BE MINE 3

384 23 1
                                    


Nag babalik ang pinaka cute nyong otor hihihi, wag na kumontra okay :)
Maiksi lang yung nakaraang chapter, kaya babawi ako ngayon.

Paabutin ko muna to ng 100 views, at 30 votes bago ulit ako mag update, hahaha sabay sabay tayong ngumanga o kaya promote nyo sa ibang kilala nyong mahilig sa BL o open minded, pawa ebrebadi hapi!

Vote and comments guyseu kung di man abala sa inyo, salamat!!

∞ Ashley on multimedia ∞

Mermar's POV:

Hindi ko akalain na ganito palang kalaki ang kumpanya ng mga villanueva, well isang beses ko palang naman sila nakasama noon sa isang meeting ni papa.

Tas hindi pa ata dito ginanap yung meeting dati, ewan parang dito rin haha, ang alam ko kasi dating kasosyo ni papa ang mga villanueva, ewan kung anong nangyari at naging magka kumpetensya na sila.

Pero yung ashley villanueva sa totoo lang na aalala ko lang sa kanya dati mukha syang pitus na gwapo nun hahaha, pero cute yung mata nya.

"Excuse me miss, saan ko pwede makita si mr ashley villanueva?"

Tanong ko sa isang empliyadong babae dito, sa laki kasi ng building nato baka maligaw ligaw ako kung hindi ako mag tatanong.

"May meeting po ba kayo sa kanya? ano pong pangalan nyo sir?"

Tanong nung babae, tumingin muna sya sakin saglit bago tumingin sa monitor ng computer sa harap nya.

"Wala po miss, may importante lang po sana akong sasabihin sa kanya, pleas po miss kailangan ko lang talaga sya kausapin"

Saad ko, napatingin naman sya sakin.
Para syang nag dadalawang isip kaya napatingin sya sa lalakeng nasa may gilid nya.

Lumapit sa kanya yung lalake bago bumulong, nag taka naman ako na parang biglang nag ningning yung mata nung babae, bago ngumite ng ubod ng pagka tamis.

"Check ko po sir kung free time ngayon si sir villanueva"

Saad ng babae, hays salamat akala ko naman hindi nila ako pag bibigyan, kailangan ko na kasi talaga makausap si ashley villanueva.

Baka pwede pa akong maki usap na bigyan pa kami ng panahon ni papa, naawa kasi ako kay papa eh.

Araw araw na syang nag iinom at parating ayaw makipag usap sakin dahil daw sa nahihiya sya sa ginawa nya.

Ayaw naman na makipag usap sa kanya ni ashley dahil final na raw yung desisyon nya na ipakasal yung kapatid nya sakin.

Kaya naisipan ko na ako nalang ang maki usap, lahat gagawin ko para mapag bigyan nya ako.
Wag lang akong makasal sa taong hindi ko naman mahal.

"Sir nasa meeting po ngayon si mr villanueva, ang sabi po ng secretary nya ay kakaumpisa lang po nun and may susunod na po agad na meeting ulit, baka po matagalan sila"

Paliwanag ng babae, may pasok pa ako maya maya.
Naisipan kong tawagan nalang si kuya jaydee ang assistant/manager ko sa trabaho.

Nag excuse na muna ako sa babae para kausapin si kuya, mag papaalam akong hindi na muna papasok dahil hihintayin kong matapos si ashley.

"Sige kuya pasensya kana, pakisabi nalang kay mamalet na may inaasikaso lang ako ah, thank you"

Huli kong saad bago ibinaba ang tawag.
Bumalik ako sa kinaroroonan ng babae para sabihing hihintayin ko nalang na magka roon ng free time si ashley.

"Sige po sir umupo nalang muna po kayo doon, update ko nalang po kayo kapag pwede nyo napo makausap si sir.... Ano po ulit pangalan nyo?"

"Thank you miss, mermar mendoza po"

BE MINEWhere stories live. Discover now