BE MINE 15

240 17 13
                                    

[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming mga manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...

Eto na po nahihiya ako sa inyo dahil binitin na naman kayo ni otor, tag hirap at may sakit ngayon si otor kaya hindi nakakapag update ng mabilisan, pero push parin natin para sa malandiang planeta!

Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

• Gwendell on multimedia 👆







Mermar's POV:

Pagod, antok, lamig, gutom at pananakit na ng mga binti't paa ko ang iniinda ko ngayon. Hindi ako maka tulog dahil sa lamig at takot simula kahapon pa. Inaalala ko rin mga tao sa bahay nakakatiyak akong nag aalala na sila sakin, lalo nasi kuya jaydee.

May signal nga dito sa lugar nato lowbat naman ang cellphone ko, at diko alam kung gagana pa ba sya pag bukas dahil sa nabasa na.

Nakisama na naman ang panahon ngayon medyo tumila tila na at tingin ko madaling araw na, magka lakas lakas lang ako ng kaunti, uumpisahan ko nang subukang mag lakad lakad muli. Maswerte parin naman ako dahil sa batis nato ay meron maliit na butas sa likod ng rumaragasang tubig, doon ako na natili mula kagabi dahil may paminsang minsang kidlat na nadating.

Ilang minuto pa akong na natili sa loob nun ng mapag desisyonan ko nang lumabas, dahan dahan ako gumapang gamit ang tuhod ko dahil na nanakit talaga ang mga paa ko na puro sugat na.

Paano ako mag lalakad lakad nito, bakit hanggang ngayon kasi wala paring dumadating na tulong para sakin. Makisama ka naman paa, tiis tiis para makauwi na ako. "MERMAR!" Nabuhayan naman ako ng marinig ko ang isang tinig, nagpa linga linga ako at nakita ko ang isang taong nakatayo sa may taas nitong batis.

Naiiyak naman ako dahil sa wakas ay meron nang taong nakakita sakin, dahang dahan syang bumaba at agarang lumapit sakin.

"Diyos ko, diyos ko! salamat at ligtas ka"

Niyakap nya ako ng mahigpit na ginantihan ko naman, tuluyan namang umagos yung luha ko dahil sa yakap at sa taong narito ngayon ay alam kong safe na ako.

"Natakot kaba ng sobra?"

Tanong nya, kumalas sya sa pag akap sakin at hinawakan ang magkabila ng pisnge ko.

"Oo pero mas maayos na ako ngayon dahil narito ka na"

May hikbi kong saad. Ngumite sya at tsaka sinuri ang bawat parte ng katawan ko, nakita ko naman ang awa sa mukha nya ng dumako ang paningin nya sa may tuhod ko at paa.

"Uwi na tayo, pagod at gutom na gutom na ako"

Saad ko, iaangat ko na sana ang sarile ko ng hawakan nya ako sa magkabila ng balikat ko.

"May sasabihin ako, makinig kang mabuti... Pasensya na kung ngayon ko pa naisipang sabihin to, mermar mahal kita"

"H-huh?"

"Alam kong nagulat ka pero eto ang totoo, takot na takot ako nang malaman kong nawawala ka, na takot ako dahil sa rami ng negatives na pumapasok sa utak ko, akala ko iiwan mo na ako, kaming mga taong nag mamahal sayo, akala ko hindi na ako makakapag tapat ng nararamdaman ko, mahal kita noon pa man"

Hindi ko alam ang isasagot ko o may dapat ba akong isagot, dahil sa gulat na pag amin nya ngayon. Kailangan ko bang matuwa dahil sa sinabi nya ngayon?

"Hinhintayin ko ang sagot mo, tandaan mo lang seryoso ako, mahal kita"

Hindi na lang ako umimik sa kanya sa halip ay yumakap nalang ako ng mahigpit, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko dahil hindi ko naman inaasahan to.

BE MINEWhere stories live. Discover now