaan mo na ako"

"Hindi! ayoko yung babaeng yun pa ang magiging dahilan ng pag bagsak ng kumpanyang pinag hirapan ng mga magulang natin!"

"Hindi sya ganung babae ang kulit mo! takot na takot ka maagaw ang kumpanya kayang kaya mo naman alagaan at bantayan yun diba"

BE MINEWhere stories live. Discover now