BE MINE 6

275 15 1
                                    

[A/N: Ang storyang ito ay hindi perpekto maari kayong makakita ng mga maling grammar o typo errors na usong uso saming manunulat, humihingi ako ng paunawa at suporta mula sa inyong mga magbabasa...

Vote and comments aliens! pang istorbo lang yan saglit bago kayo mag basa, salamat!]

∞ Gwendell on multimedia ∞


Mermar's POV:

"Langya naman mermar! oo nga magaling ako sa hairstyle pero kung di makikisama yang buhok mo, magpa kalbo kana lang!"

Inis na saad ni kuya jaydee, hindi lang naman sya ang naiinis pati narin ako dahil bukod sa inis na raramdaman ko ay sobrang sakit pa ng anit ko.

Halos kagabi pa namin kinukulot buhok ko pero sadyang ayaw nya makisama, tinadtaran na namin ng kung anong gamot na pang kulot kaso ayaw talaga.

Tumitigas naman yung buhok ko kahit papano kaso ayaw nya lang talaga makulot, at yun talaga ang nakakainis.

"Ang lambot at dulas kasi nyang buhok mo, hirap na hirap tuloy akong kulutin"

"Sa tingin mo ba ayos nato?"

"Pwede nayan, panget kana rin naman tignan"

Saad nya, tumngo sya at pinatingin na ako sa salaming nasa likuran ko kanina.

"Woah! hello MM, welcome to the world hahaha"

Nahirapan ko pang saad, lamgya naman kasin g brace na ginawa ng dentista sakin limangpung kilo ata to't napaka bigat sa panga.

Kagabi ko parin sinasanay tong bibig ko sa pag bukas eh, paano ba naman tumulo minsan laway ko kapag nag sasalita hehehe.

"Etong fake pekas sa mukha ko parang totoong totoo pagkakagawa ko, kahit na mabasa to hindi madaling matanggal"

Saad ko, bumili talaga akong make up para lang sa fake pekas sa mukha kong naka kalat ngayon.

"Ayaw kasi makisama ng buhok mo eh, gawin nalang natin paaubitin natin yang bangs mo sa isang mata para mas mukang nerd, tas kapalan rin natin ang kilay mo, para mas panget tignan"

Suggestion nya, pwede narin mukha lang kasi akong nerd na tinubuan ng pekas sa mukha, akala ko nga totally panget na talaga ako kaso dipa rin pala.

Ginawa ko yung sinabi nya, eto kasing si kuya jaydee siya yung mahilig talaga sa pag aayos ng damit, mga bagay na bumabagay sa isang tao pero ang pag me-make up bihirang bihira nyang gawin sakin.

Minsan pa nga kapag sya yung pinagagawa ko sa mukha ko, nag mumukha akong clown hahaha.
Sakin naman walang problema dahil isa rin sa talent ko ang mag make up.

"Last part yung salamin kuya pleas"

Ani ko, kinuha nya mula sa kama ko yung box ng salaming pinagawa ko rin para sa full nerd look ko.

Hindi malabo ang mata ko sa totoo lang kaso napaka kapal ng lens ng salamin nayun at mataas ang grado sa mata.

Masakit na sa ulo, masakit pa sa mata.
Pero tiis tiis kung baga, para naman ito sa plano ko.

"Ewan lang ah, pero cute kapa rin tignan eh kahit ganyan na itsura mo hahaha"

Napatingin ulit ako sa salamin, laking layo naman ng mermar kay MM ngayon kaya mas maige nato.

Isa pa for sure naman aayawan ni aiden villanueva nayun ang ganitong itsura, baka nga kapag nasa pintuan pa lang ako ng bahay nila sa hacienda, sipain na nya ako palabas.

Parang timang naman tong si kuya jaydee sa halip na suportahan ako inaasar ako ngayon, nung una parati nyang sinasabi na gagana plano ko tas ngayon iba na pananaw nya.

BE MINEWhere stories live. Discover now