Vote and comments muna aliens alam nyo namang umaasa ako sa inyo para umunlad pa ng umunlad ang malandiang planeta namin.
Dedicate ko nga pala ito sa kapwa ko inspirit na kabit ng ating bidang si aiden, hello sayo ceilidhvlair naway magustuhan mo ang first chapter.
Enjoy reading aliens!∞ Mermar on multimedia ∞
Mermar's POV:
Naka pasok nako't nakainom na ng paborito kong lemon juice sa opisina ng ama ko ngunit hindi nya parin ako napapansin, halos mahilo narin ako sa kanya dahil paikot ikot sya dito.
Hindi ko tuloy alam kung may problema ba sya o na ta-tae lang hehe char!, ilang beses ko na nga tinatawag kaso hindi parin nya napapansin yung kacute-an ko.
"What should i do?"
Napasapo sya sa kanyang mukha bago umiling iling, sa itsura na ngayon ng aking ama ay mukha na syang miserable.
"Pa are you okay?"
Tanong ko, lumapit na ako ng tuluyan sa kanya upang mapansin na niya ako, nagulat naman ako sa nakita kong itsura ni papa ngayon, para na syang iiyak ngayon.
"Nandito ka pala anak, im sorry"
Paumanhin nya sakin, nag aalala na tuloy ako yung boses kasi ni papa para bang ang lungkot lungkot tapos yung mga mata nyang naka tingin sakin ng deretso para bang may gusto syang sabihin sakin.
"Ano bang meron pa? kanina pa kayo ganyan? ayos lang ba kayo?"
Ang may pag aalalang tanong ko, napatingin lang sya sakin at hindi umimik, mukhang nag dadalawang isip pa si papa na sabihin sakin.
Hinihintay ko ang sagot nya ng may kumatok sa pintuan ng opisina nya.
Si jona pala ang sekretarya ni papa."Excuse me po sir james, nasa lobby po si mr villanueva"
Saad ng sekretarya nya, nung una ay parang nagulat pa ang reaksyon ni papa bago tinaguhan nalang nya si jona.
Nang maka alis ang sekretarya ni papa ay, ibinalik nya ay pag tingin sakin."Son magpa sama kana muna kay jona, bumili kayo ng makakain natin"
Utos nya sakin, mukha na namang tensyunado si papa kaya nakakapag taka talaga.
"Pa, pwede ba mamaya nalang pleas ayoko munang lumabas, napagod po kasi ako sa trabaho ko"
Sagot ko sa kanya, isa nga pala akong modelo hindi man sikat na sikat ay kilala naman kahit papano, ang totoo ang layo ng trabaho ko sa kumpanyang meron si papa.
Sa totoo paborito ko naman lahat ng gawang produkto ng kumpanya namin pero, ayoko dito mag trabaho mas gusto kong mag modelo at mag feeling art artist dahil yun ang nagpapa saya sakin.
Alam ko naman na ako ang tagapag mana ng Lemon Industrial, tatanggapin oo naman yun pero dipa sa ngayon.
Mag eenjoy na muna ako sa mga gusto ko tutal malakas pa si papa para pamahalaan ang kumpanya namin."Excuse me po ulit sir, narito na po si mr villanueva"
Nagulat naman kami dahil sa bigalaang pag singit ni jona, hindi na nya nagawang kumatok o hindi lang namin narinig yung katok nya dahil kinukulit ko ang ama ko.
Hinawakan ko ang mga palad ni papa na lalo kong ipinag taka dahil nanlalamig ito, para bang humawak si papa sa yelo.
Napalunok lunok sya bago bumugyong hininga."Anak mas okay na sigurong malaman mo yung totoo.... jona pa-pasukin mo na sya"
Saad nya na ikinakunot ng noo ko, malaman ang alin?
May pumasok na isang lalake na parang kasing tangkaran ko lang, at di nalalayo ang edad sakin, yung kutis nya para bang lumunok sya ng sabong gluta hehehe at wow lang meron rin syang napaka cute na mga mata.
YOU ARE READING
BE MINE
Fanfiction[COMPLETED] I want you. All of you. Your flows. Your mistakes. Your imperfections. I want you and only you. I love you, pleas BE MINE.